Sumenyas si Aqua bago dahang dahang binuksan ang pinto ng kanilang kuwarto . Lahat ng squad ay nakaready na. Hawak ni Kiboy ang mga lobo, si Temyong naman ang may hawak ng cake. Si Jamie karga ni Aqua at sina Aling Joy ang may hawak ng confetti.. Si Dallas nakatayo lang sa likod. Pang padami. Paunang sopresa nila ito kay Dorcas at mamayang gabi ang main event. Huling araw nila sa resort kaya sulit na sulit. "1 2 3 go! " "Happy happy happy birthday! Sayo ang pagkain! Sayo ang inumin! Happy happy happy birthday sanay mabusog mo kami! " Sabay sabay nilang kanta na sinamahan ng sayaw at palakpak. Naalimpungatan si Dorcas at napabalikwas sa kama.. Hindi makapaniwalang pinagmasdan niya sila. "Maligayang bati! Maligayang! Maligayang...... Maligayang.... Maligayang..... Bati! Happy happy happ

