XI.

2009 Words
CHAPTER ELEVEN "GANDA!" eksaheradang anas ni Sannie nang sa wakas ay pumasok na rin ang dalawa ng coffee shop. Si Sannie kasi ang nag-make up dito. "Ano'ng say mo, Ate?" Nakasuot ng kulay-skintone dress si Sanya na sleeveless. Nagko-compliment iyon sa kulay ng balat nito. Hanggang itaas iyon ng tuhod na pinaresan nito ng kulay-beige na wedge sandals. Sabi kasi ni Sannie, iyon ang uso. "Mukha kang caramel, Ate," komento ni Sonja. "Baliw," pakli naman ni Sanya. Napakasimple lang din ng make up nito. Litaw na litaw ang ganda ng kapatid nila. Sino ang mag-aakala na treinta na ito? "Kabog ka diyan. Kapag hindi pa na-in love si Sen-iyong ka-date mo sa'yo 'pag nakita ka niya, ewan ko na lang." Muntik na 'ko ro'n, a. "Huwag kang kabahan, Ate," sabi pa ni Sannie. "Hindi na nga. Okay na 'ko," sagot naman ni Sanya. Napalingon si Sonja sa labas ng coffee shop nang makita ang pagpasok sa parking area ng isang sasakyan. She giggled in excitement. He's here. "He's here." Impit na tumili si Sannie habang si Sanya naman ay napangiwi. "Susunduin ko lang, ha?" Nagmamadaling lumabas ng shop si Sonja. Huminto ang kotse at nakita niyang lumabas mula sa passenger seat si Keith Clark. Napakagwapo nitong tingnan sa suot na cotton long sleeves na dirty-green at itim na pantalon at puting rubber shoes. May kung ano itong kinuha sa backseat at paglapit nito ay may dala na itong malaking bouquet ng white and pink roses. Hindi naman mukhang napipilitan lang si Keith Clark sa date na 'to, she thought. "Senator, good evening," nakangiting bati niya at nakipagkamay rito. "Sonja, what's up?" magiliw na tugon naman nito. Napakasimpatiko nito ngayong gabi at hindi rin mukhang nasa mid-thirties na. "Hindi na 'ko makapaghintay sa date nating dalawa." "Hindi tayo ang magde-date." "Ay, oo nga pala. Sayang naman." "Not really," natawang pakli niya. "You will like my sister. Medyo weird siyang klase ng babae pero..." She made a face. "Siya ang the best na ate sa mundo." "Oh. I find weird girls really, really sexy." Naningkit pa ang mga mata ni Keith Clark habang nakangisi. "Halika na, Senator-wait." Itinaas niya ang kamay nitong may hawak na bouquet para matakpan ang mukha nito. "Para sa surprise factor. Nice. Ang galing." "O... kay." "NANDITO na siya!" masiglang anunsiyo ni Sonja. Hinawakan muna niya ang pinto para tuluyang makapasok si Keith Clark. "Hala siya," impit na tili ni Sannie. Pigil ang ngiting siniko naman ni Sanya ang isa. Sinenyasan naman ni Sonja si Keith Clark na ibaba na ang bouquet. "Siya ba ang makaka-date ko?" tanong nito. Kita ni Sonja ang pagsinghap ni Sannie at ang pagtakip nito sa bibig nito dahil sa pagkabigla. Malawak ang ngiti ni Keith pero si Sanya ay parang naestatwa nang tuluyan. Hindi nito inalis ang tingin kay Keith Clark o mas tamang sabihing hindi lang talaga ito nakakurap. Nilapitan naman ni Sonja si Sannie at hinila sa braso. "Please get to know each other for a while. Babalik kami after fifteen minutes. Maghahanda lang kami ng food. Kaya n'yo na 'yan." "Ate, si Senator Escudero..." hirit ni Sannie. "Alam ko. At gutom na sila." Mariin niyang pinisil ang braso ng kapatid. Napa-'aray' naman ito. "Halika na, Bunsoy." "ATE, hindi ba tayo pwedeng lumapit pa sa kanila para marinig naman natin ang pinag-uusapan nila?" tanong ni Sannie habang nakasilip sila ni Sonja sa shelf ng mga libro. Kumakain na ang dalawa at may masayang pinagkukwentuhan ang mga ito. Napansin pa nga nila na itinuturo ni Keith Clark ang mga painting sa mga dingding. Malamang ay naikwento na ni Sanya na nagpipinta ito. And he looked impressed. A satisfied smile curved her lips. Kaya mo 'yan, Ate... "Dito na lang tayo. Mailang pa si Ate, e. Kumuha ka lang ng picture diyan. Remembrance din 'yon." "Paano mo napapayag ang isang Keith Clark para makipag-blind date, Ate?" "Ganda lang ang puhunan ko diyan, 'no," mayabang na sagot ni Sonja. "Ate, hanapan mo rin akong ka-blind date." Pinaningkitan niya ito. "Mag-picture ka na nga riyan," pakli niya. Napanguso naman si Sannie bago sumilip at itinutok ang cellphone sa dalawa. "Pwede ko ba 'tong i-post sa social media?" "Gawin mo 'yan at tutuktukan kita. Ayokong maudlot ang love life ni Ate Sanya kapag kumalat ang pictures nila. Para lang 'yan sa mga mata niya." "I-set up mo rin ako ng blind date kasi." "Kapag treinta ka na." "Aray ko." "SO HOW did it go?" tanong ni Jared. "Nakakatuwa," napabungisngis na sagot naman ni Sonja. Papatulog na siya nang tumawag ito. Late na rin kasing umalis si Keith Clark dahil napasarap ang kwentuhan nito at ni Sanya. "Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move on si Ate Sanya. Salamat ulit, ha? Hindi ko na maalala kung kailan ko huling nakitang kiligin nang gano'n ang kapatid ko. It was successful, Red. Sabi ni Keith, parang siya pa raw ang ginawan mo ng pabor. He likes my sister's personality. Tingin mo, masusundan pa ang date nilang 'yon?" "I am sure about that. Kilala ko si Keith. Hindi naman n'on ugaling magpaiyak ng babae." "Gaya mo?" "Gaya ko." Then there was silence. "Ang akala ko kanina, susunod ka," pag-iiba niya. "Alam kong busy ka kanina. Ayokong mahati ang atensiyon mo. Kaya ngayon na lang ako pumunta." "Ha?" Napabalikwas si Sonja. "Nasa'n ka?" "Nasa labas." "Seryoso ka ba, Jared?" "Gusto kitang makita kahit sandali lang, kung papayag ka." "Grabe ka!" bulalas niya. Bumaba siya ng kama at lumabas ng kwarto niya. Mula sa front door ay nakita niya si Jared na nakatayo sa labas ng kotse nito. Napangiti na lang siya. Madidismaya na sana siya dahil akala niya ay hindi na ito pupunta. "Hi," nakangiting salubong ni Jared sa kanya. "Hindi mo 'ko matiis, 'no?" tukso niya at hinawakan ang kamay nito. "Let's go." "What? Where?" He looked puzzled. "Sonja, we don't have much time." "Alam ko. Kaya nga halika na. Huwag na tayong magsayang ng oras." Kinindatan niya si Jared. Napamaang naman ito. Hinila na ito ni Sonja pabalik sa direksiyon ng bahay nila. BINUKSAN ni Sonja ang pinto sa kwartong nasa likod ng hagdan. Workshop iyon ng Ate Sanya niya at ginagamit lang nito iyon kung gusto nitong ilaan ang buong oras sa pagpipinta. Kinapa niya ng switch ng ilaw at nagliwanag ang maliit na silid. May ilang paso ang naroon at merong isang work-in-progress pa. Ini-lock niya iyon mula sa loob. Hinarap niya si Jared at makahulugang tiningnan. He stared at her in fascination and wonder. Dumoble ang kabog ng dibdib niya. "Huwag mo lang akong bastang titigan," aniya rito. Walang salitang pinangko siya ni Jared at dinala sa maliit na kama na nandoon. Nang maihiga siya nito ay pinaimbabawan siya nito at sinimulang angkinin ang mga labi niya. Ipinikit niya ang mga mata at kumapit sa mga braso nitong nasa magkabilang gilid niya. Buong puso niyang tinugon ang mga halik nito. Nagsimulang gumapang ang pamilyar na init sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Hinawakan ni Jared ang laylayan ng kanyang mahabang pantulog at saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi. Itinaas ni Sonja ang kanyang mga braso sa kanyang uluhan upang hindi mahirapan si Jared na hubarin iyon. And when she was half-naked, Jared ravished her mouth once more and started to remove her underwear, his fingers tickling her sensitive skin in the process. Napasinghap na napaigtad si Sonja. Nag-init ang kanyang mukha nang maramdaman ang pagdaloy ng mainit na katas sa pagitan ng kanyang mga hita. That's how much she wanted him. Just a touch and she would easily melt in his arms. Sunod na inalis ni Jared ang mga saplot nito sa katawan. And when they were fully naked, Jared sat on the side of the bed. "Come here," he told her in a husky voice. Agad na bumangon si Sonja sa kama. Pinatalikod siya ni Jared at ipinuwesto sa pagitan ng mga hita nito. Nakagat ni Sonja ang ibabang labi nang makita ang kahandaan nito. She grabbed him and he pulsed against her touch. Inalalayan ni Jared ang baywang niya habang inaalalayan naman niya ang p*********i nito sa pagitan ng kanyang mga hita. Sonja moaned and called out his name when they were finally one. Sumandal siya rito. Tumingala siya at sinalubong siya ng mainit at mapusok na halik ni Jared. That felt heaven already. He grabbed her breasts in his hands and kneaded them skillfully while rocking his hips slowly. Sunod-sunod ang pagkawala ng impit na ungol sa lalamunan ni Sonja. It felt like the first time. Or maybe because she was in love with him that's why making love with him always felt like it. NAPAKISLOT si Jared nang dampian niya ng mumunting halik ang mukha nito. Nakatulog sila pagkatapos nilang magniig at naunang magising si Sonja. Hindi niya alam kung anong oras na. Ang alam lang niya ay malilintikan siya kapag inabutan sila doon ng umaga. "What are you doing?" tanong nito. "Ginigising ka," sagot naman niya. Sonja cupped his face and sofly kissed the scarred part of his face. Jared stiffened but only for a couple of seconds. "Effective naman, 'di ba?" "f**k," he groaned. "Nakatulog ako." Tumagilid si Sonja at umunan sa isang palad niya. "Ang himbing nga, e." Natawa pa siya. "You naughty thing." Bumangon si Jared at dinampot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Inihapit naman ni Sonja ang kumot sa katawan niya dahil malamig. Pinanood niya itong magbihis, silently praising every blessed part of his gorgeous body. "Magbihis ka na." Hawak ni Jared ang damit niya. "Hmm..." Napaunat siya. "Okay." She extended her hand lazily. "Akin na po." "Bumangon ka riyan, Miss. Hurry up." Ano ba ang problema nito? Iaabot lang naman nito ang damit sa kanya, ah. Pero napilitan na rin siyang bumangon. Nagulat pa siya nang isuot ni Jared sa kanya ang pantulog niya. "Ano'ng ginagawa mo, Jared?" "What do you think?" Naguguluhan man ay isinuot na rin ni Sonja ang mga kamay sa butas ng manggas ng pantulog niya. What the heck. Binihisan ba siya nito? "Your underwear." Namilog ang mga matang inagaw ni Sonja ang panty niya sa kamay nito. "Okay na. Kaya ko na." Nag-init ang mukhang itinago niya sa iyon sa likuran niya. Tinawanan naman siya nito. "Nasabi ko na bang cute ka?" he teased. Kinuha ni Jared ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito. "Damn. It's almost five." "Magigising na mamaya si Ate Sanya. Kailangan mo nang umalis," natarantang sabi naman niya. "Okay, okay." Binuksan ni Sonja ang pinto at sumilip sa sala. Tahimik pa ang paligid. Hinila niya si Jared sa braso hanggang sa pinto. "Hindi na kita ihahatid sa kotse mo, ha." "Hindi rin naman kita papayagan." Hinawakan ni Jared ang likod ng kanyang ulo at mariin siyang hinalikan sa noo. "Good morning." "Good morning," napangiting tugon niya. "Tatawagan kita kapag nakauwi na 'ko. Hmm?" "Ingat ka." Niyakap pa ito ni Sonja. "Matulog ka ulit." Napasinghap pa si Sonja nang pisilin nito ang pang-upo niya. "Red!" she hissed. "What?" patay-malisya nitong tanong. NANG makaalis na si Jared ay kinuha ni Sonja ang bedsheet at kumot ng kama sa workshop ni Sanya at dinala sa taas. Kumuha siya ng panibago sa cabinet at bumaba uli para palitan iyon. Sana hindi mapansin ng kapatid niya na meron siyang ginawang milagro. "Phew." Isinara na niya ang pinto ng workshop paglabas niya. "Sonja." Malakas na napasinghap si Sonja nang makita si Sanya na nasa paanan ng hagdan. "A-Ate!" gulat na anas niya. Mas maaga itong nagising kaysa sa inaasahan niya! "Sa workshop ka ba galing? Ano'ng ginawa mo diyan?" "H-ha? Ah..." Wala sa loob na itinuro niya ang workshop. "'Kala ko kasi nandito ka na, nagtatrabaho. Itatanong ko lang sana kung kumusta ang tulog mo?" Ngumiti siya. "Nakatulog ka ba?" "Hindi nga masyado, e." Pero mukhang tuwang-tuwa pa ang kapatid niya sa lagay na 'yon. "Tingnan mo ang eyebags ko. Pwede nang ipakilo." Oo nga, medyo nangingitim nga ang ilalim ng mata ng kapatid niya. Natawa naman siya. "Wala pa namang isang kilo. Keri lang naman." "Halika na, magkape tayo." "Magpapalit lang ako ng damit." At magsusuot ng underwear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD