Bilib ako sa sarili ko. Nakakayanan ko ang bawat araw na lumilipas. Nasa isang sikat na fast food kami ngayon ni Mama. Kakatapos lang naming mag-asikaso ng mga papeles. Uuwi na kasi kami next month. Ayos na ang lagay ng aking ama at miss na rin namin si Hux. Gusto na naming makasama ito. "Paano ang trabaho mo?" tanong sa akin ni Mama. Sumubo muna ako ng fries at nginuya iyon bago sumagot. "Nagpasa na ako ng letter sa email ni Mr. Carl. Sana ay payagan niya akong bumalik sa branch niya sa Pampanga. Iyon nga lang ay hindi ko sigurado kung may pwesto pa ba ako roon. Noong umalis po kasi ako ay may pumalit sa akin," kwento ko. Napatango siya at uminom sa kanyang juice. "Maganda naman ang mga credentials mo. Kung sakaling hindi ka na makabalik sa dati mong pinapasukan, may pag-asa ka pa

