Chapter 4

1738 Words
CHAPTER 4 Lily's Pov “Tanghali ka na Lily ano ba yan kanina pa ako naghihintay sayo. Yung mga gulay na lanta na hindi pa na hahakot ano bayan Lily.” Wika ni tiya sa akin na nagagalit “Sorry po tiya na tanghalian ng bangon po.” Sagot ko naman “Maaga ka nga umuwi kahapon tapos ngayon tanghali ka pumasok. Anong klaseng trabahante ka Lily kundi hindi lang kita pamangkin matagal na kitang pinalayas dito.” Wika niya sa akin na galit na galit si tiya sa akin Hindi na lang ako umimik habang pinapagalitan niya ako. Tumulo luha ko habang pinapagalitan ako ni tiya Bebang na parang hindi niya ako kadugo. “Gawaan mo yan ng paraan yang mga gulay na lanta Lily . Pag hindi mo yan magawaan ng paraan huwag ka ng pumasok bukas. Ayuko yung pa tamad tamad sa tindahan ko sinasahuran kita ha kaya alalahanin mo.” Wika ni tiya Bebang sa akin “Sige po aayusin ko po tiya mga gulay.” Sagot ko naman sa kanya Habang naghakot ako sa mga gulay tumutulo luha ko. Pakiramdam ko kinakawawa na ako masyado dito parang hindi nila ako itinuturing na pamilya . Alam naman nila may mga kapatid din ako inaasikaso din . Kahit pagod ako tinitiis ko parin pagod ko. Umabot na ako ng ala una ng hakot sa mga gulay para maayos ko ng maigi. Hindi nila ako pinakain para maayos ko ang mga binebentang gulay ni tiya Bebang. Kinalimutan ko na lang gutom ko ininuman ko na lang ng tubig na marami para pantawid gutom ko. Alam ko galit pa rin si tiya sa akin dahil hindi ako iniimikan . Mas mahalaga pa paninda niyang gulay kaysa sa mga pamangkin niya. Nag uwiaan na lang hindi pa rin ako pinansin. Hinayaan ko na lang siya . Pagod ang katawan ko naglalakad sa daan. Dumaan ako bumili ng itlog na uulamin namin. Nakita ako ni Aling Simang ulit at tinanong. “Lily , Ano nakapag isip ka na ba ?” Wika ni Aling Simang sa akin “Hindi ko pa nakausap mga kapatid ko Aling Simang maya po kakausapin ko po.” Wika ko sa kanya “Sige Lily sabihan mo lang ako pag gusto mo magtrabaho doon.” Wika ni Aling Simang sa akin Nakita ko mga kapatid ko naka dungaw sa pintuan hinihintay nila ako dumating. Naawa ako sa kanila na wala akong maibigay sa kanila na walang pasalubong sa kanila. Iniisip ko talaga sila kung paano na lang talaga kami nito. “Nandyan na si ate Lily.” Wika nila naririnig ko sila “Ate may pasalubong ka ba sa amin ate Lily.” Wika ni Bea sa akin. “Wala akong dala kundi ulam lang na itlog mga kapatid ko pasensya na .” Wika ko sa kanila Bigla silang nanahimik at nalungkot ang dalawang kapatid ko. “Okay lang yan Bea at Ron luluto na lang ako ulamin natin pagod din si ate Lily natin kaya huwag kayong makulit ha luluto na ako pagkain natin.” Wika ni Mara sa kanila “Sige po ate Mara maglalaro na lang muna kami ni RonRon ate Mara.” Wika ni Bea “Ate Lily okay lang yan pahinga ka po ako na magluluto hapunan natin ate.”Wika ni Mara sa akin “Salamat Mara sa pag intindi sa akin ang totoo pagod talaga ako kinakaya ko lang. Hindi pa ako kumakain simula kanina Mara.” Wika ko sa kanya “Bakit ate Lily hindi ka kumain. Hindi ka ba pinakain ni tiya Bebang ate Lily?” Tanong ni Mara sa akin “Napagalitan ako kanina tanghali na akong dumating doon kaya yun hindi ako pinakain hangga’t hindi ko maayos mga lantang gulay na hindi ko nahakot agad ng madaling araw.” Wika ko kay Mara “Napaka salbahi naman ni tiya sayo ate. Hindi siya na konsensya pakainin ka.” Wika ni Mara habang naawa sa akin “Sige ate magluluto na ako para makakain ka nadin ate.” Wika ni Mara sa akin Pumunta si Mara sa abuhan para magluto na siya ng hapunan namin. Lumapit ako siya doon at gusto ko siyang kausapin tungkol doon sa papasukan ko na trabaho sa Maynila. “Ah,Mara may sasabihin sana ako sayo.” Wika ko sa kanya “Ano yun ate Lily.” Sagot naman niya sa akin “Kaya mo naman alagaan mga kapatid mo na sa ngayon. Hindi mo naman napapabayaan alam ko yan Mara.” Wika ko sa kanya “Anong ibig sabihin mo ate Lily? Iiwan mo ba kami ate Lily?” Tanong ni Mara sa akin “Hindi, hindi ganun Mara. Hmm..Mag trabaho si ate sa malayo Mara. Para naman ito sa inyo para kay Bea at RonRon din para makapag aral kayo.” Wika ko kay Mara “Ate iiwan mo din kami gaya kala nanay at tatay. Diba sinabi mo walang iwan hindi mo kami iwan.” Wika ni Mara habang umiiyak sa harapan ko “Mara kailangan magsakripisyo sa ngayon para sa kinabukasan ninyo mag tratrabaho si ate sa malayo para sa pag aaral ninyong tatlo. Ayuko ko kayong matulad