X

1964 Words
CHAPTER TEN "RED? Pwede mo ba 'kong tulungan? Alam ko medyo malaking pabor 'to pero kasi..." Mula sa panonood kina Jamie at Manang Nadia na pumili ng ice cream sa freezer ay nalipat ang tingin ni Jared sa kanya. Gusto siyang ihatid ni Jared pauwi pero tumanggi siya. Kagagaling lang nito mula sa sakit. Baka mapagod lang ito. Niyaya na rin nito sina Jamie na mag-ice cream. Tuwang-tuwa naman ang bata. "Malaki o maliit, kung kaya ko, gagawin ko. Para sa'yo." He smiled at her. "Ano ba 'yon?" "E kasi..." Napalabi pa si Sonja. "Pwede mo ba 'kong tulungang i-set up sa isang blind date sina Senator Escudero at ang Ate Sanya ko?" Hinintay niya ang magiging reaksiyon ni Jared. Ilang sandali lang na nakatingin ito sa kanya hanggang sa sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Are you sure about that?" "Mukhang imposible ba?" tanong din niya. Well, at least, sinubukan niya. Napakamot si Sonja sa kilay niya. "Alam ko naman na abalang tao si Senator. Okay lang naman. Naiintindihan ko kung—" "Iyon lang?" putol nito. "U-uhm, oo." "Ako ang bahala." Namilog ang mga mata niya. "Ibig sabihin, tutulungan mo 'ko?" "Of course." Pinisil ni Jared ang baba niya. "Totoo?" paninigurado pa niya. "Oo nga," natawang sagot naman nito. Napatakip si Sonja sa bibig niya at impit na tumili. "Thank you!" Niyakap pa niya ito. "Kakausapin ko agad si Keith Clark. Hindi ako matatanggihan n'on." Hinagod nito ang likod niya. "Are you happy?" "Oo naman," napahagikhik na tugon niya. Hindi pa siya nakontento at hinalikan pa niya si Jared sa pisngi. "ATE, busy ka next week?" tanong ni Sonja sa kapatid na busy sa paghahanda ng hapunan nila. Tinamad na raw magluto ang kapatid niya kaya bumili na lang ito ng ulam sa labas. "Oo. Nakalimutan mo na ba? Isang linggo tayong sarado next week. Papalitan ko ang painting sa dingding ng coffee shop. Ano ba ang magandang concept?" Medyo matrabaho nga iyon. Hindi pwedeng haggard ang kapatid niya kapag hinarap na nito si Keith Clark. "Iyong madali lang. Iyong hindi maii-stress ang beauty mo," sabi naman niya. "Iyong mga character sa We Bare Bears kaya? Hindi lang naman mga bata ang nanonood n'on, e." Napangisi si Sanya. Favorite lang naman ng magaling niyang kapatid ang cartoon series na iyon. Pati sila ni Sannie ay nagandahan na rin. Stress-reliever iyon ng kapatid niya kapag pagod ito sa pagpipinta. "Matagal ko nang gustong gawin 'yon, e. Mukhang magandang idea nga 'yan. Salamat. Maaasahan ka rin pala." "Huwag mong kalimutan si Isaac, ha," sabi naman ni Sonja. Si Isaac ang human counterpart ng isa sa mga bida na si Ice Bear. "Oo naman. Umupo ka na diyan. Kakain na tayo." "Ate, open ka namang makipag-blind date, 'di ba?" tanong pa niya. Gayon na lamang ang pagsasalubong ng mga kilay ni Sanya. "Ano'ng tingin mo sa 'kin?" "Blind date lang naman." "Sa panahon ngayon, I don't think safe makipag-blind date." "Ise-set kita ng blind date." "Ano'ng sabi mo?" nanlaki ang mga matang tanong ng kapatid. "Kasasabi ko lang na hindi safe ang tingin ko sa mga ganyan." "Problema ba 'yon? E di... sa coffee shop kayo mag-blind date. Ang makaka-date mo ang papuntahin natin dito. Gusto mo, mag-chaperone pa ako. Basta ako ang bahala." "Baliw!" "Ate, sa maniwala ka at sa hindi, ginagawan kita ng pabor," Sonja said matter-of-factly. "At sino naman ang ipapa-blind date mo sa 'kin? Aber?" nakataas ang kilay na tanong ni Sanya. "E di hindi na blind date 'yon kung kilala mo na ang makaka-date mo." "Ipapahamak mo pa 'ko, e." "Gagawin ko ba naman 'yon sa'yo?" "Malay ko ba?" Naupo na si Sanya. "Wala ka bang tiwala sa taste ko, Ate?" "'Yong totoo?" Tinitigan siya ni Sanya. "Meron naman kahit papaano." Napangisi si Sonja. "So pumapayag ka na? Dito lang sa shop. Ako nang bahala sa lahat. Merong tutulong sa 'kin. 