Medyo masakit ang ulo ni Dorcas kinabukasan dahil sa nainom niya nong'nagdaang gabi.Binalingan niya ang anak niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya at agad itong tinimplahan ng gatas. Mamaya kailangan niya ulit itong iwan kay Aling joy dahil kailangan niyang magtrabaho.
Hindi tulad dati, ngayon maaga na siyang nagigising. Naglilinis ng bahay, nagluluto at inaasikaso ang mga kailangan ni Jamie bago niya ito iwanan.
Winalis niya ang lahat ng alikabok sa kanilang bahay para hindi magkasakit yung anak niya. Pinaliguan niya rin yung mga manok.
These fast few days, pakiramdam niya nag karoon ng kuwenta yung kanyang buhay . Taliwas sa iniisip niya dati na masisira yung buhay niya dahil sa bata.Iba parin pala kapag may responsibilidad ka at bagay na nais protektahan.
Narinig niya ang iyak ni Jamie at mabilis itong tinakbo.Kinuha niya ito at ibinigay ang gatas. Tsinek niya muna kung may popo ito at tsaka niya pinalitan ng diaper.Pagkatapos nilang maglaro sa labas at paarawan ang baby, tsaka niya ito paliliguan.Ganoon ang umaga nila lagi.Isang linggo na ang nakakalipas.
Araw araw natuto siya bilang tatay nito. Naglalaba ng damit,nagtitimpla ng gatas at ang pinaka mahirap sa lahat pagpapalit ng diaper.
"good morning kiddo! "Hinalikan niya ito sa tiyan. His child giggle and its a music to his ears.
Iniwasan niya muna ang sigarilyo para dito. Hindi siya puwedeng manigarilyo sa harap ng anak niya .Dinala niya si Jamie sa likod bahay at isa isang pinakilala ang kanyang mga manok dito.
Masayang masaya ang mga kapitbahay niya at lahat nahuhumaling kay Jamie.Pati si Temyong at kiboy ay madalas na sa kanyang bahay at proud to be ninong na agad ng anak niya.
Dati puro rock music ang nasa cellphone niya. Ngayon, napilitan siyang magdownload ng mga pambatang kanta para may mapakinggan lagi si Jamie. Ito na nag playlist niya nong'mga nakaraang araw. Iba talaga kapag nag ka anak.
Pow pow day is pengui day. Pow pow day is a happy day. ?
"da-aa.. da"
Napangiti siya kay jamie na ngayon ay hinahawakan at dinidiskubre ang ibat ibang parte ng mukha niya.
"yes baby.. It's daddy"
Nangiti ang anak niya at hindi niya mapigilang halikan ito sa pisngi sa sobrang ka cutan.
Pagkatapos ng ilang oras,binihisan na niya ito at inihanda lahat ng kailangan para muling iwan kay aling joy. Nangako siyang mas iigihan niya pa ang paghahanap ng mag aalaga dito. Wala kasi siyang mapagkatiwalaan sa ngayon.
Pumasok siya sa trabaho ng ganado.Mas pinagbuti niya ito at madalas nag overtime siya ng dalawang oras. Balak niyang maghanap ng trabaho na may mas malaking kita para may panustos siya sa lahat ng gastusin. Hindi na siya puwedeng magpa petiks petiks ngayon.
Habang nagdedeliver hindi niya maiwasang mapatingin sa mga crib at strollers na nakikita niya sa mga salamin ng mall.Nangako siyang pag iipunan niya iyon para kay Jamie.
Nananghalian siya sa isang karindirya at isang flier ang nakita niyang nakadikit sa may pader nito.
Wanted :Driver
Viking's Holdings and Enterpise
Please contact:09123456789
Mabilis niyang kinuha ang bulok niyang cellphone at tinext ang numero na nasa flier. Mukhang isang mayaman na bussinessman ang naghahanap ng driver. Sa hitsura niya siguradong mabilis siyang matatanggap. Big time kapag napasok siya, mabibili na niya lahat ng pangangailangan ng anak niya.
Dumating ang hapon at gabi at pagod na umuwi si Dorcas.Gusto niyang makita agad yung anak niya. pinuntahan niya yung anak niya kina aling Joy pero nagtaka siya ng walang makitang tao doon.
Hanggang sa nakarinig siya ng iyak. Tinunton niya iyon at nakita niya si Jamie na nakahiga sa isang papag at walang ibang kasama. Kahit pagod na pagod binuhat niya ang anak niya at dinala sa braso niya. Puno na ang diaper nito at halatang gutom. Nilibot niya ang tingin sa bahay pero wala talagang tao. Nakaramdam siya ng inis at uminit yung ulo niya.
Inuwi niya si Jamie na tuloy parin ang pag iyak at mabilis itong binihisan at tinimplahan ng gatas.Gutom na gutom ito.
Napasabunot siya ng buhok at pinakatitigan ang anak niya. "I'm sorry baby. "
Hinalikan niya ito sa noo at napapikit."It won't happen again"
Gusto niyang magwala pero walang mangyayari kapag ginawa iyon.He is so dissapointed with himself.
Kailangan niya ng makahanap ng mag aalaga sa anak niya.Hindi puwede ito. kailangan niya ng isang mapagkakatiwalaan na aalagaan ng mabuti si Jamie. Hindi maganda ang magiging resulta kapag may nangyaring masama sa anak niya dahil sa kapabayaan niya.
Maya maya'y napilitan siyang tumayo at inayos niya ang higaan nila ng anak.Naglinis siya sa kuwarto at nagkabit ng kulambo bago dinala doon si Jamie.
"Good night my baby"..
Nagbihis siya at lumabas para manigarilyo. Maya maya'y dumating si Aling joy at humingi ng pasensya. Sinugod daw ang asawa nito sa hospital at nataranta.
Galit siya pero naiintindihan niya ito. nagpasalamat siya pero pinagsabihan din ang ginang. Humingi ito ulit ng pasensya bago umuwi.
Tahimik siyang nanatili sa dilim habang naninigarilyo. He need to re- think again. Hindi na siya nag iisa ngayon,kasama na niya si Jamie,he can sacrifice anything for him.