sa akin hindi na nakapag aral ayukong magaya kayo sa akin.” Wika ko kay Mara na pinaliwanag Umiiyak parin si Mara sa akin. “Wag ka ng umiyak Mara mahal ko kayong magkakapatid hindi ko kayo pababayaan basta yun lang hiling ko bantayan mo sila Bea at RonRon ako na bahala gastusin sa bahay at pag aaral ninyong pag naka trabaho na ako sa Maynila Mara.” Wika ko sa kanya “Pag naka trabaho na ako doon bibili ako phone dito sa inyo para kahit nasa malayo ako matatawagan ko kayo na parang kasama ninyo din ako Mara.” Wika ko kay Mara “Ate ayaw ka namin malayo sa amin ate. Paano na lang kami?” Wika ni Mara sa akin “Alam ko Mara kaya mo kakayanin mo kakayanin natin magkakapatid pag nakapagtapos kayo sa pag aaral titigil na si ate mag trabaho uuwi si ate. Hindi kaya kukunin ko kayo at doon na lang tayo titira sa Maynila para malapit na lang doon.” Wika ko kay Mara Niyakap ko si Mara ng mahigpit at hinalikan sa noo. “Hindi ko kayo pababayaan Mara dito. Gusto kong maibigay ang hindi ko kayang maibigay ngayon. Kaya magsikap ako magtrabaho doon para sa inyo.” Wika ko ka kanya Kalaunan pumayag naman si Mara na magtrabaho ako sa Maynila pero hindi ko pa sinasabi sa dalawa kong kapatid na aalis ako para magtrabaho sa malayo. “Bea, RonRon may sasabihin ako sa inyo.” Wika ko sa kanilang dalawa “Ano po yun ate Lily?” Tanong ni Bea “Bea aalis si ate Lily magtatrabaho sa malayo kailangan kung mag ipon para sa kinabukasan ninyong tatlo sa pag aaral.” Wika ko sa kanilang dalawa “Iiwan mo din kami ate Lily?” Wika ni Bea sa akin “Oo sa ngayon pero uuwi na naman si ate Lily dito pag naka ipon at kapag naka pagtapos na kayo sa pag aaral Bea. Kaya kailangan i promise ninyo kay ate mag aaral kayong tatlo ng maigi para sisipag pa si ate Lily magtrabaho sa inyo. Lahat ng kailangan ninyo ipapadala ko sa inyo para maging masaya kayo mga kapatid ko. Titiis si ate doon para sa inyo mahal ko kasi kayo ayukong matulad kayo sa akin na walang pinag aralan kaya gusto ko mag aral kayo mabuti.” Wika ko sa kanila na lumuluha “Ate Lily mahal na mahal ka din namin ikaw na naging nanay namin ayaw ka namin mawala sa amin ate Lily.” Wika ni Bea sa akin “Tatawag naman si ate sa inyo para na din nasa tabi nyo din ako pag tumawag ako kaya huwag kayong mag alala.” Wika ko sa kanila Umiiyak pa rin silang tatlo sa sinabi ko naawa ako sa kanila pero kailangan magsakripisyo para sa kanila. “Mahal ko kayo mga kapatid ko kaya kakayanin natin ha mag aral kayong mabuti.” Wika ko sa kanila Kalaunan pumayag din sila sa lalayo ako sa kanila para mag trabaho para sa kinabukasan nila. Pinuntahan ko din si Aling Simang sa bahay nila para sabihin na ako na lang ang mag apply na katulong doon sa Maynila. “Tao po, Aling Simang.” Wika ko sa labas ng bahay nila “Sino yan?” Wika niya sa loob ng bahay niya “Si Lily po ito Aling Simang.” Wika ko “O,Lily ikaw pala yan. Halika pasok ka dito.” Wika ni Aling Simang sa akin Pumasok ako sa loob ng bahay nila at umupo. “Aling Simang ako na po ang kunin niyo po na magtrabaho sa Maynila po kailangan ko talaga ng trabaho para sa mga kapatid ko po.”Wika ko sa kanya “Paano mga kapatid mo? Pumayag na ba sila?” Wika ni Aling Simang sa akin “Opo Aling Simang kinausap ko na din sila para sa kinabukasan din nila at maka ipon ako para sa pag aaral nila Aling Simang.” Wika ko sa kanya “Napakabuti mong ate sa kanila hindi mo iniisip sarili mo pero sa mga kapatid mo iniisip mo para sa kinabukasan nila.”Wika ni Aling Simang “Ganun talaga Aling Simang kasi ako na tumayo magulang sa mga kapatid ko kailangan magtiis para sa kanila mag trabaho ako para sa pag aaral po nila ayukong matulad sila sa akin.” Wika ko kay Aling Simang “Sige sasabihin ko kay Mrs. Alvarez na may nakuha na ako para doon sa bahay nila.” Wika ni Aling Simang sa akin “Sige po Aling Simang hindi na po ako magtatagal uuwi na po ako.” Wika ko sa kanya “Sige Lily basta sure ka na sa desisyon mo na talaga?” Tanong ulit ni Aling Simang sa akin “Opo sure na ako Aling Simang tuloy na po ako. Salamat po.” Wika ko sa kanya Umuwi na ako agad sa bahay para makasama ko na sila habang nandito pa ako sa tabi nila. “Ate,dito ka halika na ate kain na po tayo. Gusto namin kasama ka namin kumain ate Lily.”Wika ni Bea sa akin “Sige kain na tayo.” Wika ko naman Kumain na kaming magkakapatid na salo-salo at nagkwentuhan at kulitan na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD