PABAGSAK na inihiga ni Penelope ang katawan sa kanyang kama. Pagod na pagod siya ngayong araw na ito. Sa dami ba naman ng guests na dumating sa hotel bago mag-lunch time, hindi tuloy sila magkandaugaga ng mga kasama niya sa pag-e-entertain sa mga ito. Ang mga guests na dumating ay kasali sa limang araw na live-in seminar sa hotel. Nag-set siya ng alarm clock saka siya bumangon para patayin ang ilaw. Pagbalik niya ng higaan ay pumikit siya agad. Hi! Nakauwi ka na ba? Kumusta ang trabaho mo ngayong araw? Biglang nagmulat si Penelope. Napatingin siya kay Elaine na nasa kabilang kama. Nakatigilid ang roommate niya at nakaharap sa kanya. Nakapikit ito at mukhang tulog na tulog. Kung hindi galing kay Elaine ang boses na narinig niya malamang gumagana na naman ang imahinasyon niya. Ipinikit n

