VIII

2132 Words
CHAPTER EIGHT "KUMAIN ho muna kayo bago kayo umalis. Makapagpasalamat man lang kami sa inyo," magiliw na sabi ni Sanya sa dalawang tauhan ni Jared. Pagkatapos maihatid ang mga grocery sa opisina ay sinamahan naman ng kapatid niya ang mga ito sa coffee shop at pinaghanda ng merienda. "Maraming salamat po, Ma'am. Nag-abala pa kayo." Si Sonja naman ay parang tuod lang na pinapanood ang mga nangyayari sa harap niya. "Maiwan na po namin kayo. Halika na, Sonja, tulungan mo 'ko sa kusina." Napabuga ng hangin si Sonja habang nakasandal siya sa counter. Tinatanong niya ang sarili kung totoo bang nangyayari ang lahat. Na-realize niya na mukha siyang tanga sa lagay na iyon dahil nangyayari nga ang lahat at siya lang itong ayaw maniwala. Hinawakan uli siya ni Sanya sa braso at hinila. "Ate, hindi naman ako tatakbo, e," reklamo niya. "Gusto kitang hilahin, e. Bakit ba?" Nginiwian niya ito nang hindi ito nakatingin. "KWENTUHAN mo 'ko tungkol sa Mr. Yap na 'to, Sonja. Curious ako sa kanya. Siya iyong pinag-uusapan natin kani-kanina lang, 'di ba?" ani Sanya habang isa-isang inilalabas ang mga grocery item sa bag. "Ate, sigurado ka bang tatanggapin natin ang mga 'yan?" nag-aalangan ang mukhang tanong din ni Sonja. "Grasya 'to. Bakit hindi ko tatanggapin?" Sanya answered matter-of-factly. "Pribadong tao si Jared, Ate. Hindi ko siya boyfriend para i-chuchu sa'yo. Baka ano pa ang masabi ko." That was a lie, of course. Wala naman kasi siyang masyadong alam tungkol kay Jared, sa totoo lang. At hindi ito ganoon ka-willing para pagkatiwalaan siya. "I supposed he's not married." "Biyudo siya. At merong... gwapong anak na kamukhang-kamukha niya." Sonja smiled with thoughts of Jamie. "How old is he?" "Thirty-seven." "Huwow." "Hindi naman halata, e," pakli niya sa kapatid. "Sabi ko lang naman 'huwow'. So hindi mo pala siya boyfriend kundi sugar daddy." "Pwede ba?" angil niya. "Hindi siya gano'n. Desente siyang tao. At mag-uusap kami dahil dito." "Chill ka lang, Sister. Ang laki ng mase-save natin sa groceries dahil sa mga 'to. Talk to him and tell him 'thank you'. Pero bakit mukhang hindi ka masaya?" "Ilang araw na kaming hindi nagkikita at nag-uusap kaya hindi ko..." Iminuwestra niya ang mga ibinigay ni Jared. "Mag-uusap talaga kami." Bumuntong-hininga si Sonja. "Sigurado ka bang tatanggapin talaga natin 'yan, Ate? Paano kung hindi naman seryoso si Jared sa 'kin?" "Mukha namang hindi mamumulubi ang Jared na 'yon sa pagbigay ng ganito sa 'tin. Barya lang 'to sa kanya." "Aakyat lang ako sa taas," sabi naman niya. GUSTO kitang makausap. Tawagan mo ako kung hindi ka na busy. Nakasandal si Sonja sa headboard ng kamay niya nang i-send niya ang text na iyon kay Jared. Ano kaya ang iniisip ng lalaking iyon at pinadalhan siya ng groceries? Mukha bang ginugutom niya ang sarili niya? Naaawa ba ito sa kanya? Lumukso ang puso niya nang mag-ring ang cellphone niya at makita ang pangalan ni Jared. Ang bilis naman nitong nabasa ang text niya? Ibig sabihin ba n'on, hindi ito busy? Kinalma niya ang sarili at tumikhim-tikhim. "Hi, Sonja." Hindi alam ni Sonja kung guni-guni lang niya ang nahimigan niyang lambing sa boses ni Jared. Pero may kung anong kumalabit sa puso niya. "Nanggaling 'yong mga tauhan mo rito sa shop namin. Para saan 'yon, Jared? Hindi ko naman hiningi ang mga 'yon sa'yo, ah?" "Inaaway mo ba 'ko sa lagay na 'yan?" "Nagtatanong lang ako." "'Di ba sabi mo, pagod ka no'ng nakaraan at hindi ka pa kumakain? Baka pinapabayaan mo na ang sarili mo." Huminga siya nang malalim. Lumalambot na naman ang puso niya pagdating kay Jared. Dapat na yata niyang kutusan ang sarili. "Jared, hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Normal lang na mapagod ako at hindi kumain nang tama sa oras dahil meron akong importanteng ginagawa no'n. Alam ko kung paano alagaan ang sarili ko. Hindi mo na kailangang mag-alala para sa 'kin." "Sonja, don't mind it. It's nothing." "Alam ko," mahinang sabi niya. "Pero huwag mo na 'kong bigyan ng mga bagay na para sa'yo, wala lang. I'm not your charity, Jared." "You're not my charity, Sonja. In fact, I want to spoil you. Just ask me." "Baka mamihasa ako. Baka sa susunod, umasa ako na bigyan mo 'ko ng isang bagay na mahalaga galing sa'yo at hindi mo maibigay. I know my place. Pero may tendency akong maging marupok, Jared." "Sonja, are you being romantic?" She could only imagine Jared's furrowed brows on the other line. Iniikot naman niya ang mga mata. Manhid nga yata ito. "Just saying, Jared," pabuntong-hiningang tugon niya. "You can tell me what's going on." "I'm fine, Jared. Salamat sa pag-aalala. Gusto ko talagang magpasalamat sa'yo. Thank you rin sabi ni Ate Sanya. Huwag kang mag-alala. Hindi ko sinabing boyfriend kita. Huwag mo ring pabayaan ang sarili mo." "Tinatanong ni Jamie kung kailan ka uli mag-ii-sleep over sa condo." "Si Jamie ba talaga?" Hindi niya napigilang mapangiti. "Si Jamie saka ang daddy niya." Natawa nang mahina si Sonja. Kung alam lang sana ni Jared na makulong lang siya sa mainit nitong yakap, masaya na siya. "Red, alam mong gusto ko si Jamie," seryosong sabi niya. "Pero hindi na yata tayo nagiging magandang ehemplo sa kanya. Bata lang siya. Ayokong isipin niya na lahat ng babae, kagaya ko." "Ano'ng 'kagaya mo'?" takang tanong ni Jared. She rolled her eyeballss ceilingwards. "Na marupok." "Sonja... you are one of those few strong women I know. Jamie said you're cool." "Talaga?" parang batang tanong niya. "Bolero ka talaga, Mr. Yap." "Gustong-gusto na kitang makita." Hayan na naman siya, rumurupok na naman. "Alam kong sasabihin mo 'yan. Gusto na rin kitang makita, Red." "Malapit ko nang maayos ang mga dapat kong ayusin dito sa kompanya. I'll make it up to you, I promise." "Aasahan ko 'yan, Red," napangiting tugon ni Sonja. "Sige na, baka naiistorbo na kita. 'Bye, Red." "See you, soon, sexy." Nakagat pa niya ang ibabang labi dahil sa sinabi nito. Sinabihan ka lang ng sexy, nabuhay naman agad ang hasang mo, sita niya sa sarili. DINNER? Sumikdo ang puso ni Sonja nang mabasa ang text ni Jared. Nagliligpit na sila sa loob ng shop. Kaaalis lang ng huli nilang customer. Hindi niya napigilang mapangiti. Ano ang pinagsasasabi nito? Dinner? reply niya. Sa labas. Malapit lang sa inyo. Namilog ang mga mata niya. Sigurado ba ito? Agad niyang tinawagan ang number nito. "Nasaan ka?" tanong niya. "Nasa labas ng shop n'yo. Naka-park ang sasakyan ko. Lumabas