Chapter 6

1668 Words
CHAPTER 6 Lily's Pov “Wow! Isang buong manok talaga ate Lily tapos may coke pa. Sobrang saya namin ngayon ate Lily.” Wika ni Bea sa akin “Talaga ba Bea. Kain kayo ng marami ha Gusto lagi kayong masaya . Tiis lang pag maka sahod si ate doon sa Maynila ipapada ko agad sahod ka makakain na kayo ng masasarap na ulam hindi yung puro anak ng manok.” Wika ko sa kanila “Hahaha .. Anak sa manok talaga ate?”Sagot ni Mara “Oo diba itlog anak sa manok. Kaya anak anak sa manok.” Wika ko tumatawa sa kanila Kumain na kaming apat at sarap na sarap sila sa ulam namin hapunan. Pagkatapos namin kumain ay nag ayos na sila ng higaan. Lahat sila gusto nila akong katabi matulog dahil mamimiss daw nila ako sa pag wala ako kasama nila. Naaawa ako pero kailangan talaga. “Ate Lily wag mong kalimutan nila ate Mara at RonRon ate.” Wika ni Bea sa akin “Oo naman kayo pa mahal na mahal ko kayo mga kapatid ko. Hug nyo na nga si ate.” Wika ko dali- dali nila akong niyakap Kinabukasan maaga akong nagising para tingnan kung may nakalimutan ako dalhin. Pagkatapos nagsaing at nag init ng ulam na tira namin kagabi. Nagising si Mara at tinulungan niya akong nag handa ng pagkain namin agahan. “Mara mga bilin ko sayo alalahanin mo ha pag wala na ako dito. Ikaw magiging ate para sa kanila wag mong hayaan mga kapatid mo.” Wika ko sa kanya “Opo ate Lily hindi na talaga magbabago isip mo ba ate Lily?” Wika niya sa akin Tumingin ako sa kanya at nag smile . “Mara para ito sa inyo hindi ako susuko promise mahal ko kayo.” Sagot ko sa kanya “Sige po ate alam ko naman talaga hindi ka na mag pagpigil sa akin.” Wika ni Mara sa akin “Sige na gisingin mo na sila para kumain na tayo maya aalis na kami tanghali papuntang bayan para mag abang ng bus papunta Maynila.” Wika ko kay Mara Nang ginising ni Mara sila Bea at Ron ay kumain na kaming apat. Ilang oras na lang luluwas na kami ng Maynila ni Aling Simang kailangan ko sila tugunan para hindi nila makalimutan. “Oh, Aling Simang napa punta kayo dito sa bahay po?” Wika ko sa kanya “Lily ngayon tayo luluwas na kasi pang tanghali daw ang bus dyan sa bayan.” Wika ni Aling Simang sa akin “Ano po sige po mag almusal lang kami tapos maliligo na po ako.” Wika ko kay Aling Simang “Aalis na pala kami ngayon . Magpakabait kayo kay ate Mara ninyo Bea at Ron wag mag pasaway kay ate Mara.” Wika ko sa kanilang dalawa. “Opo ate.” Wika nilang dalawa Pagkatapos namin kumain ay dali- dali na akong naligo at nag bihis para mag handa ng umalis kami ni Aling Simang. Nasa loob silang tatlo naghihintay sa akin. Malungkot sila sa pag alis ngayon. Ng natapos na ako ay tinawag na ako ni Aling Simang para pupunta na kami sa bayan. Kinuha ko na backpack ko at nilagay ko sa likod ko na. Malungkot talaga sila si Bea umiiyak na dahil sa akin. “Bea, huwag ka ng umiyak babalik naman si ate dito magtrabaho lang ako promise Bea babalik ako .” Wika ko sa kanya “Ate i promise mo sa amin babalikan mo kami ate promise.” Wika niya na humahagulgol sa iyak “Oo promise ko .” Wika ko sa kanya “Mara ikaw na bahala sa kanila huwag mo silang pababayaan at huwag kayong basta - basta magtiwala sa hindi nyo kilala ha mga kapatid ko kay ate Mara kayo makinig.” Wika ko sa kanila “Mag ingat ka ate Lily.” Wika ni Mara sa akin “Salamat Mara mahal na mahal ko kayong tatlo.” Wika ko sa kanila “Tara na Lily baka maiwan tayo ng bus sa bayan.” Wika ni Aling Simang sa akin Umalis na kami ni Aling Simang sa bahay at dumayo na papuntang bayan. Hindi ko na sila nilingon dahil alam kung umiiyak sila na iniwan ko sila ayukong makita nilang umiiyak ako. Pero ang totoo masakit sa akin pag iwan ko sa kanila. Sumakay na kami ni Aling Simang jeep na papuntang bayan para makapunta sa bus stop. “Lily okay ka lang ba ?” Tanong ni Aling Simang sa akin “Opo Aling Simang kailangan kung magtrabaho para sa kinabukasan ng mga kapatid ko po.”Wika ko sa kanya “Sige isipin mo silang inspirasyon sa pagtatrabaho mo doon tiis ka lang makakaipon ka din ng pera para sa kanila. Alam kung kaya mong tiisin para sa kanila Lily.” Wika ni Aling Simang sa akin “Mababait ba amo ko Aling Simang?” Tanong ko sa kanya “Mabait naman si Mrs. Alvarez pero yung mga anak din iba - iba ugali nila. Pero alam ko kaya mong magtrabaho doon para sa mga kapatid mo.” Wika ni Aling Simang sa akin “Opo kakayanin ko Aling Simang kailangan kung mag ipon talaga para sa pag aaral nila.” Sagot ko naman sa kanya “Oo tiisin mo lang madali lang naman trabaho linis at asikaso lang naman Lily.” Wika ni Aling Simang sa akin “Sige po.” Sagot ko “Dito na tayo buti na lang dito pa bus.” Wika ni Aling Simang “Para po dito na lang kami kuya.” Wika ni Aling Simang sa driver ng jeep Bumaba na kami sa jeep at pumunta na kami sa bus na sasakyan namin pumunta sa Maynila. “Sakay na tayo Lily pa Maynila na itong bus.” Wika ni Aling Simang Umakyat na kami sa bus at naghanap ng upuan na bakante. Umupo na ako sa bandang salamin at katabi ko si Aling Simang sa upuan. “Mga ilang oras po byahe natin Aling Simang papuntang Maynila po?” Tanong ko kay Aling Simang “Bukas pa tayo ng maaga makakarating doon Lily hihintayin pa ito mapuno ang bus.” Wika ni Aling Simang sa akin “Ganun po ba. Matagal din pala po.” Wika ko sa kanya “Malamig pala dito sa bus giniginaw na ako sa aircon.” Wika ko “Oo malamig dito may aircon mga bawat bus na . Dapat nagdala ka ng jacket mo.” Wika ni Aling Simang sa akin “Meron po nandito bag ko po ilalabas ko na lang.”Wika ko Inilabas ko ang jacket ko at isinuot na ito. Ilang oras din napuno na din ang bus. Mag alas dos na naka alis bus namin. Binaybay na ng bus ang daan ilang oras pa ang byahe namin papuntang Maynila. Umabot na kami ng gabi sa daan nasa malayo layo na kaming nag banda . Nag hapunan na kami sa daan ni Aling Simang ng cup noodles . Para pantawid gutom sa aming dalawa. “Ito lang muna kakainin natin Lily para hindi mabigat sa tiyan natin.Doon na lang tayo kakain sa Maynila.” Wika ni Aling Simang sa akin “Sige po okay lang naman sa akin ito kakainin Aling Simang sanay po ako.” Wika ko sa kanya Nang natapos na kaming kumain ni Aling Simang parang inaantok na ako sa biyahe pero pinipilit ko huwag matulog sa biyahe. “Matulog ka na muna Lily malayo pa tayo umaga na tayo makakarating doon sa Maynila ito.” Wika ni Aling Simang sa akin “Sige po inaantok na talaga po ako. Matutulog lang ako saglit po.” Wika ko sa kanya Sinandal ko ulo ko sa bandang salamin at saka umidlip saglit . Habang ipinikit ko mata ko iniisip ko mga kapatid ko kung okay lang ba sila ngayon. Alam ko naman hindi pababayaan ni Mara mga kapatid namin. Ilang oras din nakatulog na ako nagising ako ng nasa bus stop para umihi. “Tara baba tayo para umihi muna Lily.” Wika ni Aling Simang sa akin Bumaba kaming dalawa para umihi dahil diretso na ito bus sa Maynila wala ng hinto. Nang natapos na umakyat na ulit kami sa bus at saka lumarga na ulit ang bus. Ilang oras na lang makakarating na kami sa Maynila. Hindi na ako natutulog tumingin tingin na lang ako sa mga paligid habang tumatakbo ang sasakyan namin bus. Nasa expressway na kami nakikita ko na ang malaking billboard nasa gilid ng daan. “Wow! Anlaki ng mga billboard dito sa Maynila.” Wika ko sa sarili ko “Oo malaki mga billboard dito ngayon ka lang ba naka punta ng Maynila Lily?” Wika ni Aling Simang sa akin “Opo ngayon lang ako nakapunta dito kaya na gulat ako sa malalaking nakita ko po Aling Simang.” Wika ko sa kanya “Ganun ba may malaking building din dito Lily malulula ka sa kakatingin pag nakita mo.”Wika ni Aling Simang sa akin “Talaga po as in malalaki po mga building dito sa Maynila?” Wika ko sa kanya “Oo pag dating natin sa Maynila talaga doon mo makikita Lily.” Wika ni Aling Simang Malapit na kami sa Maynila ay doon ko nakita talaga ang malalaking building at billboard na kaka lagay na picture mga artista. “Grabe ang ganda pala dito sa Maynila totoo nga malalaking building andaming mga ilaw.” Wika ko sa sarili ko “O diba namangha ka din Lily sa mga lugar dito. Hayaan mo pag tumgal ka dito pwede kang mamasyal din pag day off mo Lily.” Wika ni Aling Simang sa akin “Talaga ba Aling Simang parang nakakatakot mawala ako dito dahil hindi naman ako taga dito baka mawala ako.” Wika ko sa kanya “Sauna lang yan Lily pero pag nagtagal ka na masasanay ka din dito sa Maynila.” Wika niya sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD