CHAPTER 5
Lily's Pov
Kinabukasan maaga pumunta si Aling Simang sa bahay.
“Lily, sinabihan ko na si Mrs. Alvarez na nakakuha na ako dito na magiging kasambahay nila.” Wika niya sa akin
“Bukas na bukas kailangan may hatid na kita sa Maynila magpapadala siya ng pera ngayon para pamasahe natin.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Po! Agad agad na talaga po bukas?” Wika ko sa kanya
“Hindi pa ako nakapag paalam sa tiya ko sa palengke magpapaalam pa ako titigil na ako magtrabaho sa kanila.” Wika ko kay Aling Simang
“Ngayon paalam ka na para mag asikaso ka na sa mga gamit mong dadalhin Lily.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Aling Simang pwede ba maki usap sa amo ko. Wala kasi akong ipon dito wala akong maiwan para sa mga kapatid ko. Kung pwede sana maka utang ng pera 2 thousand para sa kanila. Babayaran ko naman pag sahod ko bawas po kung pwede lang sana Aling Simang.” Wika ko kay Aling Simang
“Sige sasabihin ko Lily paki usapan natin si Mrs.Alvarez.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Magpapaalam na muna ako Aling Simang sa tiya ko sa palengke alis na po ako.” Wika ko kay Aling Simang
“Sige Lily mag paalam ka na doon.” Wika niya sa akin
Nagtungo na ako agad sa palengke para magpaalam na kay tiya na aalis na ako.
Pagdating ko sa palengke narinig ko na ang boses ni tiya Bebang na galit na naman sa akin.
“Oh,bakit ngayon ka na naman ha Lily yung mga gulay na ayusin mo naghihintay na sayo . Ang bagal mong kumilos talaga ewan ko tamad ka tulad ka ng tatay mong batugan.” Wika niya sa akin
“Tiya aalis na po ako hindi na po ako papasok sa inyo.” Wika ko sa kanya
“Ano?... Aalis ka bakit may pera ka bang panggasto para sa mga kapatid mo?” Sagot niya sa akin na pa sigaw
“Magtrabaho po ako sa ibang lugar sa Maynila po kaya magpapaalam na po ako sa inyo.” Wika ko kay tiya Bebang
“Ano iiwan mo mga kapatid mo? Gaya pag iwan ng magulang mo pabayaan mo na din sila?” Wika ni tiya sa akin
“Hindi po aalis ako para sa kinabukasan nila at mapag aral ko sila ng maayos.” Wika ko sa kanya
“Bahala kayo sa buhay nyo .Wag na wag mo lang iwan mga kapatid mo sa amin baka pag alis mo kagaya ka din ng magulang mo kinalimutan mga anak . Hay naku bahala kayo sa buhay niyo umalis ka na nga sa harapan ko Lily baka mabato pa kita itong lantang gulay.” Wika ni tiya Bebang sa akin
“Salamat po tiya Bebang sa pag trabaho sa akin dito.” Wika ko sa kanya
“Alis ka na dito at huwag ng bumalik pa.” Wika niya sa akin
Umalis na ako sa palengke at naglakad pauwi na din. Habang naglalakad ako ay nakita ko ang bakery na lagi kung binibilhan ng tinapay. Kinapa ko bulsa ko at may tira pa akong singkwenta pesos .
Binili ko ng tinapay na paborito ng mga kapatid ko ang singkwenta pesos.
“Ali pabilhan po nito bali singkwenta pesos pong tinapay.” Wika ko sa kanya sa tindera
“Ito po ali bayad ko.” Wika ko sabay abot sa pera
Ibinigay din ng ali ang tinapay sa akin. Umuwi na din ako agad sa bahay.
“Ate Lily bakit ang aga mong umuwi ngayon ate Lily?” Wika ni Mara sa akin
“Saan mga kapatid mo? Maaga akong umuwi nagpaalam na kasi ako kay tiya Bebang na hindi na ako papasok sa kanya.” Wika ko kay Mara
“Mara bukas na ako luluwas ng Maynila ihahatid na ako ni Aling Simang sa magiging amo ko.” Wika ko kay Mara
“Bukas na talaga ate? Ang bilis naman ate Lily iiwan mo na kami agad?” Wika ni Mara sa akin
“Kailangan Mara para makapag ipon na ako para sa inyo at kailangan na din nila ako doon Mara.” Wika ko kay Mara
“Ate mamimiss ka namin ate Lily.” Wika ni Mara sa akin habang nakayakap sa akin
“Basta hiling ko lang Mara huwag mong pabayaan mga kapatid mo.” Wika ko sa kanya
“Opo ate hindi ko sila pababayaan ate Lily.” Wika niya sa akin
“Tara kainin natin tinapay tawagin mo na mga kapatid mo para kainin natin ito sabay.” Wika ko na inutusan si Mara parq tawagin sila RonRon at Bea
“Ate dito ka na pala napagod kami kakatakbo ni Ron Ron sa likod bahay.
Wow may tinapay pasalubong ni ate sa amin.” Wika ni Bea
“Oo binili ko para kainin natin.” Wika ko kay Bea
“Yehey, Salamat ate Lily.” Wika ni Bea sa akin
Kinain namin ang tinapay na dala ko at tuwang tuwa silang kumakain.
