“Di-ma-a-no” bungad niya, napalitan na ang salitang hello o hi na kadalasang unang isinasatinig kapag may kausap sa telepono. “Francisco” hindi siya tumawag kaninang tanghali pero inisip ko nalang na baka marami siyang ginagawa. Bisperas na ng pasko ngayon, siguro ay abala siya sa pagluluto ng mga handa kanina kaya ngayong gabi lang siya nakatawag. Kapag ganitong oras ay okupado ang mga tao ng maraming bagay. Karamihan ay nasa simbahan ngayon, ang iba ay abala parin sa pagluluto at pag-aasikaso ng kamag-anak na umuwi para lang ipagdiwang ang pasko at may iilan din na gaya ko, nag-iisa. Kanina pa tumawag ang mga kaibigan ko, batid na hindi na nila magagawa ang kausapin ako mamaya dahil masaya silang kasama ang kanilang pamilya, naiintindihan ko naman iyon at nauunawaan. Ang totoo ay hind

