“HUWAG ka ng umiyak. Tahan na. Papasok na tayo sa loob.” Pagkasabi ni Ulysses sa katagang iyon ay tinangay na ng malakas na puwersa ang dalawa. “Akala ko ba, ikaw lang ang papasok? Bakit mo ako isinama?” usisa ni Penelope nang kumalas sa nobyo nito. Marahan niyang pinahid ang luha gamit ang mga daliri. “Ah…umiiyak ka na kasi kaya hindi na kita gustong bitiwan. Sa totoo lang, ayaw kong nakikita kang umiiyak. Sumasakit din ang dibdib ko.” Napahawak pa ang nobyo niya sa mismong dibdib nito. “Hmm…akala ko ba hindi nasasaktan ang mga bampira. Ibig kong sabihin, hindi kayo katulad ng tao na may damdamin na nasasaktan.” Tiningala ni Penelope ang nobyo. Napangiwi si Ulysses. “Mahal naman, nakalimutan mo na bang may dugo pa rin akong tao. Saka ang mga bampirang tinutukoy mo ay iyong mga mamama

