“Kapag ba nagpa-spa ako sa inyo, magiging kasingganda mo na ako pagkatapos? Hindi na ako ipagpapalit ng asawa ko sa iba?” tanong ng nag-i-inquire na guest sa katabing resort kay Krystinia. Isa daw itong accountant sa Dubai at pag-uwi ng bansa ay may ibang babae ang asawa nito. Dry ang balat nito at malalaki ang pores. Marami rin itong pimples.
Tanghali pa lang ay abala na sila sa pag-aasikaso ng customers dahil lubhang dinadayo ang Ageless Beauty Spa sa Panglao Island. Nasa popular silang Alona Beach kaya naman kung saan halos naka-concentrate ang mga turista ng Bohol.
Dahil sa magandang service sila ay di nawawala sa itinerary ng mga turista doon ang dumalaw sa spa nila. Ang iba pa nga ay suki na nila sa ibang branch ng Ageless Beauty sa ibang lungsod sa bansa pero nagpupunta pa rin doon. Dapat lang na alagaan at i-pamper ang sarili matapos ang pagbababad sa beach at pamamasyal para maprotektahan ang balat ng mga ito.
“Ma’am, kung palagi ba kayong mag-a-avail ng services at products namin, tiyak na magiging magkasingganda tayo. Tiyak na hindi na titingin ang asawa ninyo sa iba. Sa ngayon, kailangan po muna ninyong komunsulta sa in-house dermatologist natin para malaman natin kung anong kondisyon ng balat ninyo at mabigyan kayo ng tamang treatment. After that, ang kailangan lang ninyong gawin ay mag-relax at kami na po ang bahala sa pagpapaganda ninyo.”
“Kasing ganda mo, ha? Kasing ganda mo,” sabi nito habang iginigiya ng isa sa mga staff niya papunta sa opisina ng dermatologist nila.
Kampante naman siya sa mga produkto nila at serbisyo. Maraming kliyente na mula pa sa ibang bansa ang inirekomenda lang ng mga dati na nilang kliyente doon. Nang dumating siya ay may kababaan ang sales nila sa region na iyon. Kaya naman nagsagawa siya ng marketing training kung paano ibebenta ng tama ang mga produkto nila sa customers. Wala pang isang buwan ay tumaas na ng three hundred percent ang sales nila. Ang mga branch ng Ageless Beauty sa Cebu, Iloilo, Bohol at Negros ang may pinakamataas na sales. Nang nakaraang araw lang ay tumawag ang Kuya Thirdy niya at sinabing gusto daw ikonsidera ng papa niya na pahawakan sa kanya ang mga branch nila sa Mindanao. Mas malaking responsibilidad ang hahawakan niya.
Kung tutuusin ay kailangan lang ng tamang training mga tauhan nila at tamang marketing para umangat. Dahil sa kompiyansang ibinibigay sa kanya ng pamilya niya ay lalo pa siyang ginagahanang magtrabaho. Sa ngayon ay ine-enjoy lang niya ang trabaho niya. Sino naman ang magrereklamo? She was working in paradise. Kung stressed out siya ay maglalakad-lakad lang siya sa puting buhangin sa tabing-dagat at parang tinatangay na ng hangin ng pagod niya. Hindi niya nagsisisi na tinanggap niya ang alok ng ama niya.
Maya maya pa ay may narinig siyang tumutugtog ng gitara sa labas ng store nila. Kinikilig siyang nilapitan ng manager niyang si Jemileia. "Ma'am, tingnan po ninyo. May nanghaharana sa inyo."
“Ano?” Hinila siya nito palabas.
Nakita niyang nakatayo sa harap ng spa si Vernel na may hawak na gitara at kumakanta. “Kung ikaw Inday mangitag. Pamunhunun siguroa baya Inday ang Bohol-anon. Kung matuman mo swerte ka. Ang Bol-anon buutan gayod. Magmahal kanino hangtud sa kahangturan.”
Di niya mapigilang mangiti habang pinapakinggan ang kanta nito. Sinasabi nito na kung siya ay mag-aasawa, piliin daw niya ang Bohol-anon. Maswerte daw siya dahil mabait at mapagmahal.
Kakilala niya si Vernel dahil kalapit ng lupain nito ang farm ng namayapa niyang lola. Kaya malapit sa kalooban niya ang Bohol dahil doon siya nagbabakasyon noong bata pa siya. Kapag dismayado siya dahil di sila natutuloy na pamilya sa Disneyland ay inuuwi siya ng mama niya sa Bohol. Si Vernel ang palagi niyang kalaro doon.
Maging ang ibang guest at turista ay nanood sa panghaharana nito. Ang iba ay kumukuha pa ng picture at video nito. Nararamdaman din niya ang kilig ng mga staff niya na may crush kay Vernel.
Nag-bow ito nang matapos ang kanta at nagpalakpakan ang mga tao. Sinenyasan nito ang dalawang tauhan nito at isang kaing na prutas ang idinala sa harapan niya. "Para sa iyo. Nagdala ako ng mga prutas. Alam ko na paborito mo 'yan dahil nagda-diet ka."
Napailing na lang siya habang natatawa. "Vernel, may lahi ka bang Intsik? Katanghaliang tapat saka ka pa nagdala niyan at nangharana."
"Gusto lang kitang aliwin dahil alam kong abala ka sa trabaho mo. Ayoko nang umalis ka pa dito sa Bohol. Sagutin mo na kasi ako."
"Ikaw talaga. Gutom lang 'yan,” sabi niya at nilingon si Jemileia. “Pakipasok na lang sa opisina. Magla-lunch lang kami ni Vernel.”
“Ma’am, patikim ng pagmamahal, ha?” sabi nito.
Kumunot ang noo niya. “Anong patikim ng pagmamahal?”
“Pahingi ng mangga niya at lanzones. Di ko naman siyempre pwedeng tikman si Vernel dahil kahit anong akit ang gawin namin diyan, walang epekto. Kahit ‘yung ani na lang niyang prutas,” anito at tumirik ang mga mata.
“Hintayin ninyo akong bumalik.” Ang mga staff niya ang nagsisilbing pamilya niya doon. Kaya naman kung may biyaya siyang natatanggap ay isine-share niya sa mga ito. Di naman niya kayang ubusin ang isang kaing na prutas nang mag-isa.
Nagtungo sila sa isang open restaurant na organic food ang specialty. Hindi naman talaga siya nagda-diet. Pero sa isang magandang lugar tulad ng Bohol, naging aware din siya sa mga kinakain niya.
Nakatitig si Vernel sa kanya habang kumakain siya ng iniwan na tanigue. "Ano pa bang kailangang gawin ko para sagutin mo ako, Krystinia?"
Kung tutuusin ay wala siyang irereklamo kay Vernel. Mabait ito, guwapo, masipag at alam niyang mahal siya nito mga bata pa lang sila. Pero hindi siya makadama ng atraksiyon dito. Mas komportable siya bilang kaibigan nito. Hindi naman niya kasalanan kung di siya nakakadama ng kilig dito. Di rin bumibilis ang t***k ng puso niya kapag nakikita ito. At mahalaga iyon sa kanya. Vernel deserved better than what she could offer her.
Sumubo siya ng salad. "Wala pa kasi 'yan sa isip ko. Nakita mo naman kung gaano ka-busy dito."
"Kung ganoon di mo ako sinasagot dahil ayaw mo sa akin?"
"Oo. May problema lang talaga sa akin,” paglilinaw niya.
Tatlong buwan na siya sa Panglao pero di pa rin magawang buhayin ng ibang lalaki ang interes niya tulad ng ginawa ni Warrick. Subalit gusto ng pamilya niya na putulin ang kaugnayan dito. Pati nga numero ng cellphone niya ay pinapalitan ng ama niya upang tiyaking hindi na siya nito mako-contact pa. At kahit na magkita pa silang muli ay kailangan niya itong iwasan o malalagay sa alanganin ang trabaho niya. Kahit na anong mangyari ay mananatili pa rin siya sa pagiging anak ni Teodicio Valdesco, Jr. Wala siyang di gagawin para lang kalugdan siya ng ama niya.
Pero tuwing gabi ay hawak niya ang magic wand at hinihiling na magkita silang muli ni Warrick. Di nila kailangang mag-usap. Gusto lamang niyang makita itong muli. Pero sumasapit din sa kanya ang katotohanang baka hindi na ito interesadong makita siya. O baka nararamdaman nitong pinalalayo siya ng pamilya niya dito. Bakit pa nga ba siya nito titiyagain samantalang marami namang babaeng nagkakandarapa dito? She was just one of those girls.
Pero kahit anong pilit niyang isaksak sa isipan niya ay di maalis ang espesyal na nararamdaman niya. Di rin niya alam kung paano iyon ibabaling sa iba.
Nakita niya ang isang lalaki na naglakad sa walkway patungo sa beach. Bumilis ang pintig ng puso niya. Si Warrick. Nasa Panglao si Warrick.
Pinunasan niya ng napkin ang bibig niya at tumayo. "Excuse me."
Nagulat si Vernel. "Saan ka pupunta?"
"Basta. Babalik din ako." Tumakbo siya para sundan si Warrick. Matindi ang kabog ng dibdib niya. Parang rumaragasa ang dugo sa tainga niya. Alam ba ni Warrick na nasa Panglao siya? Baka naman sinundan siya nito. Baka gusto nitong magkita sila muli.
Wala siyang pakialam kung anuman ang utos sa kanya ng papa niya. Gusto lang niyang mag-hello dito. Perhaps saying hello wasn't a big crime. Gusto lang niyang pagbigyan ang sarili niya sa isang pagkakataong iyon.
Paano kung may kasama itong ibang babae? Paano kung hindi siya nito pansinin? Bahala na. Ang mahalaga ay maabutan niya si Warrick bago pa ito mawala sa paningin niya.
Nakita niya itong naglalakad patungo sa mga cabana na nakahilera sa beach. "Warrick!" tawag niya dito subalit di ito lumingon. "Warrick, sandali lang."
Hinawakan niya ang braso nito. Nagimbal siya nang humarap ito sa kanya. "Yes, Miss?"
Hindi ito si Warrick. He was not even remotely as gorgeous as him. Kapag lang nakatalikod ito dating-Warrick. Pareho lang ang dating ng pangangatawan ng mga ito pero sa malapitan ay malayong-malayo ito kay Warrick. Malabo nga yata ang mata niya.
Binitiwan niya ito na parang napaso. "I am sorry. A-Akala ko ikaw ang kakilala ko."
Lulugo-lugo siyang bumalik sa restaurant kung saan naghihintay si Vernel sa entrada. Pakiramdam niya ay bigong-bigo siya.
"Sino iyon?" tanong ni Vernel nang salubungin siya.
"Wala. Akala ko kakilala ko,” aniya at bumuntong-hininga.
Wala na siya sa mood kumain kaya nagyaya agad siyang bumalik ng spa kay Vernel. Tiyak na mag-aalala ito kapag nakita kung gaano siya kalungkot. Matamlay pa rin siya hanggang makabalik sa trabaho.
Hapon na noon at nag-i-inventory siya ng supplies nang tumawag sa kanya si Serafina. Humahagulgol ng ito sa kabilang linya. “Krystinia, anak…”
Biglang nawala ang antok niya. “M-Mommy?”
“Umuwi ka na dito. Please.”
Kinabahan siya. Hindi tumatawag sa kanya ang Mama niya mula nang umalis siya sa bahay maliban na lang kung siya ang unang tatawag dito. Mukhang may emergency. “Ano pong nangyari, Mommy?”
“Inatake sa puso ang Papa mo at malubha siya.”
LIYO pa si Krystinia nang dumating sa Manila Domestic Airport. Wala siyang tulog lalo na’t nahirapan siyang magpa-book ng ticket sa flight papuntang Manila. Alalang-alala siya sa Papa niya. Hindi niya alam na may iniinda itong sakit sa puso.
Nanlambot siya nang pagdating sa ospital ay nakita niyang nakaratay sa hospital bed ang Papa niya at iba't ibang tubo ang nakakabit sa katawan.
Nakahiga sa couch ang Mama niya at ginising niya. "Ma, nandito na po ako," mahina niyang sabi nang maalimpungatan ito.
"Krystinia?" Hinaplos nito ang mukha niya na parang hindi ito makapaniwalang naroon siya. Nangilid ang luha nito at niyakap siya ng mahigpit. "Mabuti umuwi ka na. Hindi ko na yata kakayanin ito."
Serafina was glamorous. Lagi itong nagpapa-facial, spa at kung anu-ano pang pampa-relax at pampabata. Sa palagay niya ay iyon ang escape nito sa nakakasakal na atmosphere sa bahay. Pero ngayon ay tumanda ito ng dalawampung taon kaysa sa tunay na edad nito.
"Ano po bang nangyari, Mommy?" Bago siya umalis ay masigla lagi ang Papa niya at active sa golf. Hindi na nito masyadong inaalala ang kompanya dahil isinalin na nito ang presidency kay Thirdy dalawang buwan na ang nakakaraan. Maingat din ito sa kinakain, hindi naninigarilyo at hindi rin abuso sa alak.
"Marami siyang inintindi nitong nakakaraang buwan. Ipinamahala na niya sa Kuya Thirdy mo ang kompanya. Nalaman na lang namin noong isang linggo na bagsak na ang kompanya. Baon tayo sa utang at baka kulangin pang pambayad ang mga ari-arian nating natitira."
Nanlaki ang ulo niya. "Anong nangyari? Akala ko ayos naman ang negosyo natin. Nag-celebrate pa nga si Kuya dahil sa bagong investment niya. Imposibleng basta na lang babagsak ang kompanya. Saka nasaan po si Kuya Thirdy?”
Muli itong humagulgol, mas malakas pa kaysa sa una. "Nakakulong siya ngayon."
Nanlalambot siyang umupo sa sofa. “Anong kaso niya?”
“He invested the company’s money in a pyramiding scheme. Ang totoo isa siya sa mga founder noon. Noong una tuwang-tuwa ang mga investors dahil maganda ang mga report niya tungkol sa magandang kita ng investments niya. Pero na-expose ang pyramid scheme at tumakas ang ibang namamahala noon. Naiwan ang kuya mo para harapin ang lahat ng kaso. Nagalit din ang mga investors natin at stockholders. Nagde-demand sila na ibalik ang pera nila.”
Ano ba ang nangyayari sa pamilya niya? Ipinagmamalaki ng Papa niya ang kuya niya na parang napakaperpekto nito. Ito ang achiever. Ito ang walang gagawing kapalpakan. Ito ang magaling at ikararangal ng pamilya. Paanong napasok sa ganitong gulo ang kuya niya?
Kaya marahil dinamdam ng papa niya ang nangyari hanggang tuluyang bumigay ang puso nito. Hindi nito inaasahan na malalagay ang pangalan ng pamilya at ang lahat ng pinaghirapan nito dahil lang sa pagkakamali ng kuya niya. Tapos ay nakulong pa ang kuya niya.
“M-Malamang ay siya na ang laman ng balita ngayon. Di ko alam kung kakayanin ko ang kahihiyang ito,” sabi nito. “Kahit naman gusto kong tumulong wala rin naman akong magagawa para sa kanila. Ayokong makulong ang Kuya mo. Ayokong mamatay ang Papa mo.”
Niyakap niya ito at pinapayapa. “Magiging okay din ang lahat, Ma. Magdasal lang po tayo. Malulusutan din natin ito.” Sa pagkakataong ito ay kailangan niyang maging matatag para sa pamilya niya. Walang aasahan ang mga ito maliban sa kanya.
Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.
There are two ways to get coins:
1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.
Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.
2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.
Thank you and happy reading!