“ANONG sinabi mo? G-ginawa mo akong…b-bampira?” Halos lumuwa ang mga mata ni Penelope sa sinabing iyon ni Ulysses. “I’m really sorry. Iyon lang kasi ang tanging paraan upang mailigtas ka sa kamatayan. Kung hindi ko gagawin iyon, baka tuluyan ka nang maging malamig na bangkay,” ani Ulysses. Lumapit ito sa kama at lumuhod sa mismong harapan niya. “Kung may ibang paraan lang sana para mailigtas ang buhay mo, hindi ko gagawin ang ginawa ko. Kaya sana mapatawad mo ako,” halos mabasag ang tinig nito. Hinawakan pa nito ang kamay niya. Hindi agad nakaimik si Penelope. Para siyang nabingi sa narinig na pahayag ni Ulysses. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin o mararamdaman nang mga oras na iyon. Nang mapatitig siya sa nobyo ay napansin niyang tumulo na ang luha nito. Gusto niyang magwala at s

