NAGLALAKAD si Penelope sa hallway pagkagaling niya ng banyo nang salubungin siya ni Rina. “Pen, dali! Bilisan mo! Hinihintay ka ni Mr. Pogi!” tumitiling sabi nito. Hinatak pa nito ang kamay niya. “Teka lang!” Pilit namang hinila ni Penelope ang kamay niya dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Rina. “Uy! Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Pogi. Ikaw, ha? Dala-dalawa pala ang boyfriend mo. Pahingi naman ng isa.” Tinaasann pa siyag kilay ni Rina. “Ano? Dalawa ang boyfriend ko? Paano nangyari iyon?” gulat na tanong ni Penelope habang hinahaplos ang kamay niyang hinatak nito. “Huh? Namamaang-maangan ka pa. Noong isang buwan dumating si Mr. Guwapo tapos ngayon si Mr. Pogi naman. Kung hindi mo sila boyfriend, sino naman sila sa buhay mo? Saka kung ayaw mo sa kanila, ibigay mo na lang sa akin kahit

