CHAPTER 8
Lily's Pov
Napasarap ata tulog ko. Saktong bumalik na si Marie sa kwarto namin.
“Naka pahinga ka na ba Lily?” Tanong sa akin ni Marie
“Oo Marie naka pahinga na din ako. Ituturo ko sayo anong gagawin mo bukas at kung saan ang mga kwarto ng mga amo mo.
Kilala mo na ba mga amo dito?” Wika ni Marie sa akin
“Yung mga anak ni Mrs. Alvarez po ate Marie.” Wika ko sa kanya
“Oo nga mga anak ni Mrs. Alvarez.
Ang mga amo ay tatlong magkakapatid na lalaki.” Wika ni Marie sa akin
“Po puro mga lalaki sila? Hindi ko tinatanong eh basta ang alam ko mga anak ni Mrs. Alvarez.” Wika ko kay ate Marie
“Naku iba mga ugali nila goodluck na lang sayo Lily.” Wika ni Marie sa akin
“Bakit masungit ba sila ate Marie? Matatapang ba? O pagmamaltrato sa mga katulong?” Tanong ko kay Marie
“Yung isa napaka strikto naninigaw pag hindi maayos ang mga gawin mo. Puro kamalian nakikita sa tao.Hindi nga alam kung anong meron ugali siya.”Wika ni Marie sa akin
“Talaga ba ate Marie. Naku paktay talaga ako nito.” Wika ko kay ate Marie
“Yung pangalawa tahimik pero may kaunting strikto din laging nasa galaan yun ayaw niya manatili dito sa bahay dahil lagi kinukumpara si Elias kay sir Sebastian na itong panganay.” Wika ni Marie sa akin
“Ganun ba ate Marie.” Wika ko
“Ang pangatlo ay talagang matatakot ka Lily.” Wika ni Marie sa akin
“Bakit po ate bakit mas matatakot ako?” Tanong ko sa kanya
“Kasi may pagka babaero itong bunso nila at ito pa laging may dalang babae sa kwarto niya kaya laging napapagalitan ng mommy niya. Sabi - sabi may muntik na daw na rape ang anak niya na bunso ni Mrs. Alvarez na katulong dahil may pagka manyak daw ito Liam.” Wika ni Marie sa akin
“Hala ate Marie natatakot ako sa mga sinasabi mo.” Wika ko sa kanya
“Kaya ingat- ingat ka dyan kay Liam. Pwede ka lang maglinis ng kwarto niya pag wala siya para maiwasan mo siya.” Wika ni Marie sa akin
“Diyos ko ano itong pinasukan ko hindi din kasi ako nag tatanong tanong tungkol sa dyan. Basta alam ko magtrabaho lang ako.” Wika ko kay ate Marie
“Kaya mo yan Lily basta tiwala ka lang sa sarili mo . Intindihin mo na lang mga amo mo. Basta sundin mo lang trabaho mo at magmasid sa paligid sa mga kilos nila.” Wika ni ate Marie sa akin
“Tara ituro ko sayo kwarto ni sir Sebastian ang panganay na anak ni Mrs. Alvarez. Nasa 3rd floor room niya malaki kwarto niya doon sa taas tara puntahan na natin.”Wika ni ate Marie sa akin
“Grabe ang lawak dito sa loob ate Marie nakakalula.” Wika ko sa kanya
“Oo Lily malawak dito. Kailangan maayos ang paglilinis mo sa kwarto ni sir Sebastian para hindi ka mapagalitan at masigawa . Kailangan din mga lalagyan niya sa damit naka ayos ng maigi. Minsan mabait naman siya pero more on ang napapagalitan .” Wika ni Marie sa akin
“Gusto ni sir Sebastian laging malinis kwarto niya ayaw niya maalikabok na kwarto. Sumisigaw talaga yan pag nagtatawag na mag makita siyang dumi sa kwarto niya. Minsan pumupunta ang girlfriend ni sir Sebastian dito may pagka mataray din yun. Kaya mag ingat ka din doon.” Wika ni Marie sa akin
“Ganun ba ate tatandaan ko mga sinasabi mo po. Umiiyak pa naman ako napapagalitan ate lagot ako nito.” Wika ko sa kanya
“Tapos na tayo kay sir Sebastian. Dito tayo sa kwarto Liam malapit lang dito kwarto ni Liam.Itong likod na nito kwarto niya ito.
Malawak din dito malaki din lilinisin mo kagaya kay Sebastian. Sa kwarto ni Liam ang pinaka makalat na kwarto. Nagdadala yan ng babae dyan sa kwarto niya . Maraming maruming damit makalat kaya yan ang pinaka mapagod na trabaho ang kwarto ni Liam.” Wika ni ate Marie sa akin
“Naku araw - araw pala akong pagod nito pero kaya alang -alang sa mga kapatid ko mag aaral ate Marie.” Wika ko sa kanya
“Sa baba naman ang kwarto ni Elias sa 2nd floor. Malawak din konti lang din lilinisin mo hindi siya gaano makalat walis -walis lang at ayos lang mga gamit niya sa loob. Hindi naman maarte si Elias yun lang may kaunting strikto lang din. Hindi pala ngiti parang akala mo'y may sariling mundo.” Wika ni ate Marie sa akin
“Pag may iutos sila ikaw ang gagawa dahil ikaw ang katulong nilang tatlo.” Wika ni Marie sa akin
“Nakakatakot pero kaya ko itong trabaho na ito para sa mga kapatid ko po.” Wika ko kay ate Marie
“Bakit puro kapatid mo sinasambit mo asan mga magulang ninyo Lily?” Tanong ni ate Marie sa akin
“Wala na ate iniwan kami nila nanay at tatay. Ulila na kaming apat po kaya ako na po bumubuhay sa kanila. Kailangan kung magtrabaho para sa pag aaral nila ate. Ayukong magaya sila sa akin na elementary lang natapos at nagtatrabaho ng maaga sa palengke araw -araw para may pang kain kaming apat po.” Wika ko kay ate Marie
“Hala nakakaawa naman pala kayo Lily.” Wika ni ate Marie sa akin
“Grabe pala pinagdaanan ninyong magkapatid. Sino nagbantay sa tatlo mong kapatid ngayon?” Tanong niya sa akin
“Yung pangalawang kapatid ko po nagbabantay sa kanila.” Wika ko kay ate Marie
“Mga wala din konsensya mga magulang ninyo . Iniwan talaga kayo magkakapatid.” Wika ni ate Mari sa akin
“Kaya kailangan kung mag tiis ate Marie kahit anong trabaho pa yan ate kakayanin ko para sa mga kapatid ko po.” Wika ko kay ate Marie
“Halika na balik na tayo sa kwarto magpahinga ka ulit bukas ka na magtrabaho pahinga ka muna ngayon.” Wika ni ate Marie sa akin
“Salamat ate Marie.” Wika ko sa kanya
“Paano mo ma contact mga kapatid mo sa probinsya yan?” Tanong ni ate Marie sa akin
“Bali sa unang sahod ko ate bibilhan ko sila ng cellphone doon para matawag tawagan ko sila ate Marie.” Wika ko sa kanya
“Napakabuti mo naman sa mga kapatid mo.” Wika ni ate Marie sa akin
Pabalik na kami sa kwarto ni ate Marie.
“Ayusin mo muna mga gamit mo dito sa kwarto tapos mamaya kakain tayo sa kusina Lily.” Wika ni ate Marie sa akin
“Sige po ate Marie salamat po.” Sagot ko sa kanya
Inayos ko muna ang aking gamit saka nagligo na ako. Pagkatapos kung maligo ay nag bihis muna ako saka lumabas sa kusina.
“O tapos ka ng nag ayos ng mga gamit mo Lily?” Wika ni ate Marie sa akin
“Opo ate naligo na din ako ang lagkit sa katawan pag hindi naka ligo.” Wika ko kay ate Marie
“Halika ka na kumain ka na dito. Ulam natin adobong manok.” Wika ni ate Marie
Lumapit ako saka tinignan ko muna pagkain ko.
“Oh anong iniisip mo Lily?” Wika ni ate Marie sa akin
“Wala po ate naalala ko lang mga kapatid ko po ate.” Wika ko kay ate Marie na malungkot
“Wag mo muna sila iisipin Lily lalo hindi ka makakilos yan at kapag lagi mong iniisip sila baka sila hindi din sila mapalagay doon.”Wika ni ate Marie sa akin
“Ganun pala yun ate Marie? Kailangan ko pala isipin mga trabaho ko pala para malampasan ko .” Wika ko kay ate Marie
“Oo ganun na nga isipin mo muna mga trabaho mo pag tapos ka na doon pwede mo na silang isipin.” Wika ni ate Marie sa akin
“Sige na kumain ka na dyan baka maabutan tayo ng mga anak ni Mrs.Alavarez.” Wika ni ate Marie sa akin
“Ganun ba ate bilisan pala natin kumain nakakahiya pala pag nakita tayo dito po.” Wika ko kay ate Marie
“Masasanay ka din pag nandito sila Lily. Minsan pumupunta sila dito sa kusina nadadatnan kami kumakain din minsan.” Wika ni ate Marie sa akin
“Alam mo Lily maganda ka pag naka ngiti. Kaya iwas iwasan mong nakasimangot para maganda awra sa mukha mo.” Wika ni ate Marie sa akin
“Si ate Marie na man oh ngumingiti naman po ako.” Wika ko sa kanya
“Ayan oh ngumiti ka din . Ang ganda mo Lily pag nakangiti.” Wika ni ate Marie sa akin.
Natapos na din kaming kumain saka nag presenta ako nalang mag hugas ng pinagkainan naming dalawa.
Pagkatapos tinulongan ko na din si ate Marie naglinis sa kusina para matapos na.
May narinig akong dumating na sasakyan.Tinanung ko si ate Marie kung sinong dumating.
‘Ate Marie sino yung dumating po?” Tanong ko sa kanya
‘Ah, si sir Sebastian yan . Pag ganitong oras si sir Sebastian ang dumarating maaga yan umuuwi galing trabaho.” Wika ni ate Marie sa akin
“Ganun ba ang nakakatakot pala ang dumating ate Marie.” Wik ko sa kanya
“Hahaha..Bakit takot ka na agad.” Wika ni ate Marie sa akin
“Hindi naman ate . Aware lang po ako sa sinabi mo po.” Wika ko sa kanya
“Ate Marie,Ate Marie patimpla po ng black coffee po at paki akyat sa kwarto ko ate.” Wika ni sir Sebastian kay ate Marie
“Sige po sir Sebastian ihatid ko lang po.” Sagot naman ni ate Marie
Nagtimpla si ate Marie ng black coffee at saka dinala sa taas ng kwarto ni sir Sebastian.
Umakyat na si ate Marie sa taas at saka inihatid sa kwarto ni sir Sebastian.
“Sir,sir Sebastian ito na po ang coffee nyo po sir.” Wika ni ate Marie kay sir Sebastian
“Pasok ilapag mo lang sa table ate Marie salamat po.” Wika niya kay ate Marie
“Ahmm sir dumating na po yung isang kasambahay po sir na ina sign po sa inyong magkakapatid sir.” Wika ni ate Marie kay sir Sebastian
“Ganun ba ate Marie anong pangalan ng bagong katulong po?” Tanong ni sir Sebastian kay ate Marie
“Lily po ang pangalan niya sir. Kararating lang po niya kaninang umaga pinapahinga muna ng mommy mo po. Bukas na po siya magsisimula sir Sebastian.” Wika ni ate Marie sa kanya
“Sige ate Marie turuan mo lang siya para alam niya anong gagawin niya dito ate Marie.” Wika ni sir Sebastian kay ate Marie
Bumaba na si ate Marie galing sa kwarto ni sir Sebastian.
“Lily pinakilala na kita kay sir Sebastian ikaw na bahala bukas sa kwarto niya. Tandaan mo lang sinabi ko sayo na aayusin mo.” Wika ni ate Marie sa akin
“Sige po ate Marie.” Sagot ko naman