NAPAPIKIT si Penelope nang marmadaman niya ang malakas na puwersa na tumangay sa kanila ni Ulysses. Pagmulat niya ng mata ay nasa harap na sila ng dalawang palapag na apartment. “Nandito na tayo,” pabulong na sabi ni Ulysses. Bumitiw si Penelope sa nobyo. “Dito ka ba nakatira dati?” tanong niya habang nakatingin sa apartment. “Oo, doon sa dulong pintuan sa second floor ako tumira,” sagot nito. Tumango si Penelope saka napalinga sa paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan nila. Paano kaya sila makakapunta sa boarding house niya? “Ano ang pangalan ng lugar na ito?” usisa ni Penelope. “San Andres Street,” ani Ulysses. “Tara magtanong-tanong tayo kung saan ang papunta sa boarding house mo,” sabi pa nito saka hinila siya. “Doon tayo sa tindahan magtanong.” Itinuro ni

