PARA namang nahimasmasan si Ulysses, agad itong lumapit kay Penelope. “Nakupo! Wala yata akong dalang susi,” wika ni Penelope. Kinapa nito ang lahat ng bulsa ng kanyang pantalon. Pero wala siyang mahagilap na susi. Ang tangi niyang dala ay ang kanyang cellphone. “Naiwan ang susi mo?” usisa ni Ulysses sa kanya. Napangiwi si Penelope. “Sa pagmamadali ko kagabi na sumama kay Achilles, nakalimutan ko palang dalhin ang susi ko. Sarado itong bahay pati na ang kuwarto namin.” Natapik ni Penelope ang kanyang noo. Sa dami ba naman ng makakalimutan niya, iyong susi pa talaga. Kahit kailan hindi na siya natuto. Ilang beses na bang nangyari sa kanya ito, laging naiiwan ang susi. Kaya ilang beses na rin niyang naranasan na mag-istambay sa labas ng boarding house nila dahil hindi siya makapasok sa

