KABANATA 2

1808 Words
"What do you mean Dad? Risk of what?" takang tanong ko. Naguguluhan ako. "I'll explain it to you later, I need to rest now." Saad nito na ikinainis ko. Really? He's leaving me hanging about what he said earlier? Wala akong nagawa kundi sundan sya ng tingin habang papalayo. Padabog akong umupo sa sofa. Pagtapos kong kumain ay agad akong pumasok sa kwarto at kinalikot ang laptop, "Some research will do Mr. Buencamino." I said at tumipa sa laptop. Senearch ko agad ang surname nito at napaka raming lumabas. "Since 1730's?" ilang dekada na rin pala ang business ng Buencumino. May nakita rin akong ibang articles na nagsimula ang Buencumino noong 1330's. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko dahil maraming lumalabas sa Wikipedia. "Never seen the wealthy owner of Buencumino's " basa ko sa isang article. Never seen? O baka naman low-key lang kaya ayaw magpakita? Kahit ako siguro sa lugar niya kapag ganun ako ka yaman, talagang magtatago nalang ako. Mula pa siguro sa mga ancestor ng mga Buencumino ang mga ito. Mula pa dati ay hindi sila nag papakita? Pero bakit? Mababaliw siguro ako kakaisip kung anong muka nila, but dad saw him kanina, didn't he? Maybe isa sa mga lalaking pumunta dito kanina. The nerd guy? Or the creepy one? Maybe the blue eyes guy? Biglang humangin ng malakas kaya naka ramdam ako ng lamig. Dali-dali kong tinungo ang bintana at agad na isinara. Malamig ang binubuga ng aircon pero mas malamig ang hangin pag gabi, may kasama pang hamog. Bumalik ako sa kama at patuloy lang sa pag rereseach, some say Buencumino are monsters that's why hindi sila nag papakita. I chuckled. "Nonsense," I said to nowhere. Kahit kailan talaga, may masabi lang ang mga tao, siguro sinisiraan lang nila ang mga Buencumino. I felt something burning in my chest, dali-dali akong pumasok ng banyo at tiningnan sa salamin. Laking gulat ko nang may makita akong paso sa gitna ng dibdib ko. What the heck is happening? Paanong may paso ako? Agad ko itong pinunasan gamit ang basang towel. Hindi kaya dahil sa phone ko while I'm sleeping kanina? Nilagyan ko ito ng band aid. Maybe tomorrow ay mawawala narin ito. Hindi ko ito napansin o naramdaman man lang kanina pag gising ko. After an hour ay naka ramdam narin ako ng antok kaya nag skin care na agad ako at nang matapos ay humiga na sa kama, nag swipe-swipe muna ako sa IG bago tuluyang nakatulog. KINAUMAGAHAN ay nagmadali akong bumaba upang kausapin si Daddy. I will asked him kung sino sa tatlong lalaki na nandito kahapon si Mr. Buencumino. "Hi Dad, good morning." I kiss him in the cheeks at umupo malapit sa tabi niya, nagbabasa ito ng newspaper habang umiinom ng kape. "Good morning princess," Bati nito at binigyan ako ng ngiti. "Dad. . . uhm. . . did you really saw Mr. Buencumino yesterday?" tanong ko sa kanya. "What about it?" he asked while still reading the newspaper. "Curious lang ako kung anong muka niya, isa ba sa tatlong lalaki kahapon na pumunta rito, dad?" Tumaas ang kilay nito at tumingin sakin. Nagtataka ang mga mata nito. "I'm not sure, I already forgot what he looks like." he said. "Tell me Dad, is it the nerd or the fashion guy or the blue eyes guy?" Ibinaba nito ang newspaper at inaalala ang mga tanong ko. "Sorry princess, I already forgot." Para akong binagsakan ng lupa sa sinabi ni daddy, paanong nakalimutan niya 'e kahapon niya lang naka usap si Mr. Buencumino. "What do you want in your Birthday my princess? You want a new car? A condo? or a rest house?" Umiling ako at nagsimulang kumain. "I don't need it dad. I just want you to be with me in my birth day." that's all I want. Dad smiled at me, tumayo ito at niyakap ako, he kissed me on my forehead. "I will my princess. I gotta go now, I have meetings to attend." Tumango nalamang ako at mag isa nalang ulit sa hapag kainan. 'I'm alone again.' anang isip ko. "You're not alone." biglang boses ng isang lalaki. Wait what? "Whose there?" tanong ko habang hinahanap kung saan nang galing ang boses. Ako lamang ang nandito. May iba pa bang nandito bukod sakin? "Nasan ka?" tanong kong muli ngunit walang nagsalita. Maybe I was just hallucinating? Hindi ko alam kung narinig ko ba ang talaga ang boses o galing sa isip ko. Ilang araw ang nakalipas at eighteen birthday ko na. Maaga akong nagising at hinanap si Daddy, but in some reason, I can't find him. Iniisip ko na baka binilhan lamang ako ng gift kaya wala siya. Busy ang lahat ng tao sa bahay, lahat sila ay may ginagawa, mula sa pag aayos ng mga decorations para sa event at mga nagluluto para sa kakainin ng mg bisita. 'Mukang naka limutan nilang batiin ako.' Anang isip ko. Ang sakit lang isipin na parang sa sobrang busy nila ay nakalimutan nilang batiin ako sa birthday ko. Malungkot akong pumasok nang kwarto, nag open ako ng IG at doon ko nakita ang mga messages ng mga friends at classmates ko. Summer vacation kasi ang bday ko kaya sa IG ko nalang sila maiimbitang pumunta sa party ko. ( Happy birthday my dearest friend 🥳 I love you so much! Enjoy your day! Kita kits mamaya ha, mwaaa💋 ) basa ko sa message ni Reina, ang matalik kong kaibigan. Nag type agad ako ng erereply ko sa kanya. ( Ty, sige ingat ka ha. Don't forget my gift.) I'm not really good at messaging someone, nasasabi rin sa akin ni Reina na parang ang cold ko mag reply. I prefer book than to use phone in my vacant time that's why I'm not really good at messaging someone, I don't know how to express my feelings in just typing some words. Mas gusto ko parin na sabihin harap-harapan ang nararamdaman ko sa isang tao kahit galit, nalulungkot o masaya ako. I heard some knock on my door, siguro sila na ang mga mag aayos sakin para sa party mamaya. Ilang oras din akong inayusan, parang hindi ko makilala ang sarili ko sa salamin, para akong isang disney princess. 'Napaka ganda ko' yun lamang ang masasabi ko sa nakikita ko ngayon. Nakaramdam ako ng gutom kaya kumain muna ako ng lunch. After that ay mag sisimula na ang event. Maraming pumunta at lahat ng mga business partner ni Daddy at iibang mga politiko ay nandito rin. "Ladies and Gentlemen our debutant for tonight. . . the one and only my Daughter, my Luna." Rinig kong sabi ni Dad sa mic, hudyat na bumababa ako upang mag pakita. Para akong naluluha sa sinabi ni Daddy, I'm already eighteen now, I'm not longing a kid. Habang bumababa ako sa hagdan ay syaka ko naman naramdaman ang paso ko sa dibdib, mabuti na lamang ay hindi ito makita dahil sa dress na suot ko. Habang pababa ng pababa ako ng hagdan ay siyaka naman ito sumasakit. Parang mas napapaso ang dibdib ko. Sinubukan ko paring ngumiti kahit ramdam ko ang hapdi. Anong nangyayari? Bakit mas lumalala ang paso sa dibdib ko? Everybody is watching me, ayokong mapahiya. Hindi ako mag papakita ng isang emotion na hindi nila magugustuhan. Dapat masaya ako ngayon. Inilahad ni Daddy ang kamay nito at agad ko iyong kinuha upang hindi matumba. Naiiyak ako dahil sa saya at sa sakit. Masaya ako dahil dad is here with me in my Birthday night, at nasasaktan ako dahil sa hindi ko mapaliwanag na dahilan kung bakit ang sakit ng paso ko sa dibdib. "You look stunning my princess," naluluhang saad ni dad. Ngumiti ako sa sinabi nito. "You look like your mom," dugtong pa niya. "T-thank you dad, thank you for everything." I said at pinisil ang kamay nito. "Your hands are shaking, don't be nervous, daddy's here." pag papakalma nito sa akin. Tumango ako at taas noong nag lakad patungo sa gitna ng stage. Bago paman ako tuluyang maka akyat ng stage ay isang kulay asul na mga mata ang naka kuha ng attention ko. Ang lalaking pumunta noong isang araw dito sa bahay. He looks so good sa suot nitong tuxedo, samahan pa ang napaka perpekto nitong muka at tindig. Mabilis akong umiwas ng tingin ng maramdaman ko ang mga titig nito. How I wish na sana siya si Mr. Buencumino. Gusto kong ako mismo ang maka alam ng totoo tungkol sa hindi pagpapakita ng mga Buencumino. If meron akong time mamaya ay gusto ko siyang kausapin tungkol doon. Pero paano kung hindi siya? Bumuntong hininga nalamang ako at umupo sa upuan na naka laan para sa akin sa gitna ng stage. "You look Beautiful tonight." Rinig ko. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap kung sino ang nag mamay ari ng boses, ngunit wala akong makitang katabi ko o malapit sa akin, lahat sila ay nasa baba ng stage. Mas lalong sumasakit ang paso ko sa dibdib. How I wish na mawala ang sakit, gusto kong ma enjoy ang gabi ng birthday ko. Lumipas ang bigayan ng regalo, pag papakilala ng mga bisita at pag ihip ng mga kandila. Ang unang nag sayaw sa akin ay si Daddy, ang iba ay mga relatives ko at ang iba ay hindi ko kilala. Sabi ni Dad mga anak daw ng mga business partners niya. Nakita kong may ibinulong si dad sa mc. This is my last dance, at wala akong idea kung sino ang huling sayaw ko. "The last dance goes to Mr. Raze." anang MC. Huh? Sinong Raze? Tanong ko sa isip ko. Anak nanaman ba ng business partner ni Dad? Ang gusto ko sanang maging last dance ko ay boyfriend ko. Pero wala ako nun. Naghintay ako sa lalaking lalapit sa akin para sa last dance ko pero bakit parang wala atang lumalapit? Tumingin ako Kay dad habang nagtataka ang mga mata. Sinundan ko ang tingin nito sa kung saan doon ko nakita ang lalaking tumitingkad ngayong gabi. Mula sa asul na mga mata at nakakatakot na aura nito. Napalunok ako ng lumapit ito sa akin habang may hawak na pulang rosas. Wala akong makitang emosyon sa muka nito, tanging naka titig lamang ito sa mga mata ko at para akong hinihili sa bawat titig na ibinabato nito sa akin. "For you." Malamig at matikas na boses nito na akala mo ay isang male lead sa nababasa kong libro. Hindi ako naka galaw, nagulat nalamang ako ng mahina nitong kunin ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa kanyang mga balikat. I stiff when I feel his hands on my waist. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, napara bang na hi-hipnotismo, naramdaman ko nalamang ang katawan ko na sumasabay sa kanyang sumayaw. "Can you be my Queen?" Wala sa sariling sumagot ako sa tanong nito. "Yes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD