MAAGANG nagising kinabukasan si Penelope. Mas nauna pa siyang gumising kaysa kay Barbie. Pagkabangon niya ng higaan ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. Nang lumabas siya ay inabutan niyang inaayos ni Barbie ang higaan. “Ang aga mong gumising, ah,” nakangiting bati ni Barbie nang lumingon ito sa kanya. Nilapitan niya ito. “Oo, kailangan eh. Nakakahiya naman kina Kurt kung paghihintayin ko sila ng matagal. Puwede mo bang humiram ako ulit ng damit mo. Wala na kasi akong maisuot. Nakalimutan ko naman kasing labhan iyong pinagbihisan ko kagabi,” paliwanag niya rito. Kaya nga ang suot niya ay iyong bathrobe na nakita niyang nakasabit sa banyo.. “Halika, pumili ka na lang dito,” ani Barbie at naglakad ito papunta sa closet. Sinundan na lang niya ito. Binuksan ni Barbie ang closet. Tu

