IX

1973 Words
CHAPTER NINE "WHAT?" untag ni Keith Clark nang tingnan ito ni Jared sa blangkong ekspresiyon. "Nagutom ako bigla, e. Bawal na bang kumain ang gwapong katulad ko?" Imbes na tumugon ay tiningnan lang ulit ito nang masama si Keith Clark at ipinagpatuloy ang pagkain. "Galit talaga 'to sa mga gwapo," baling ng isa sa kanya. Nagdekwatro ito at nangalumbaba. Natawa naman si Sonja. Hindi siya makapaniwalang kaibigan ni Jared ang isang katulad ni Keith Clark Escudero. Sa pagkakaalam niya ay nasa panglimang taon na ito sa pagkasenador. Malinis ang record nito bilang pulitiko pero nasasangkot din naman sa issue na parang isang showbiz personality. Hindi lang kasi iisang beses na nakwestiyon ang sexuality nito ng mga taong makikitid ang utak. Mas pinong kumilos kumpara sa isang tipikal na lalaki si Keith Clark. Matalino itong magsalita pero nagbibiro rin sa press paminsan-minsan. Pero hindi naman sila naniniwalang magkakapatid na bakla nga ito kagaya ng pinapalabas ng ibang tao. Hindi maniniwala si Ate Sanya nito! "Bakit dito lang kayo nagde-date?" tanong pa ni Keith Clark. "Oh, oo nga pala. Wala nga palang romantic bones sa katawan si James." "Shut up," malamig na pakli ni Jared. "Ako ang nagyaya rito," nakangiting tugon naman ni Sonja habang nakatingin kay Jared. "Masarap kasi ang pagkain dito. Hindi ko alam na kumakain ka pala sa mga karendirya." "Minsan kasi naaabutan ako ng gutom sa biyahe. Kung saan may kainan, doon kami ni Mang Domeng. First time namin dito. Pero dahil sinabi mong masarap, babalik kami rito sa susunod," nakangiting paliwanag ni Keith Clark. "Galing kayo sa Malacañan?" manghang tanong pa niya. "Perfect attendance yata 'to." "Wow, sana lahat ng politiko kagaya n'yo." "Huwag. Ayokong maging kamukha nila ako." Natawa na naman siya. "HINDI na tayo nakapag-usap dahil kay Keith Clark," ani Jared habang pabalik na sila sa kotse nito. Magkahawak-kamay silang dalawa at sinadya nilang bagalan ang paglalakad. Pagkatapos kumain ni Keith at ni Mang Domeng ay nagmadali na ang mga ito na umalis dahil bibiyahe pa raw ang mga ito papuntang probinsiya. Marami kasing livelihood projects sa bawat rehiyon si Keith. He was elected as the number one senator by luck but he did not disappoint the people who trusted him. "I'm sorry. Naaliw akong makipag-usap sa kanya. Fan kaming magkakapatid ni Senator Escudero. Lalo na si Ate Sanya. Hindi ko alam na magkaibigan pala kayo. He's not gay, is he?" "He's not. Kilala ko siya. Our families were friends for generations." "That explains kung bakit sponsor ka ng mga project niya." "Well, nabibilang lang ang mga matitinong politiko sa bansa natin. Alam kong hindi sayang ang tulong namin sa kanya." "Nakakatuwa talaga," napabungisngis pang sabi niya. "Hindi ko makakalimutan ang gabing 'to." "Lumabas tayo ulit tulad nito. Siguro naman, hindi na tayo iistorbohin ni Keith." "Sige, payag ako." Nakaramdam ng lungkot si Sonja nang makarating na sila sa kotse nito. "Ingat ka. Good night, Red." "Good night, Sonja." Hinapit siya nito sa baywang at niyakap nang mahigpit. "I'll see you very soon." "At pwede ba, sabihan mo na 'ko sa susunod? Para makapaghanda naman ako ng maisusuot," biro niya. Sonja wrapped her arms around his waist. "You're beautiful without even trying, Sonja. Remember that." Sonja's heart swelled. "Baka maniwala ako, Red," napabungisngis na tugon niya. "Silly." Jared kissed her hair. "Pumasok ka na. Thank you. I had a great time." "Ako rin, Jared. Thank you." NAUPO si Sonja sa kama niya at agad na kinuha ang cellphone sa nightstand. Kagagaling lang niya sa banyo. Malalim na ang gabi at iniisip pa rin niya si Jared. Kanina pa siya mukhang timang habang nakangiti. Tinanong pa nga siya ni Sanya kung ayos lang ba siya. Nag-text siya kay Jared. Good night. J Itinabi uli niya ang cellpone at nahiga na. Pinilit niya ang sariling matulog kahit na ang totoo, wala na siyang ibang maisip kundi ang mukha nito. Napabalikwas siya nang mag-ring ang phone niya. Si Jared! Impit siyang napahagikhik nang makita ang pangalan nito. Hindi pa pala ito natutulog. "Hi," sabi nito. His voice sounded sleepy. Sonja bit her lower lip. Naistorbo pa yata niya ito. "Nagising yata kita. Sorry." "Actually, natutuwa ako na nagising ako sa text mo. Nakatulog ako habang nagtatrabaho." There was a hint of smile in his voice. "'Oy, magpahinga ka na." "I will." "Bakit mo pa 'ko tinawagan?" "Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog." Hindi niya napigilan ang mapabungisngis. "Oops. Sorry. Kinilig kasi ako." Jared chuckled. "Gusto ko lang sabihin na ang gwapo mo kanina." "What?" Halatang hindi nito inaasahan ang sinabi niya. "Gusto mo bang kantahan kita? Ha, gwapo?" "Sonja..." Jared laughed. "Just a touch of your love is enough to knock me off of my feet all week... Just a touch of your love, just a touch of your love..." "Sonja..." "Hmm?" "You're not making me fall asleep. You're turning me on." Natawa siya nang hindi oras. "Sorry. Sige na, hindi na kita iistorbohin. Good night!" Pinutol na niya ang tawag at nagpagulong-gulong sa kama niya. "ATE." "Hmm?" hindi tumitinging tugon ni Sanya habang abala sa listahan nito at sa pagbibilang sa mga display nilang paso. "Ano'ng gagawin mo sakaling makaharap mo si Senator Escudero?" "Tapos mo na ba 'yong pinapagawa ko sa'yo?" "Heto na nga." Hindi napigilang sumimangot ni Sonja. Nasa harap siya ng computer. Pinapa-track lang naman sa kanya ng kapatid niya ang mga delivery nila ng mga paso noong isang araw. Gusto nitong makasiguro na natanggap na ng mga customer nila ang mga hand-painted na paso. "Kung sakaling makakaharap ko si Senator Escudero..." Sanya sighed. "Mamahalin ko siya." Hindi napigilang mapabungisngis ni Sonja. "May nakakatawa ro'n?" pakli naman ng kapatid niya. "Wala. Naisip ko lang, kung si Senator Escudero lang ang ideal man para sa'yo, malamang na tatanda ka ngang dalaga." "Hindi pa ba? E, sa lahat ng gusto ko sa isang lalaki, nasa kanya na, e." "Suportahan kita diyan." "Wow, salamat. How sweet," pakli naman ng kapatid niya. "Oo nga." "Naniniwala naman ako sa'yo. Pero kailan mo nga ipapakilala sa akin ang Mr. Yap mo?" "Ay..." Napakamot siya sa kilay niya. Ang galing ng segué ng kapatid niya. "Heto na. Na-receive na lahat ng customers ang mga in-order nilang mga paso. Ang galing mo talaga, Ate." NAGBIBIHIS na si Sonja matapos maligo nang mag-ring ang cellphone niya. Na-excite siya sa pag-aakalang si Jared 'yon. Nagtaka lang siya nang makitang hindi naka-register ang number. Sinagot na rin niya iyon. Sayang naman. Baka raket din. "Hello? Sino 'to?" "Hi, Miss Sonja. This is Jamie." Namilog ang mga mata niya. Hindi niya inaasahang makakatanggap siya ng tawag galing dito. "Jamie, ikaw pala." She smiled. "Kumusta? Bakit ka napatawag?" "I got your number from Dad. Nandito ako sa school ngayon. Miss Sonja, can you do me a favor?" "Ano'ng pabor? Anything. Basta kaya ko." "Hindi pumasok si Daddy sa office niya ngayon dahil may sakit siya. Can you check on him if he's alright? Mag-isa lang siya sa condo at walang nag-aalaga sa kanya." Binundol ng pag-aalala ang dibdib niya. "A-ano'ng sakit niya?" "He said it's just flu." "Okay. Salamat sa pagsasabi, Jamie. Don't worry. Pupuntahan ko siya ngayon at aalagaan ko siya." "Thank you, Miss Sonja. I'm sorry for bothering you. But I'm just worried for him." "I know. And no problem," napangiting tugon ni Sonja. "Huwag ka nang mag-alala. Ako nang bahala sa kanya. Mag-aral kang mabuti." "I will!" masiglang tugon ni Jamie. INILIBOT ni Sonja ang tingin sa condo. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Jamie ay ipinagluto niya ng sopas si Jared para may makain ito. Ibinigay sa kanya ni Jamie ang passcode ng condo para makapasok siya. Napangiti siya nang makita itong nakahiga sa sofa. Tulog na tulog ito. Pumunta muna siya sa kusina para ihanda ang sopas. Marami ang niluto niya kaya meron pang natira para kina Jamie at Manang Nadia. Nakita pa niya ang gamot at tubig sa center table nang ilapag ni Sonja ang sopas. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Jared at pinagmasdan ang mukha nito. Dumukwang siya at dinampian ng magaang halik ang sulok ng mga labi nito. Jared opened his eyes and he looked surprise. "Sonja?" Napangiwi ito at nasapo ang ulo. "Hi. Kumusta ang pakiramdam mo?" magaan ang tonong tanong niya. "Tinawagan ako ni Jamie. Sabi niya, alagaan daw kita kasi may sakit ka." Dahan-dahan itong bumangon. "I'm surprised to have you here. Kaya lang baka naabala ka ng anak ko." "Wala naman akong raket ngayon, e. Saka nagpaalam naman ako kay Ate Sanya." "Mas mabuti na ngayon ang pakiramdam ko kumpara kanina. Ikaw ba ang nagluto niyan?" Nakatingin ito sa sopas. "I feel so special." Ngumiti pa ito. "May bayad 'yan," pilyang tugon naman niya. Kinapa niya ang noo at leeg nito. "Hindi ka na gano'n kainit." Nabawasan na rin ang pag-aalala niya rito. "Hindi ko alam na tatawagan ka ni Jamie." "Hindi ko rin inaasahan na tatawagan niya 'ko. Pero buti na lang, tinawagan niya 'ko. Kumain ka na, Red. Mahal na mahal ka ng anak mo." "I love Jamie, too. He's my life." Napaigtad si Sonja nang yakapin siya ni Jared sa likuran at isinubsob ang mukha nito sa balikat niya. Napakislot tuloy siya dahil sa pagkakiliti. "B-bakit?" natawang tanong niya sa kabila ng pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib. "You smell so good." Napahagikhik naman siya nang marahan nitong kagatin ang balikat niya. "Red," she groaned. "Hindi ako ang pagkain. Umayos ka diyan." Jared chuckled. "I'm just happy you're here," anito at umayos ng upo. Kinuha nito ang sopas at inamoy. Nagsimula na itong kumain. "You're one of the best cooks in the world, Miss Sta. Maria," komento nito nang tumingin sa kanya. Natawa naman si Sonja. Kitang-kita nga niya kung gaano ito kaganado habang kumakain. Tuwang-tuwa naman daw ang puso niya. "HINDI dapat ganito. I'm supposed to make love to you now that we're alone." "Ginusto mong magpasobra sa trabaho, 'di ba? Magtiis ka diyan," pakli naman ni Sonja. Hapon na. Ininit niya ang sopas para may makain si Jamie at Manang Nadia pag-uwi ng mga ito. "Sinesermunan mo ba 'ko sa lagay na 'yan?" "Uy, buti alam mo." "Nagugutom na naman ako." Niyakap siya ni Jared sa likuran. "Ginugulo mo 'ko, Red," pakli naman niya habang gumagawa ng egg sandwich. Buti na lang pala dinamihan niya ang luto. Ang daming nakain ni Jared kanina. "Sabihin mo lang kung pagod ka na, ha? Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo." Napatigil si Sonja sa ginagawa. "Bakit, Red?" "Baka kasi masanay ako." "Gusto kong ginagawa 'to para sa'yo at hindi ako basta napipilitan lang." She wished she could freely tell him how she felt. "Hayaan mo na lang ako, okay? I'll tell you when I'm tired and when I've had enough." Pinisil pa niya ang braso nito. "Ihahanda ko na ang sarili ko kung gano'n." Tumawa lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kung meron mang dapat maghanda ng sarili, siya yata iyon. "I'm home!" Pumasok si Jamie sa kusina at nadatnan sa ganoong ayos. "Hi, Jamie!" masayang bati ni Sonja rito. Hindi naman nag-abalang lumayo sa kanya si Jared. "My daddy is really lucky, huh." Nakatingin si Jamie sa mga pagkain sa mesa. Marahang siniko ni Sonja si Jared kaya pinakawalan siya nito. "Para naman sa'yo 'to, Jamie. Sakto lang ang dating mo. Upo ka na. Nasaan si Manang Nadia?" "Iniligpit niya 'yong mga gamit ko. Susunod na lang daw siya." Umupo si Jamie sa upuang nasa tabi ni Sonja. "This looks delicious. Thank you, Miss Sonja." Abot-tainga naman ang ngiti niya. "Walang ano man. Sana magustuhan mo." Ipinaghain pa niya ito. "Umupo ka na rin," sabi niya kay Jared. Hinalikan naman nito ang gilid ng noo niya bago umupo sa kabisera. "Mukhang magaling ka na nga, Dad," sabi pa ni Jamie. "Magaling ang tinawagan mong nag-alaga sa 'kin, e." Kinindatan siya ni Jared. Nag-make face naman si Sonja. "May bayad 'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD