“NANDITO na tayo, mahal,” pabulong na sabi ni Ulysses kay Penelope. Agad na nagmulat ng mata si Penelope. Tumambad sa kanyang harapan ang maluwang na parking area ng hotel kung saan siya nagtatrabaho. “Salamat, mahal ko,” sabi niya sabay halik sa pisngi ng nobyo. “Bakit dito tayo pumunta?” tanong ni Ulysses. Hindi nito pinansin ang paghalik niya. “Heto lang kasi ang lugar na alam kong walang gaanong tao. Tingnan mo nga, walang katao-tao dito. Mga sasakyan lang ang nandito,” paliwanag ni Penelope. “Paano ka makakapasok sa trabaho mo?” nakarko ang kilay na tanong ni Ulysses. Sinukyapan ni Penelope si Ulysses. “Eh, di maglakad papunta sa entrance ng hotel. Nandoon ang daan.” Itinuro niya ang daan palabas ng parking area. “O-okay,” tumatangong tugon ni Ulysses. “Kung ganoon, tara na