Pagkatapos namin kumain ay sinabi ko na aalis na ako bukas ng gabi papuntang Maynila.
Nalungkot sila bigla sa sinabi ko .
“Ate agad na talaga bukas ate aalis ka na po?” Wika ni Bea sa akin
“Oo kailangan Bea kailangan na nila ng katulong doon sa Maynila kaya ihahatid na ako ni Aling Simang bukas ng gabi.” Wika ko sa kanila
“Hanggang bukas na lang pala ka namin makakasama ate Lily.” Wika ni Bea sa akin
Tumango na lang ako sa kanya at nakita ko malungkot nilang mukha .
“Huwag kayong malungkot kaya nga aalis si ate para sa inyo diba? Kaya dapat masaya kayo para matupad pangarap nyong makapag aral na.” Wika ko sa kanila
“Smile na kayo para kay ate ha huwag kayong ganyan para kay ate lalakasan ko loob pag trabaho para sa inyo. Mag sisipag ako para sa inyo.” Wika ko sa kanila
“Mag ingat ka doon ate Lily mahal ka namin ate Lily.” Wika ni Mara sa akin
“Oo ba mag iingat ako doon ako pa kaya ni ate lahat ng trabaho.” Wika ko sa kanila
“Payakap nga sa inyo.” Wika ko sa kanila
Lumapit sila sa akin at niyakap ako ng mahigpit . Tumula luha ko dahil masakit iwan sila pero kakayanin para din sa kanila.
Biglang dumating si Aling Simang sa bahay.
“Lily ito na ang pera sinasabi mo .” Wika ni Aling Simang sa labas ng bahay
“Opo Aling Simang nandyan na po.” Wika ko sa kanya
Lumabas ako ng bahay at hinarap si Aling Simang.
“Ito Lily nagbigay Mrs.Alvarez ng tatlong libo para sa mga kapatid mo.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Salamat po Aling Simang malaking tulong na po ito para sa mga kapatid ko po.” Wika ko sa kanya
Nakita nila Mara, Bea pag abot ni Aling Simang sa akin ng pera.
“Sige na Lily mag impake ka na ng gamit mo para bukas ng gabi aalis na tayo.” Wika ni Aling Simang sa akin
“Opo Aling Simang, Salamat po.” Sagot ko naman sa kanya
Umalis na si Aling Simang at pumasok na din kami sa loob ng bahay.
“Ito Mara iiwan ko para ito sa inyo isang buwan budget muna dito sa pagkain ninyo.
Ikaw na bahala itong perang ibibigay ko sayo.” Wika ko kay Mara na ibinilin sa kanya
“Ate malaking pera ito ate natatakot akong hawakan ito.” Wika ni Mara sa akin
“Huwag kang matakot kailangan marunong kang mag budget simula ngayon Mara habang wala ako dito. Ikaw na din papadalhan ko ng pera pag nagpadala ako.” Wika ko kay Mara
“Ate naman oh. Nakakatakot te baka mawala ko ito.” Wika ni Mara sa akin
“Huwag kang matakot isipin mo Mara kailangan pagkatiwalaan kita simula ngayon para sa mga kapatid mo din.” Wika ko kay Mara
“Sige po ate gagawin ko sinasabi mo ate Lily.” Wika ni Mara sa akin
“Mag aayos na muna ako ng gamit ko na dadalhin.” Wika ko sa kanila
Sinamahan nila akong mag impake ng mga gamit ko .
“Ate mamimiss ka namin ate.” Wika ni Bea habang nagliligpit na ako ng gamit ko.
“Tatawag si ate para sa inyo huwag nyong isipin na wala si ate ha nandito parin ako.” Wika ko sa kanila
“Basta ate tatawag ka sa amin po ate Lily pagdating mo sa Maynila po.” Wika ni Bea sa akin
“Oo promise tatawag ako sa inyo .” Wika ko kay Bea
Haihanda ko na mga gamit ko na nilagay ko na sa bag. Kaunti lang naman gamit ko kaya kaunti lang dala kung damit.
“Gusto niyo bang lechon manok ngayon ?” Tanong ko sa kanila
“Opo ate Lily gusto namin.” Wika ni RonRon sa akin
“Sige gusto ko mag salo salo tayo ngayon gabi kasi aalis na si ate bukas ng hapon.” Wika ko sa kanila
“Kaya bibili ako ng ulam natin na masarap.”Wika ko sa kanila
“Sige po ate Yehey.. Mag uulam kami ng masarap ngayon.” Wika ni Bea
“Alis muna ako bibili lang ako Lechon kaya Mara magsaing ka na para magdating ko kakain na tayo.” Wika ko kay Mara
“Sige po ate Lily magsaing ako ng kanin.” Wika ni Mara sa akin
Bumaba ako at saka pumunta sa bilihan ng Lechon Manok. Gusto ko masaya sila ngayon habang dito pa ako. Gusto ko makita mga ngiti nila na kasama ko sila.
Bumili ako ng isang buong manok para pang hapunan naming apat.