'Oo' mo na lang ang kulang." Iniikot ni Sanya ang mga mata. "Kausapin mo na lang ulit ako bukas. Baka mas malinaw na ang isip ko. Ang dami kong ginawa ngayong araw na 'to 'tapos iniwan mo 'ko sa ere." "May emergency nga ako kanina, 'di ba? Babawi ako sa'yo rito, Ate. Promise." "Ewan ko sa'yo." "SONJA, pwede ka raw bang makausap ng isang customer?" ani Amanda nang salubungin nito si Sonja pagkababa niya ng stage. Iyon na ang huling kanta niya sa gabing iyon kaya wala na sana siyang balak magtagal sa hotel. "Sino, Ate? Alam mo namang hindi ako nagpapa-table, 'di ba?" alanganin ang ngiting tugon ni Sonja. "Alam ko. Kaya nga nagbabaka-sakali akong magagawan mo 'ko ng pabor? Personal kong kakilala si Eugene at desente siyang tao. Gusto lang niyang makipagkilala. Please?" Pinisil pa nito ang braso niya. Ilang sandali ring napatitig si Sonja sa mukha ni Amanda. Nakatatandang kapatid na ang turing nilang lahat dito at tiwala naman siya rito. Alanganin man ay ngumiti na rin siya. "S-sige. Pero sandali lang, Ate, ha? Kailangan ko pang umuwi, e." Parang nakahinga nang maluwag si Amanda dahil na rin sa luwang ng mga ngiti nito. "I promise. Sinabi ko naman na kay Eugene na hindi ka pwedeng magtagal. Halika, nandito siya." Napakamot na lang si Sonja sa kilay niya nang hilahin na siya ni Amanda. "EUGENE," nakangiting tawag ni Amanda sa lalaking mag-isang nakaupo sa table nito. Tumayo naman ito. The man looked like he was in his midforties. Hindi gano'n katangkaran at sakto lang ang pangangatawan. May hitsura rin ito, mukhang matalino, at desente gaya ng sabi ni Amanda. "Heto na si Sonja. Please be nice to her. Isa 'to sa mga pinakamagaling na singer namin." "Napansin ko nga," tugon ni Eugene pero kay Sonja naman ito nakatingin. Nang ngitian siya nito ay isang tipid na ngiti at tango naman ang tugon niya. "Hi, Sonja. I'm Eugene dela Merced." Iniabot nito ang palad sa kanya. Tinanggap naman iyon ni Sonja pero agad din niyang binitiwan. Naaasiwa siya sa paraan ng pagtingin ni Eugene sa kanya. "H-hello." "Pediatrician si Eugene at kalilipat lang niya ng ospital. Kakilala rin siya ni Armand at ilang beses na rin siyang nakapunta rito sa hotel," pagkukwento pa ni Amanda. "Maiwan ko muna kayo, ha. Si Eugene na ang bahalang magkwento ng iba pang bagay tungkol sa kanya." "Amanda, thank you so much for this favor," sabi naman ni Eugene. Amanda laughed. "You take care of Sonja, Eugene." Iniwan na rin sila nito. Napabuga ng hangin si Sonja habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Amanda. "Have a seat." Ipinaghila pa siya ng upuan ni Eugene. "H-hindi na—salamat." Naupo na rin si Sonja. "Huwag kang matakot sa 'kin, ha? Gusto ko lang talagang makipagkilala. Sa nabanggit na ni Amanda, ako nga pala si Eugene." "P-pediatrician ka pala." "Oo. Mahilig ako sa mga bata. Masarap silang alagaan," nakangiting tugon nito. "I'm forty-five years old. Ikaw, ilang taon ka na?" "Twenty-five." Napabuga ng hangin si Sonja. Bakit parang lapitin yata siya ng mga may-edad na lalaki? Dahil ba 'yon sa pagkanta niya habang nagluluto noong bata-bata pa siya? Hindi naman siguro. Hindi naman ako naniniwala ro'n, e. "Wow, very young," napatango-tangong anito. "May boyfriend ka na ba?" "U-uhm..." "Sa ganda mong 'yan, imposibleng wala." Alanganin siyang tumawa. "Parang gano'n na nga. Ikaw, may asawa ka na, 'no? Imposibleng wala." "Separated ako. My marriage was anulled five years ago. Iniwan ako ng asawa ko kasi hindi kami magkaanak." "Pwede naman kayong mag-ampon, 'di ba?" "Nabuntis siya ng katrabaho niya." Napamaang siya. Hindi niya alam kung ano ang ire-react doon. Bakit pa kasi niya sinabi iyon? "I-I'm sorry to hear that." "No, no, no, it's okay," nakangiting sabi naman ni Eugene. "I hope I don't make you uncomfortable. Gusto ko lang talagang makipagkaibigan." "Ganyan ka ba kapag nakakakita ng maganda? Kinakaibigan mo agad?" Saglit lang na natigilan si Eugene at natawa rin. Hindi yata nito inaasahan ang joke niya. Nakuha na ring matawa ni Sonja kahit bahagya lang. Mukhang wala nga sa hitsura ni Eugene na nambabastos ng babae. "Masyado pala akong obvious." He scratched his head jokingly. "Alam ko ring sasabihin mo na maganda ako kaya inunahan na kita." "Can I offer you a drink?" natatawa pa ring tanong nito. "Hindi na. Salamat na lang. Hindi na rin ako magtatagal dito kasi marami pa kaming gagawin bukas. I'm sorry, Eugene. I have to go." Nang tumayo siya ay napatayo na rin ito. "Pwede ba kitang ihatid?" alok nito. "No," maagap na tugon niya. "Kaya ko ang sarili ko. Salamat na lang. Please enjoy the rest of the night." "Pwede ba uli kitang mapanood dito kapag nag-perform ka?" Ang kulit din ng isang ito. Napahilot na lang si Sonja sa noo niya. "W-wala namang problema. Siguradong matutuwa ang may-ari nitong hotel," pilit ang ngiting tugon niya. "It was nice meeting you." "Same here, Sonja," maluwang ang ngiting tugon ni Eugene. "Ingat ka. See you next time." Tinanguan lang niya ito at nagmamadaling umalis na. "ATE, tama na 'yan. May date ka mamayang gabi. Dapat nagbu-beauty rest ka na." Napamaywang na lang si Sonja habang pinapanood ang kapatid. "Patapos na nga ako, 'di ba? Kaunti na lang 'tong tatapusin ko sa palakol ni Yana," sagot naman ng kapatid niya. Ang hirap din talagang awatin nitong kapatid niya basta pagpipinta na ang usapan. Sa loob lang ng halos isang linggo ay nabago nito ang hitsura ng coffee shop nila. Mula sa Pixie Hallow ay naging We Bare Bears-themed na. "Ang cute," hindi napigilang komento niya. "Sonja... sino ba kasi 'yong ipapa-date mo sa 'kin? Talaga bang hindi ako mapapahamak sa binabalak mo?" Hinarap siya ni Sanya at puno ng alinlangan ang mukha nito. Lumabas din ang totoo. Nag-ii-stress-painting ang kapatid niya dahil nag-aalala ito sa mangyayaring date nito mamayang gabi! "Ate, hindi mo kailangang mag-alala. Sagot kita. Kung kailangan mo ng back up, isang tawag lang ako. Ginagawa ko 'to para sa love life mo." Napalatak si Sanya at iningusan pa siya. "Wala akong planong ma-in love hangga't hindi pa ako tapos sa kahibangan ko kay Keith Clark. Huwag kang masyadong umasa riyan." Napangisi si Sonja na parang timang at mayamaya pa ay humagikhik na parang timang din. "Okay ka lang?" nawiwerduhang tanong ni Sanya. "Kapag na-meet mo na 'tong ka-date mo, makakalimutan mo na si Senador Escudero." "Asa ka pa." Malakas itong bumuntong-hininga. "Naii-stress talaga ako. Bakit pa kasi pumayag sa gusto mo, e. Mababaliw ako dahil sa'yo!" "Ay, huwag gano'n. Importante ang first impression, Ate. Pwede mo namang tanggihan nang maayos ang ka-date mo kung sakaling hindi mo siya magustuhan. In a nice way, of course. Halika na, tantanan mo na 'yan at mag-beauty rest ka na. Ay, hindi. Nagluto pala ako. Kumain ka muna." "IS YOUR sister ready?" tanong ni Jared sa kabilang linya. "Heto, hindi pa bumababa. Ninenerbiyos pa rin. Hindi kaya hinimatay na 'yon?" natawang sagot naman ni Sonja. Pinagtulungan nila ni Sannie na i-set up ang mesa sa gitna ng coffee shop kung saan magdi-dinner sina Sanya at Keith Clark. Nag-alok din ng tulong si Jared pero tinanggihan ni Sonja. Hindi naman ganoon kahirap gawin iyon. Ang mapapayag pa lang si Keith Clark ay malaking bagay na. Kayang-kaya na nila ni Sannie ang paghahanda pati na rin ang pagluluto. Basta siguraduhin lang ng Keith Clark na iyon na sisiputin nito ang kapatid niya. "Nakausap ko kanina si Keith. Papunta na raw siya." Lalong nadagdagan ang excitement ni Sonja. "Nice. Hindi na ako makapaghintay na magkaharap sila. Ikaw, hindi ka ba pupunta?" "Gusto mo 'kong pumunta?" he teased. Basta na lang natawa si Sonja. Inaakit ba siya ni Jared sa lagay na 'yon o nasobrahan lang siya sa pagiging marupok? "Huwag mong pilitin kung busy ka. Basta sisiguraduhin naming magiging successful ang date ng Ate namin. Thank you ulit, Red. The best ka talaga." "I'm glad I made you happy, Sonja."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD