"Pa, lalo kang gumwapo. Pero syempre mas gwapo pa rin ako," salubong ni Hux kay Papa. Natawa naman ang huli at ginulo ang buhok ng aking kapatid. Si Mama naman ay yumakap na kay bunso. Ayun at kaunti na lang ay tumulo na ang luha ng lalaki. Pinipigilan pa niya ang kanyang sarili pero sa bandang huli ay kumawala rin ang mga iyon. "Bakit mo kasi ako niyayakap, Ma? Ayan tuloy at napaiyak ako," biro niya pa. Ngumiti ako nang malaki at hinaplos ang kanyang braso. "Miss you, Bunso," bulong ko sa kanya. Sumakay na kami sa aking kotse. Dahil pagod pa ako mula sa byahe ay siya pa rin ang nagmaneho niyon. Hindi kami dumiretso sa pag-uwi. Nagtungo kami sa isang restaurant. Gabi na rin at gutom na kaming lahat. Dinner time na kasi. Si Hux na ang nag-order para sa amin. Ang mga magulang ko naman

