"Temyong abot mo yong christmas lights dito nalang natin ikabit para nakapalibot".ani kiboy. Nakabitin ito ngayon sa poste. Sinimangutan naman siya ni Temyong. Ang gusto kasi nito sa kabilang dulo naman ikabit iyon para diretso lang. "Sige na Temyong.. Pagbigyan mo na" Bulong ni Aqua.Tumulong na siya sa pagdedesign at mayat maya nagbabangayan ang mga ito. Inihanda nila ang mga pagkain sa isang maliit na mesa at ipuwenesto ang videoke sa kabilang gilid. .. "Perfect! "sigaw niya. Malakas naman na nag thumbs up si Aling joy. "Oh siya.. Huwag na kayong magtalo at maganda naman ang kinalabasan ng cottage.. Tapos na! " Nagpalakpakan ang lahat. Nagtaas ng kamay si Kiboy. "Yes kiboy! " "Eh.. Aqua.. Nakita ko kasi yong mga kaibigan ni Dorcas kanina, yong kasama niyang pumasok sa inn.. "

