NILAPITAN NG manggagamot si Penelope. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga. “Buhay pa siya, Young Master. Pero mahina na ang pitik ng pulso niya,” sabi nito nang mapatingin kay Ulysses. Kahit paano nakahinga nang maluwag si Ulysses. Ngunit hindi niya maiwasang mag-alala para sa nobya. Maputlang-maputla na ito. Nag-aalala siyang baka naubos niya ang dugo nito sa ginawa niya. Napakabango kasi ng halimuyak ng dugo ni Penelope. Masarap din ang lasa ng dugo nito kaya hindi na niya napigilan ang sarili na tuloy-tuloy sa pagsipsip. Mabuti na lang at napigilan siya ni Achilles kanina. Kung hindi’y baka mas malala pa ang mangyayari sa nobya niya. Hindi naman niya talaga gustong tumikim ng dugo ng tao. Pero kakaiba ang halimuyak na hatid ng dugo ni Penelope. Nakakahalina ang amoy nito. Iyon ang dah

