Chapter 2

922 Words
Umuwi si Dorcas bitbit si Rudy.Panalo ang manok niyang pula ng sampong libo.Namili siya ng grocery at ilang lata ng gatas at diaper ni Jamie.Tumingin din siya sa ukay ang ilang damit ng baby. Alam niyang wala siyang magagawa kung hindi tanggapin ang sitwasyon niya ngayon at ibigay ang pangangailangan ng anak niya.Gago siya dahil nabuntis niya ang nanay nito ng hindi niya alam pero hindi naman siya halimaw para pabayaan ang sarili niyang laman.Dahil siguradong papatayin siya ng mga magulang niya kapag nalaman nito iyon.Pero wala pa siyang balak sabihin hanggat hindi niya nakikita ang ina nito. Tumawid siya sa marungis na tulay at masikip na iskinita pauwi.Bawat tao nanghihingi ng balato at hindi mapigilang magtaka sa mga bitbit niyang gatas. Naging tapat siya at sinabing may anak na siya. Narating niya ang bahay at nakitang bitbit ni Aling Joy at tulog ang anak niya.Nandon'parin ang ilang kapit bahay nila na hindi mapigilang pagmasdan ang batang mukha daw kano. Ito daw ang magbibigay sa kanilang lugar ng suwerte pagdating ng araw. Napangisi siya. Pilipino nga naman ang daming paniniwala. Ibinaba niya ang mga bitbit at agad na kinuha kay Aling Joy ang anak niya. Inabot niya rin ang bayad niya sa renta. Pinagmasdan niya ang kanyang anak at tila nawala lahat ng pagod niya. I'm a father.. "sino kaya ang nag iwan sa pinto mo niyan Dorcas? "ani aling Nita. Isa sa kadikit bahay niya. "Hindi nga daw po niya nakita dahil paglabas niya wala ng tao. "sagot ni Temyong na abala sa paglilinis ng bahay. Nag volunteer ito at si Kiboy para hindi daw magkasakit si Jamie. "Sino kayang nanay ng batang yan.. Siguro maganda din ano? "Si aling Nita ulit. Kilala itong chismosa sa lugar nila. Sino kaya ang nanay ng anak niya?Bakit iniwan ito sa kanya ng ganon ganon nalang? Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit para dito.Puwede naman siyang kausapin nito ng maayos kung hindi niya kayang buhayin yung bata.Paano kung nagkataong wala siya sa bahay at iba ang nakadampot sa anak niya at napunta sa mga masamang loob. Uso pa naman ang sindikato sa lugar nila. Siguradong hindi niya ito mapapatawad. "Ako muna ang mag aalaga kay Jamie habang naghahanap ka ng magbabantay sa kanya.Pero alam mo naman busy din ako bibigyan kita ng ilang araw" "Salamat po aling joy"sinayaw niya si Jamie. Nabato balani ang mga nanay at dalagang ina na nakapalibot sa kanya pero hindi niya pinansin iyon. Bukas kailangan niyang mag doble kayod para kay Jamie.Kailangan niya ring maghanap ng mapagkakatiwalaang mag aalaga dito. Ayaw niyang abalahin ng husto ang mga kapit bahay niyang nagmamagandang loob sa kanila. Napangisi siya.May anak siya pero walang asawa. Ibig sabihin puwede padin siyang mag bar at mangbabae. Kailangan niya lang ng mag aalaga. "mag ingat ka Dorcas,nakaraan nabalitaan ko sa kabilang purok dinukot ng isang katulong yung isang anak ng amo nito para sa ransom"Si aling Nita ulit. para itong naglalakad na news channel. "ay oo uso nga yang mga modus na ganyan. Eh diba yung pamangkin ni Kapitan muntik ng maibenta sa mga sindikato dahil yung nakuha nilang tagapag alaga eh adik adik pala"sagot ng isa niya pang kapit bahay. Ano ba tong mga naririnig niya?. Tumulo yung pawis niya at muling inehele si Jamie. "Kaya ikaw Dorcas.. Nakow. Ingat ka ng husto.Alam mo naman tong'lugar natin-squatter,walang mapagkatiwalaan" "mag iingat po ako" Maya maya'y lumapit sa kanya si Kiboy at may ibinulong sa kanya.. "ano game ka mamaya?May mga bagong salta daw sa bar sa pangatlong kanto". Nagpantig yung tenga niya at napatingin sa anak niya. "paano yung anak ko? " "Diba 'si Aling Joy muna bahala." Napangisi siya.Oo nga. Hindi niya puwedeng palagpasin ang mga bagong salta sa bar dahil siguradong jackpot iyon. Dumating ang hapon at nagsimulang magpulasan ang mga kapit bahay.Isa sa mga perks sa mga gaya niyang mahirap, lahat ng kapit bahay mo kilala ka at handa kang damayan. Silang tatlo nalang nina Temyong ang naiwan sa bahay niya. Tinuturuan siya nito kung paano mag bihis ng baby at magtimpla ng gatas. May pamilya na si Temyong at dalawang anak na naiwan sa probinsya at pinapadalhan niya nalang ang mga ito. Nagtrabaho siya dito bilang construction worker sa isang bigating kompanya. Si kiboy naman nagluluto ng hapunan. Maingat niyang ipinasok ang maliit na braso ni Jamie ang damit nito.Nakakahinga siya ng maluwag sa tuwing nagagawa niya iyon.Good Dorcas.. Kaya mo yan.Medyo malikot si Jamie dahil tila gustong makipaglaro sa kanya..Ibinigay niya ang isang daliri niya at hinawakan ito ng anak niya ng napakahigpit. Maya maya'y dinala nito sa bibig at nilawayan iyon. Natawa siya at parang may humaplos sa puso niya. "Laters buddy. Daddy has a lot to learn. " "dagdagan mo pa ng isang scoop, matabang yan.. " Sinunod niya ang sinabi ni Temyong. "Huwag mo masyadong damihan ng tubig. May sukat yan." Tinantiya niya ang paglagay ng tubig. "Ngayon i-test mo yung temperature. Magbuhos ka ng kunti sa kamay mo para hindi mapaso si Baby Jamie. Seryoso siyang napatingin ulit kay Temyong. Para itong professor na naglelecture sa kanya. "Tama lang. "Inalog niya iyon at napangiti siya ng makitang nagawa niya iyon kahit papaano. There's your milk buddy.. Dahan dahan niyang ibinigay iyon sa anak niyang tahimik na nakahiga sa banig at agad itong dumede na parang gutom na gutom. "ang takaw ng anak mo..may pinagmanahan"natatawang sabi ni Temyong sa tabi niya. Napatawa siya ng magsimulang hawakan ng anak niya ang maliit na botilya. Inalalayan niya ito. Hindi niya napigilan ang sarili niya at hinalikan ito sa noo. My baby..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD