Thalia's POV Tatlong araw pa akong namalagi sa ospital bago ako madischarge sa ospital. Tahimik lang kaming tatlo habang tinatahak ang daan pauwi sa apartment ko. Pinayuhan lang ako ni Dra. Viara na hindi na ako muli pa dapat ma-stress at magpalipas ng gutom dahil baka hindi na daw palarin pang makaligtas ang baby ko sa susunod. Napahawak ako sa aking impis na tiyan at naisip kung ano kayang buhay ang maibibigay ko sa kanya. Naisip ko din na, kakayanin ko kayang mawalay ng matagal kay Kristof? Kakayanin ko kayang tiisin ang pangungulila sa anak ko na ngayon lang nawalay sa akin? "Ate Thalia, you're stressing yourself too much. Don't worry about Kristof. I'll take care of my niece. Habang wala ka ay ako muna ang bahala sa kanya. I will never let anyone raise him like a monster, okay?"

