CHAPTER 7
Lily's Pov
Binabaybay na daw namin ang Edsa.
Malapit na daw kami sa Cubao. Sa Cubao Station daw kami baba sabi ng conductor .
“Malapit na tayo baba Lily.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Oh mga taga Cubao na baba dito na po tayo sa Bus Station.” Wika ng conductor sa amin
Huminto na ang bus atsaka bumaba na kami dito.
“Grabe ganito pala ang Maynila Aling Simang? Daming mga sasakyan napaka usok din sa daan.” Wika ko sa kanya
“Oo ganito talaga dito Lily tara na kain muna tayo bago sumakay ng taxi.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Sige po .” Sagot ko
Naghahanap kami ng kainan isang maliit na carinderia at doon kami kumain ni Aling Simang.
‘Ano gusto mong ulam Lily order ka na.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Kahit ano po. Okay lang sa akin kung gulay Aling Simang.” Wika ko sa kanya
“Isang adobong baboy nga at itong gulay dalawang kanin.” Wika ni Aling Simang sa tindera
“Tara doon tayo sa mesa doon tayo kakain.” Wika ni Aling Simang sa akin
Ini serve ang mga order na pagkain namin sa pinagpwesto namin at saka kumain na kaming dalawa.
Nag natapos kaming kumain ay nagpahinga kami sandali saka pumara ng taxi papuntang Makati.
Sumakay na kami ng taxi papuntang Makati.
Ilang minuto biyahe namin papuntang Makati ay nakarating na kami sa pupuntahan namin bahay. Ang mga bahay ng mga Alvarez.
“Nandito na tayo sa mga bahay ng mga Alvarez.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Ito po ba ang bahay nila Aling Simang? Napakalaki pala ng bahay ng mga Alvarez po.” Wika ko sa kanya
“Oo ito ang bahay ng mga Alvarez malulula ka dita sa laki nito.” Sagot niya sa akin
“O tara mama dito na lang po kami baba.” Wika ni Aling Simang
Bumababa na kaming dalawa at saka nagbayad ng pamasahe namin. Lumapit si Aling Simang sa gate at nag doorbell.
Tumingin ako sa palibot napaka tahimik ng village dito sila ang may malaking bahay.
Binuksan ng guard ang gate.
“Oh Simang nandito ka pala sino kasama mo?” Tanong ng guard kay Aling Simang
“Ah,ito yun pinapahanap na katulong ni ma'am Alvarez para sa mga anak niya.” Wika ni Aling Simang sa guard
“Lily si kuya Jun guard ng mga Alvarez.” Wika niya sa akin.
“Hello po magandang umaga po sa inyo ako pala si Lily Santos po.” Wika ko sa guard
“Hello po.” Wika ng guard sa akin
“Naku Simang sa tingin ko hindi niya kakayanin mga amo niya .” Wika ni Jun kay Aling Simang
“Hoy, Jun huwag ka ngang maingay dinidistract mo si Lily kaya nya yantrabaho.” Wika ni Aling Simang kay Jun
“Goodluck sayo Lily sa trabaho mo.” Wika ni kuya Jun na guard
“Salamat po.” Wika ko naka ngiti
“Pasok na kayo sa loob naghihintay na si Mrs.Alvarez sa sala sa inyo.” Wika ni kuya Jun
Pag pasok namin ay nakita ko ang malawak na garden na punong puno ng tanim ng mga rosas. Napakagandang tignan ito . May fountain din sa gilid ng garden. Namangha ako dito sa paligid dahil ngayon lang ako naka kita ng ganitong ka gandang mga bulaklak .
“Ang ganda pala dito Aling Simang napa kalawak ng paligid nila dito.”Wika ko sa kanya
“Oo maganda dito Lily magandang mga pananim ni ma'am Alvarez.” Wika ni Aling Simang sa akin
Grabe nasa harapan na kami ng bahay napakalaki nito. Nasa tatlong palapag ang bahay ng mga Alvarez.
“Aling Simang napakalaki pala ng bahay ng mga Alvarez marami bang nakatira dyan po?” Tanong ko kay Aling Simang
“Sila Mrs. Alvarez at ang tatlo niyang mga anak nandyan .Ang asawa ni Mrs. Alvarez minsan lang umuwi dahil laging nasa ibang bansa para sa ibang negosyo nila.”Wika ni Aling Simang
“Ganun po ba . Ako lang ba katulong nila dyan Aling Simang?”Tanong ko ulit sa kanya
“Hindi may mga kasama ka dyan Lily mamaya ipapakila ni Mrs.Alvarez mga katulong din sa bahay.” Wika ni Aling Simang
“Tara na pasok na tayo hinihintay na tayo ni Mrs. Alvarez sa loob.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Sige po.” Sagot ko sa kanya
Pag pasok namin nanlalamig mga kamay ko para akong nanginginig sa takot. Ngayon lang kasi ako maka harap ng ganitong mga amo na mayaman.
“Magandang Araw Mrs.Alvarez.” Wika ni Aling Simang sa kanya
“Magandang Araw sayo Simang kumusta ka na tagal mo din hindi na lumuwas ng Maynila.” Wika ni Mrs.Alvarez kay Aling Simang
“Kaya nga po ma'am matagal na din ako hindi naka luwas buti na lang may nahanap ako gusto ma masukan na katulong kaya inihatid ko na dito sa inyo.” Wika ni Aling Simang kay Mrs.Alvarez.
“Ito na ba yun Simang?” Wika ni Mrs Alvarez
“Opo ma'am si Lily Santos po kapitbahay lang namin ma'am mabait po itong bata na ito sanay sa trabaho po.”Wika ni Aling Simang kay Mrs.Alvarez
“Oh, may itsura dalaga ka pa iha?” Tanong ni Mrs.Alvarez sa akin
“Good morning po ma'am opo ma'am dalaga pa po ako.” Sagot ko naman kay Mrs.Alvarez
“Ilang taon ka na pala iha sa ngayon?” Tanong ni Mrs. Alvarez sa akin
“23 years old na po ako ma'am.” Sagot ko naman kay Mrs. Alvarez
“Kaya mo bang manilbihan ng tatlong amo mo sa isang araw?” Tanong sa akin ni Mrs. Alvarez sa akin
“Kakayanin po ma'am. Sanay naman po ako sa trabaho ma'am.”Sagot ko naman
“Ano ang natapos mo at anong trabaho mo dati iha?”Tanong ni Mrs. Alvarez sa akin
“Elementary lang po natapos ko ma'am hindi na po ako nakapag aral dahil iniwan po kami ng mga magulang namin kaya maaga ako ng trabaho sa palengke parq mabuhay mga kapatid kung tatlo. Ako na po tumayong magulang nila simula iniwan kami ng mga magulang namin ma'am.” Wika ko kay Mrs. Alvarez
“Grabeng magulang iniwan talaga kayo tapus pinabayaan. Sinong nagbabantay sa mga kapatid mo ngayon?” Wika ni Mrs. Alvarez sa akin
“Pangalawa kung kapatid ang nag aasikaso sa kanila kinsi anyos na din po siya kaya niya na pong asikasuhin dalawa kung kapatid.” Wika ko kay Mrs. Alvarez
“Bakit mo gustong mag katulong iha?” Tanong ulit ni Mrs.Alvarez sa akin
“Para maka ipon ma'am gusto ko pong pag aralin mga kapatid ko. Ayukong matulad sila sa akin na elementary lang po natapos ko ma'am kaya magpursigi po akong magtrabaho sa inyo para sa mga kapatid ko po ma'am.”Wika ko kay Mrs. Alvarez
“Sige iha mag trabaho ka lang ng maayos sa amin tutulungan ka namin.”Wika ni Mrs.Alvarez sa akin
“Salamat po ma'am na tinanggap nyo po ako.” Wika ko kay Mrs. Alvarez
“Ang trabaho mo lang dito ay maglinis bawat kwarto nila. Kailangan maayos mga gamit ng mga anak ko. Kailangan nasa tama ang lalagyan . Ituturo ni Marie sayo kung anong gagawin mo . Si Marie isang katulong din dito sa bahay. Siya ang kusinera namin dito at taga linis ng kwarto ko. Siya lagi kung inuutusan pag ako .” Wika ni Mrs. Alvarez sa akin
“Iisa lang kayo ng kwarto ni Marie dalawa naman ang bed doon kaya doon ka din mag stay. Si Marie na din mag tuturo sayo kung ano pwede mong gawin at mga bawal.” Wika pa rin ni Mrs. Alvarez sa akin
“Opo ma'am.” Sagot ko naman
“Ang pagsisilbihan mo lang yung mga anak kung tatlo kaya pagtiisan mo lang mga ugali nila Lily ganun talaga sila pero mabait naman din sila.” Wika ni Mrs. Alvarez sa akin
“Sige po ma'am kakayanin ko po mga trabaho para sa mga kapatid ko po.” Sagot ko naman
“Sa ngayon wala sila hindi ko alam nasaan sila umuwi lang yan sila pag gabi na.” Wika ni Mrs.Alvarez sa akin
“Sige po ma'am.” Sagot ko naman
“Sige na magpahinga ka na muna tatawagin ko lng si Marie para samahan ka sa iyong kwarto.” Wika Mrs.Alvarez
“Marie,Marie,Marie.” Sambit ni Mrs. Alvarez na tinatawag si Marie
Maya maya dumating isang babae at lumapit kay Mrs.Alvarez
“Marie si Lily bagong katulong dito sa mga anak . Ituro mo sa kanya kung anong gagawin at ang hindi pwedeng gawin para alam na nya din na. Samahan mo din si Lily sa kwarto doon na siya mag stay sa kwarto mo Marie.” Wika ni Mrs.Alvarez kay Marie.
“Opo ma'am ituturo ko po ka kanya agad-agad.” Wika ni Marie kay Mrs. alvarez
“Samahan mo muna si Lily sa kwarto niyo para makapag pahinga na din si Lily.” Wika ni Mrs.Alvarez kay Mara
“Sige po ma'am sasamahan ko na po si Lily.” Wika ni Marie sa kanya
“Halika na Lily sa kwarto.” Wika ni Marie sa akin
Sumama ako kay Marie para mag tungo sa magiging kwarto ko din
“Goodluck sa mga amo mo Dai.” Wika ni Marie sa akin
“Bakit kilala mo na ba mga amo mo Lily?Tanong niya sa akin
Ang alam ko mga anak ni Mrs. Alvarez ang pagsisilbihan ko daw sabi ni Mrs.Alvarez sa akin.
“Naku Lily kailangan marami ka pasensya talaga lalo na sa mga amo mo.” Wika niya sa akin
“Kakayanin ko yang Marie kahit ano pa yan basta magtrabaho ako.” Wika ko kay Marie
“Sige na magpahinga ka na muna dito at ako pag may trabaho. Maiiwan na muna kita Lily maya na lang tayo mag usap.” Wika ni Marie sa akin
Ng umalis si Marie humiga muna ako at nagpahinga sa akin.