ka naman, o." Nataranta ang sistema niya. "T-teka, ano'ng hitsura ko? Jared, naman. Sana nagsabi ka nang maaga. Hindi ako nakapaghanda." "What about your look? Wala naman akong pakialam kung ano ang suot mo, o kung may suot ka man o wala." "Ikaw..." Hindi napigilang maningkit ng mga mata ni Sonja. Natawa naman si Jared sa kabilang linya. "Please?" How could she turn him down with that tone? "Okay. Hintayin mo 'ko diyan, ha? Sandali lang 'to." Nagmamadali siyang pumasok sa opisina at hinubad ang apron niya. "Tapos ka na? Halika na, maghapunan na tayo," sabi sa kanya ni Sanya. "Mauna ka na, Ate. Kailangan ko pang lumabas. Babalik ako after one hour." "Ano?" Napangiwi si Sanya. "Late na nga makakauwi si Sannie, 'tapos pati ikaw, lalabas din?" "Patulan mo na kasi iyong pinapa-blind date sa'yo n'ong kaibigan mo para hindi ka na mag-isa." Dumeretso siya sa CR at tiningnan ang hitsura. Bahala na. Kaysa naman mainip sa paghihintay sa kanya si Jared. Wala itong maraming oras ngayong gabi. "'Di bale na lang," narinig niyang tugon ni Sanya sa labas. PAGLABAS pa lang ni Sonja sa shop ay agad niyang nakita ang sasakyan ni Jared sa pinakadulo ng maliit na parking space. Kumabog ang dibdib niya at pigil ang ngiti habang papalapit dito. Bumukas ang pinto ng sasakyan at nakita niyang bumaba mula sa driver seat si Jared. Napuno ng excitement ang dibdib niya. Lalo niyang binilisan ang paghakbang. "H-hi..." she said breathlessly. Yumakap siya sa baywang ni Jared. Hinawakan naman nito ang kanyang mukha at mariin siyang hinalikan sa noo. Napapikit na lang si Sonja sa nakakakiliting sensasyon na sumakop sa buong sistema niya. Hindi siya makapaniwalang pwede pala niyang ma-miss ang isang tao nang ganoon. Ano ba ang pinaggagawa ni Sonja noong mas bata pa siya at hindi siya nagkagusto sa ibang lalaki kagaya ng pagkagusto niya kay Jared? "You look different," sabi nito. Nakaramdam naman siya ng pagkailang. Nakasuot lang kasi ng puting collared shirt at pantalon. "Ito kasi ang uniform sa shop namin. Pasensiya ka na kung—" Maagap na sinakop ng mga labi ni Jared ang mga labi niya kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin. "HALIKA, dito tayo," excited na sabi ni Sonja habang hinihila si Jared papunta sa karendirya na katabi lang ng shop nila. "Are you sure you don't want to go somewhere else?" tanong naman sa kanya nito. Nilingon niya ito. Jared looked reluctant. "Magugustuhan mo rito. Masarap ang mga pagkain nila. Kapag tinatamad kaming magluto, dito kami kumakain na magkakapatid." "Okay. If you say so." Napangiti na rin ito. "Dito tayo!" Pinaupo niya si Jared sa mesa na nasa labas ng karendirya. "Ano'ng gusto mong kainin?" "I don't know. Ikaw na ang bahala," sagot nito habang pinagmamasdan ang mga ibang customer na kumakain. Maswerte sila na wala masyadong tao nang mga oras na iyon. "Sige. Ako nang bahala. Dito ka lang, ha." Excited na pumasok sa loob si Sonja. "MUKHANG masarap," manghang komento ni Jared nang makabalik na siya sa mesa nila. "I'm sorry. I should have helped you." "Huwag mo nang isipin 'yon. Isipin mo na lang, guest kita. Libre ko na 'to, ha?" Kinindatan pa niya ito. He looked surprised and then smiled like a boy. "Hindi ako sanay na ganito. Hindi ko hinahayaang magbayad ang babae para sa 'kin. I'm supposed to be the gentleman here." "You were ungentle at times. But did I mind it?" makahulugang tanong ni Sonja. Napamaang si Jared pero sandaling-sandali lang iyon. Then he groaned and shifted on his seat. "Alam mo ba kung nasaan tayo, Sonja?" "Nandito," pigil ang ngising tugon naman niya. "Kain na tayo. Tikman mo 'yan." Iniisod niya ang pinggang merong lumpia. Parang batang sinundan niya ang bawat galaw ni Jared nang kinain nito ang lumpia. At nang ngumiti ito ay napangiti na rin siya. "Masarap. Kailan mo naman ako ipagluluto nito?" Kamuntikan na siyang mapahagikhik dahil sa sinabi nito. "G-gusto mo ba?" nautal na tanong niya. "W-walang kaso sa 'kin." "Okay lang sa'yo? Hindi ba nakakaabala?" "Kung gusto rin ni Jamie." "He would love that," he said. "Kumain ka na rin, Sonja. Hindi ako makakakain nang maayos kung tititigan mo lang ako nang ganyan." Napakurap-kurap siya. "H-halata pala ako." Napakamot siya ng kilay niya. "Sorry." Jared chuckled. Nilagyan din nito ng lumpia ang pinggan niya. "Here." "S-salamat." Nagsimula na rin siyang kumain. Ano ba ito? Hindi siya makanguya nang maayos dahil sa kilig. "JAMES, James, James. My good friend, James..." Kitang-kita ni Sonja ang pagsimangot ni Jared nang tawagin ito ng isang pamilyar na lalaking lumapit sa kanila. Nakasampay sa balikat ng lalaki ang coat nito. He wore a white long-sleeved shirt. Kagalang-galang ang ayos nito pero mukha namang pilyo dahil na rin sa pagkakangisi nito. Sonja knew this handsome face was very familiar. May hindi katangkarang lalaki na nakasunod sa likuran nito na sa hula ni Sonja ay driver nito. Sino nga ba ito? "Of all places, dito pa talaga kita makikita. So you know how to date, after all." "What are you doing here, Keith Clark?" malamig na tugon ni Jared. Namilog ang mga mata ni Sonja nang mapatitig sa lalaking tinawag na 'Keith Clark' ni Jared. Kaya naman pala! "Senator Escudero," anas niya. "Yes, the most handsome senator in the history of the Republic of the Philippines," mayabang na sabi nito at iniabot ang kamay sa kanya. "You are?" "Sonja Sta. Maria, Senator." Nakangiting tinanggap niya ang kamay nito. His hand felt rough. What could that mean except that he was such a hardworking person and public official? Hindi sayang ang boto nilang magkakapatid dito. "You're beautiful." Pinisil pa ni Keith Clark ang palad niya bago pinakawalan. "It's an honor to meet you." Nakita naman niya ang pagdilim ng anyo ni Jared habang nakatingin sa 'kaibigan'. "A-ako rin po, Senator," nahihiyang tugon niya. "Just call me 'KC'. Maganda ka naman, e." Natawa naman si Sonja. "Most handsome?" Jared smirked. "You're a copycat of your father, aren't you?" Hindi lingid sa kaalaman ni Sonja na kilala ang angkan ng mga Escudero sa politika at naging senador din ang tatay ni Keith Clark. "Patatawarin kita, James, dahil kaibigan kita." Naupo ito sa bakanteng upuan sa kaliwa ni Sonja. Naglabas ito ng wallet at inabutan ng pera ang lalaking kasama nito. "Dating gawi, Mang Domeng." "Areglado, Bossing!" tugon naman ni Mang Domeng at pumasok na sa loob ng karendirya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD