Chapter 3

1836 Words
CHAPTER 3 Lily's Pov “Ayan tapos na kitang inayusan. Maganda ka naman Lily pero mas pinaganda pa kita lalo ngayon tignan mo sa salamin.” Wika ni Navy sa akin Nagulat ako sa makeover na ginawa ni Navy sa akin. Hindi ako makapaniwala sa itsura ko ngayon sa nakita ko sa salamin. “Ako ba talaga ito?” Tulala ako sa salamin nakatingin “Nilabas ko lang ang kagandahan mo sa loob na naka tago.” Wika ni Navy sa akin Grabe hindi ako makapaniwala naka make up ako na may red lipstick sa mga labi ko. “Ito isusuot mo ngayon.” Wika ni Navy sa akin “Ito po ba damit ko? Ang iksi naman ito Navy?” Wika ko kay Navy “Oo yan isusuot mo mas lalo ka gaganda dyan Lily.” Wika ni Navy sa akin Pumunta ako sa dressing room at nagpalit ng damit ko. Bigla na lang ako natulala sa sarili ko na ganito pala ako pag naayusan na. “Ito sandals na gagamitin mo Lily.” Wika ni. Navy sa akin Isinuot ko ang sandal na ibinigay ni Navy sa akin. “Halika na ipakilala kita kay ate Gema,Lily.” Wika ni Navy sa akin. Sumama ako sa kanya at nag tungo kay ate Gema. “Ate Gema ito na po makeover ni Lily.” Wika niya kay ate Gema “Wow ang ganda niya Navy perfect.” Wika ni Gema sa akin “Sige mag serve ka na sa mga customer Lily. Pag may gusto maki table sayo may tip ka doon.” Wika ni ate Gema sa akin “Po! May ganun po ba?” Wika ko sa kanya “Madali naman yun table ka lang wala kang gagawin kung di umupo lang naman.” Wika ni ate Gema sa akin “Sige na magsimula ka na Lily.” Wika ni ate Gema sa akin “Pa serve po table 5.” Wika ng isang babae sa akin Nahiya ako sa suot ko pero kailangan magtrabaho ako. Kinuha ko mga e server doon sa table 5 at dinala doon ang order nila. Hinanap ko ang table 5 at pinuntahan ko agad para serve ang order nila. “Hello po sir ito po order niyo sir.” Wika ko Binaba ko na ang order sa table nila. Tumingin sa akin ang lalaking pinag servan ko tinitigan niya akong maigi. Dali- dali akong umalis na doon at bumalik sa serving area. Biglang lumapit ang lalaki kay ate Gema na parang may binubulong sa kanya. “Lily may gustong maki table ka Lily sa table 5 .”Wika ni Gema sa akin “Po! Ako talaga ayuko po ate Gema . Taga serve lang po applyan ko dito ate Gema.” Wika ko sa kanya “Ok lang yun Lily samahan mo lang umupo doon bibigyan ka naman ng tip ng customer.” Wika ni ate Gema sa akin Hindi ako umimik sa kanya pero narinig ko bibigyan ng tip daw sayang naman din eh kaya ginawa ko na lang din. Lumapit ako uli sa table 5 at nakatayo lang ako sa gilid. “Miss dito ka tumabi ka sa akin.” Wika ng lalaki sa akin Nagdadalawang isip ako tumabi natatakot ako umupo sa tabi niya. “Miss sige ito 500 tumabi ka lang sa akin.” Wika ng lalaki ulit sa akin Lumapit na ako ng dahan- dahan at umupo ako sa kaunting kalayuan sa inuupuan niya. “Anong pangalan mo miss ganda?” Tanong ng lalaki sa akin “Lily po sir.” Sagot ko sa kanya “Dito ka sa tabi ko hindi naman ako nangangagat.” Wika ng lalaki sa akin Hindi ako kumibo hinayaan ko lang siya magsalita. Maya -maya umurong na ang lalaki sa akin. “Bakit ka ba takot bibigyan nga kita ng pera eh basta samahan mo lang ako sa table ko.” Wika ng lalaki sa akin Nag stay ako ng 10 mins sa tabi niya ng biglang gumalaw kamay niya ang pinatong sa hita ko. “Sir parang nakakabastos na kayo sir sa akin. Hindi po ito trabaho ko . Ang trabaho ko lang dito ay mag serve lang naman.” Bulyaw ko sa kanya “Anong taga serve pareha lang din trabaho mo magpaligaya ng customer yun ang trabaho mo.” Sigaw ng lalaki sa akin “Kung ganun sir sa inyo na lang yung pera nyo hindi po ako ganun na babae.” Wika ko sabay tapon ng pera sa harapan niya Agad akong umalis at nagtungo kay ate Gema. “Ate Gema hindi na ako papasok hindi ko alm ito pala trabaho ko dito. Akala ko waitress trabaho dito pero may pa himas ginagawa ang customer.” Bulyaw ko kay ate Gema “Oo waitress naman depende sa customer natipuhan ka kailangan entertain mo sila.” Wika ni ate Gema sa akin “Ayuko ng ganitong trabaho mahirap lang kami pero hindi ito trabaho na gusto ko. Ang bastusin ng customer ayuko . Sige na po aalis na lang ako.” Wika ko kay ate Gema na naiinis Dali- dali akong nag bihis at hinubad ang pina suot sa akin at sa ka umalis na agad sa bar. Dali-dali akong lumabas sa bar at umuwi na agad. Inis na inis ako dahil doon . Hindi ko alam ganun pala ang trabaho sa bar . Hindi ko na uulitin mag apply doon. Naglalakad ako na para wala sa sarili parang takot ako doon na nabigla sa nangyari iniisip ko tuloy ang nangyari nangangailangan pala ako ng pera . Hindi iniisip mga kapatid ko. Sayang sana ang pero nakaka bastos kasi ang nangyari. Hay,saan ako makakakita ng trabaho ngayon na malaki -laki ang kita para makapag aral mga kapatid ko. Saan ako kukuha ng pang paaralan sa kanila. Ayuko mapareha sa akin hindi nakapagtapos ng pag aaral. Nakarating na ako sa harapan ng bahay mukhang tahimik na sa loob. Dahan-dahan na akong pumasok sa pintuan. Tulog na pala sila mag alas dose na pala ngayon. Habang tulog sila pinagmamasdan ko sila naawa ako sa kanila. Hindi ko magawa kung anong paraan para magka pera ako para sa kanila at mapag aral sa pasukan. Umiiyak na lang ako bakit ganito pa ang nangyari sa amin na iniwan ng magulang. Wala silang puso sa pag iwan sa amin naawa na ako sa sarili ko pagod na katawan ko pero kinakaya ko para sa mga kapatid ko. Mga walang kwenta mga magulang namin na nag iwan sa amin. Iyak ako ng iyak hanggang nagising si Mara. “Ate nandyan ka na pala ate Lily. Bakit umiiyak ka ate?” Wika ni Mara sa akin “Wala Mara napuwing lang mata ko.” Wika ko sa kanya “Hindi ate alam ko pagod ka na ate Lily magpahinga ka din minsan ate huwag mong tiisin para sa amin ate Lily.” Wik ni Mara sa akin “Hindi Mara kaya kung tiisin pagod ko para sa inyo. Alang- alang sa inyo.”Wika ko sa kanya “Ate naman wag mo din abusuhin katawan mo. Ako ate tutulong ako sayo mag kinse anyos na din ako ate Lily pwede na akong mag trabaho ate hindi na lang ako mag aaral po.” Wika ni Mara sa akin “Hindi mag aaral ka Mara dito ka lang sa bahay para din may kasama mga kapatid natin ako na bahala magtrabaho Mara ako ang ate.” Wika ko kay Mara “Parang ang ganda mo ngayon ate Lily kumusta ang trabaho mo ate Lily.” Wika ni Mara sa akin “Hindi okay Mara umalis na ako agad. Ayuko manatili doon .” Wika ko sa kanya “Ganun ba ate Lily pero ang ganda mo ngayon ate para kang artista ate Lily.” Wika ni Mara sa akin “Sus, nang bola ka pa sa akin Mara tulog ka na nga ulit. Magbibihis lang ako at saka matutulog na din maaga pa ako bukas papasok sa palengke.” Wika ko kay Mara Tumayo ako at nag bihis na din. Hindi ko na sinabi kay Mara kung anong nangyari sa akin. Ayoko ng kwento na sa kanila kung anong nangyari sa pinasukan ko. Tinignan ko mukha ko sa salamin totoo nga nag iba mukha ko ng inayusan. Hindi kasi ako nag aayos wala na sa isipan ko mag ayos . Basta ang mahalaga magtrabaho ang atupagin ko sapat na. Kumuha ako ng labakara at ipinunas sa mukha kung basa at saka humiga na sa higaan para matulog na din. Kinabukasan nagising ako tanghali na pala mag alas sais na ng umaga . Dali- dali akong bumangon saka ng bihis na lang na walang ligo-ligo. Lagot na ako nito kay tiya na tanghalian ako ng gising napapagalitan talaga ako nito ngayon. “Mara, gising na alis na si ate tanghali na pala ikaw na muna bahala sa mga kapatid natin.” Wika ko sa kanya “Ate, tanghali na pala ate Lily sige po ako na bahala dito.” Wika ni Mara sa akin Lumabas na ako ng bahay at naglakad na pababa sa kalsada. Habang naglalakad ako may dalawang kapitbahay akong narinig nag uusap sa kalsada. “Mare, baka may alam kang gusto mag katulong sa Maynila ba hanapan mo nga ako para sa dati kung mga amo. Ang dalaga sana para hindi daw uwi ng uwi yunang gusto nila.Malaki pa naman sweldo.” Wika ni Aling Simang sa isang kapitbahay din namin “Naku, mare saan tayo hahanap na puro naman nag asawa mga kabataan dito sa atin .” Wika ng isang kapitbahay namin “Kaya nga bihira lang makahanap ka dito sa bayan natin.” Wika ni Aling Simang “Aling Simang ano po yun pinapahanap niyo po. May tanong ko lang.” Wika ko kay Aling Simang “Ah,katulong ikaw baka gusto mo Lily pumasok ilang taon ka na pala?” Wika ni Aling Simang sa akin “Ako po bente tres po.” Sagot ko naman sa kanya “Ah,pwede ka sana Lily pero Maynila yun Lily malayo yun.” Wika ni Aling Simang “Malaki ba sasahurin doon Aling Simang?”Tanong ko sa kanya “Oo malaki yun lang hindi pwede mag uwian kasi ayaw nila kaya pinapahanap sa akin dalaga. Ayaw yung may asawa kasi uwi daw ng uwi kaya dalaga pina hahanap.” Wika ni Aling Simang “Pwede ka sana pero may mga kapatid ka diba Lily? Paano din mga kapatid mo?” Wika ni Aling Simang sa akin “Sige po Aling Simang pag iisipan ko po.” Wika ko sa kanya Dali- dali na ako nag lakad papunta sa palengke para pumasok kay tiya Bebang. Iniisip ko yung alok ni Aling Simang sa akin. Malaki daw ang sahod doon. Pero malayo na dito sa amin dahil sa Maynila magtrabaho. Hindi mapakali isip ko dahil gusto ko sanang pumasok para sa mga kapatid ko para makapag aral na sila pero iniisip ko din kung kaya ba nila iwan ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD