Chapter 73

1300 Words

“ANONG gagawin ko ngayon?” tanong ni Ulysses. Nakahawak pa rin siya sa kanyang dibdib. Panay ang paghinga niya ng malakas. “Ikaw ang mag-aalis ng lason sa katawan niya,” sagot ng manggagamot. “Paano ko gagawin iyon? Hindi naman ako marunong gumamot?” kunot-noong tanong ni Ulysses. “Sipsipin mo ang dugo niya para maalis ang lason sa katawan niya,” tugon ng manggagamot. “Sandali lang,” biglang sabad ng Mama ni Ulysses. Umupo pa ito sa tabi niya ngunit nakatuon ang titig nito sa manggagamot. “Paano niya gagawin iyon? Baka ang anak ko naman ang malason,” anito nang mabaling ang titig nito sa anak. “Hindi po mangyayari iyon. Nakakasama ang lason sa tao pero hindi sa mga bampira,” paliwanag ng manggagamot. “Kung totoo ang sinasabi mo, bakit parang nahihirapan si Ulysses? Bakit siya naaapek

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD