NAGULANTANG si Penelope nang marinig niya ang tunog ng alarm clock. Agad siyang bumangon at pinatay ito saka muling bumalik sa pagkakahiga. Inaantok pa siya at gusto pa sana niyang matulog nang mapatingin siya kay Ulysses. Tulog pa rin ito sa kanyang kama. Muli siyang bumangon at maingat na binuksan ang kanyang cabinet. Naglabas siya ng kanyang bihisan. Pagkatapos ay dumiretso siya ng banyo. Hindi siya nagtagal sa paliligo sa pag-aalalang baka magising si Ulysses at hanapin siya nito. Pagbalik niya ng kanyang kuwarto ay tulog pa rin ang nobyo. Sinimulan niyang mag-ayos sa sarili. Eksaktong twelve forty-five nang matapos siya at nakahanda na sa pagpasok. Nilapitan niya si Ulysses. Nagdadalawang-isip siya kung gigisingin ito o hahayaan na lang sa pagtulog. Ngunit kung iiwan na lang ni

