Chapter 71

1506 Words

KINAGABIHAN paglabas ni Penelope mula sa trabaho ay nadatnan niya si Ulysses na naghihintay sa kanya sa labas ng hotel. Nakaupo ito sa tabi ng fountain na nasa harapan ng hotel at malapit sa entrance. Tumayo si Ulysses nang makita siya nito. “Hi! Kanina ka pa?” malapad ang ngiting tanong ni Penelope nang salubungin siya ni Ulysses. “Hindi naman. Mga five or ten minutes pa lang siguro ako nakaupo,” nakangiting sagot din nito. “Tara na,” ani Penelope at hinila ang nobyo patungo sa parking area. “Bakit dito tayo pupunta?” kunot-noong tanong ni Ulysses habang naglalakad sila. “Dito na lang tayo para madali kang mag-teleport. Walang tao dito, eh,” tugon ni Penelope. “Sigurado ka?” Nagpalinga-linga si Ulysses nang huminto sila ni Penelope. “Baka mahagip tayo ng CCTV dito,” dagdag pa nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD