STORY DESCRIPTION/ KABANATA 1
This story is work of fiction, names, characters, places, events and incidents are either products of imagination of the author. Any resemblance to actual person's, living or dead or actual events is purely coincidental.
WARNING: This story contains wrong grammars, typographical errors and parts that are not suitable for young readers 18 below. READ AT YOUR OWN RISK!!
[ Bianca POV ]
Hinawakan ko ang kwentas at ipinikit ang mga mata, ang tanging hinihiling ko ay ang kalayaan ng lahat, kahit kapalit nito ay ang buhay ko. Ayokong may makita pa akong nahihirapan, ito na siguro ang oras upang gawin ko ang nararapat at naayon sa propesiya. Sana ito ang maging tulay upang mag ka lapit ay mag kaayos ang lahat ng nabubuhay dito sa mundo, sana mag karoon ng kwenta sa susunod na henirasyon ang gagawin kong ‘to.
Lumutang ako sa ere kasabay ng malakas na hangin at malakas na kidlat, sinamahan pa ito ng napakalakas na ulan. Mula sa malayo ay natatanaw ko ang mga bampira at mga lobo na nag aaway. Nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko, ngayo'y nanghihina at pagod dahil sa labanan. Wala akong magawa para tulungan sya. At ito lamang ang naiisip kong paraan upang makamit ang minimithi kong kapayapaan.
“Laura!! Wag mo akong iiiwan!” rinig kong sigaw nya. Naghihinagpis ang bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig, ang mga matang namumula dahil sa galit at lungkot, at ulan na animo'y luha na nagmula sa kanyang mga mata. Hindi ko mapigilang umiyak habang mahigpit na naka hawak sa buwang kwentas.
“Ito ang t-tanging paraan mahal ko.” Ngumiti ako at tuluyang sinira ang kwentas, kasabay ang nakakasilaw na liwanag na bumalot sa buong paligid.
Sa wakas, malaya na ang lahat. . . .
Agad akong napabangon dahil sa panaghinip ko, nakapa random talaga ng panaghinip ko, pero bakit parang totoo talagang nangyari? Ramdam na ramdam ko ang kwentas nung hawakan ko ito sa panaghinip ko. Bumangon ako at naligo, inayos ko na din ang sarili ko, bilang isang anak ng Governor ay kailangan kong maging maayos araw-araw, halos araw-araw rin ang mga bisita ni Daddy dito sa bahay.
I feel so lonely lately. Dad is a busy man at hindi ko man lang ito maka-usap ng maayos. Dahil sa pagiging governor nito ay mas naging busy pa ito, ni halos hindi kami magkita sa isang linggo, madalang nalang at minsan ay nag mamadali pa ito. Hindi ako sanay na ganito ang sitwasyon namin ni Daddy, nasanay kasi akong siya palagi ang nakakasama ko noon.
Humugot ako ng malalim na hininga, di kala unan ay pumasok ang isang maid, parang kaibigan ko narin ito dahil hindi naglalayo ang edad namin. Siya at ang ina nito ang palagi kong nakakausap kapag may problema ako, parang pamilya narin ang turing ko sa kanila.
“Mukang may problema ka yata?” bungad nito ng tuluyan na itong naka pasok sa kwarto ko.
“Iniisip ko lang kong kailan ko ulit makakausap si Dad.” Umupo ito sa tabi ko at pinaglalaruan at sinusuklay ang kulot kong buhok.
“Busy lang siguro dahil may gaganaping event dito sa bahay niyo sa susunod na araw, siyaka hindi ba birthday mo yun? Dapat hindi ka malungkot sa birthday mo.”
Tumango ako, tama nga si Yera. Siguro nga ganun nga ang dahilan, namimiss ko na si Daddy, lalo na ang kulitan namin. Simula ng mamatay si mommy, siya na ang naging mommy s***h daddy ko. Masasabi kong naging masaya kami ni dad kahit wala na si mom. Hindi siya nag kulang sa akin ng mga panahong dalawa nalamang kami. Masaya naman ako palagi sa mga birthday ko even though may kulang palagi dahil wala na si mommy.
“Alam ko naman yun, pero dapat mag ka ro’n din naman siya ng time sakin lalo na’t malapit na ang birthday ko. Nakakatampo kaya.” I pout and cross my arms up on my chest na parang bata. We'll I use to it, nag papa baby talaga ako lalo na kay dad, he spoiled me that's why.
Mahinang tumawa si Yera.
“Nako para ka pari’ng bata, mag eeighteen kana sa susunod na araw kaya dapat umasta ka na parang dalaga, siyaka mag kaka nobyo kana.” Napa ngiwi ako sa sinabi nito. Iba talaga ang tono ng pananalita nito pero naiintindihan ko naman ang pag sasalita nito ng tagalog, but her accent is so funny.
“That's not gonna happen. I hate boys except dad, siyaka alam mo naman na ayaw ko talaga sa mga lalaki, they being so mean.”
Dad said everything about boys, and I hate it. Kaya sinusunod ko ang mga sinasabi ni dad because it's for my own good. I know nag aalala lang ito sa akin kaya ayoko siyang suwayin.
“Ay ambot sa imo inday Bianca, sige na malakat na’ko, d**o pa’ko obrahon sa kusina. (Ewan ko sayo inday Bianca, sige na aalis nako, madami pakong gagawin sa kusina.) ” Tumayo na ito at tinahak ang pintuan. Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Napa-irap nalang ako sa hangin, she's ilongga at minsan may sinasabi ito na hindi ko talaga maintindihan. Minsan kapag naririnig ko silang mag ina na nag-uusap, napapaisip tuloy ako na baka alien silang dalawa.
Mag isa nalang akong muli, I'm so bored kaya lumabas ako ng kwarto at tinungo ang garden, napaka sarap ng simo'y ng hangin dito. Mag pipiknik nalang muna ako. Nag pa-gawa rin ako ng manggo shake at vanilla cake kay Yera at tahimik lamang akong naka upo sa lilim ng malaking puno dito sa may garden. Maraming mga bulaklak at kitang kita mula rito ang mansion.
Kinuha ko ang shake at uminom ng kaunti, napaka lamig at ang-sarap. Tamang tama sa init ng panahon. Maaga pa naman pero mataas na ang araw.
Ilang minuto rin akong naka tambay at parang may naka tingin sa akin. Hindi ko alam kung sino at kung saan pero ramdam ko talaga na may mga matang naka titig sa akin. Sinawalang bahala ko na lamang at patuloy lamang sa pag kain ng vanilla cake.
May lumapit sa aki’ng lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga bodyguard ni Dad.
“Ma'am pinapatawag ho kayo ni Sir.” Agad na sabi nito ng maka lapit na ito.
Naka uwi na siguro si Daddy. Excited akong tumayo at patakbong pumasok ng mansion.
Nakita ko itong nasa sala na may kausap na tatlong lalaki. Dali-dali akong lumapit kay Dad.
“My princess,” Bati nito.
“Hi Dad,” Niyakap ko ito at hinalikan ako nito sa pisngi.
“Saan ka nanaman galing? Look at your hair, it's messy.” I chuckle and fix my hair.
“Galing ako sa labas, nag papahangin lang and kailan ba naging fix ang kulot kong buhok?” Be both laugh, I heard a cough at napatingin ako sa tatlong lalaki na kausap ni dad kanina.
I feel shy when I see their faces, they look so good. I mean. . . they look so professional and handsome. Anyway I don't care.
“Oh, I forgot. This is my one and only daughter, Bianca.” Pakilala ni Dad sa akin. I give them my sweetest fake smile.
Ngumiti ang dalawang lalaki habang seryoso lamang ang muka ng nasa gitna, maimtim lamang itong naka titig sa akin, parang hinihigop ako ng kulay asul niyang mga mata. Isa ba siyang foreigner? Kung maka titig naman sya sakin ay wagas, may dumi ba sa muka ko? Bakit parang malulusaw yata ko sa titig niya? O Baka naman guni-guni ko lang?
“She's very beautiful, gov. It's my pleasure to meet you Ms. Bianca" Saad ng lalaking nasa kaliwa, parang may kung ano sa ngisi nito, it's creepy.
“Yeah, she looks so perfect.” saad naman ng nasa kanan. He looks good but I don't like his style. He looks like a nerd because of his glasses but he looks good.
Sanay na ako sa mga papuri na naririnig ko, I feel disgust kapag lalaki ang pumupuri sa akin. Maybe because I hate boys.
“I know, saan paba mag mamana?” Biro nito. Nag sitawanan naman sila. Ngunit ang nasa gitna'ng lalaki ay naka titig parin sa akin. Parang hindi siya natitinag. Napalunok ako at kumapit sa braso ni Daddy.
“Dad c-can I talk to you?” Mahina kong tanong dito. Gusto ko siyang maka usap tungkol sa party na gaganapin. Gusto kong ako nalamang ang bahala d’on para hindi na dumagdag sa aabalahin niya.
“You know I can't princess, I promise babawi ako ok?” He always saying that. Pero hindi na siya bumabawi kagaya nang dati. Tumango nalamang ako.
“O-okay,” I said at hinalikan ako nito sa noo.
“Take a rest, I have some work to do.” Wala akong nagawa ng umalis sila at lumabas na ng mansion. Bago paman sila maka alis ay nakita kong binigyan ako ng tingin ng lalaking nasa gitna kanina, he's handsome and tall but the way he looked at me, parang may kung ano sa titig niya. Sinawalang bahala ko nalamang at pumasok na sa kwarto ko. Past ten o'clock palang pero inaantok na agad ako.
NANG-magising ko ay madilim na sa labas. Hindi pa pala ako nakaka pag tanghalian. Ilang oras din pala akong nakatulog.
“Yaya?” Tawag ko.
May pumasok namang maid sa aking silid, hindi ko siya masyadong kilala dahil pa iba-iba ang mga maid namin. I know Dad was behind of it, ayaw niyang may nag kakamali lalo na sa oras ng trabaho kaya stricto ito sa mga bagay-bagay. Si Yera lamang ang matagal na rito at ang ina nito, dad knows that they are important to me.
“Can you cook me a lunch please?”
“Sige po ma'am.” Umalis na ito at ako naman ay tinungo ang sala. Binuksan ko ang malaking Tv ay sinandal ang likod sa malambot na sofa.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang main door at humahangos na pumasok si Dad kasama ang apat niyang bodyguards.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ako sa kaniya at binati ito, I think he's not in the mood. Pero kanina okay pa siya, then why suddenly change? I think something happened.
“Dad are you okay? W-whats wrong?” I asked. He looked at me and hug me. I stunned and hug him back. Anong nangyari? Bakit bigla nalang akong niyakap ni Dad? Namimiss niya ba si Mommy?
“I refuse the offer of Mr. Buencumino.” He said.
“What? W-why?” I heard na isa sa mga malalaking business man si Mr. Buencumino pero hindi ko pa nakikilala ang taong i'yon. Nasabi din ni Dad na malaki ang magiging impact ni Mr. Buencumino sa pagiging Governor nito at sa business namin.
“I don't want to risk my own daughter.”