"Hindi na ako hihingi sa'yo, Shia. Mukhang sa'yo lang talaga sinadya iyan," Lia muttered Nilabas ko na ang laman ng paper bag. Ang laman ng tupperware ay sabaw. Nilagang baka iyon. Ang nasa bote naman ay inumin. Kulay pula iyon at hindi ko mawari kung ano. Nang amuyin ko na ay roon ko nalaman na tomato juice pala. "Hindi na rin ako. Pagdadala naman siguro ako ni Josh," utas ni Dia habang nakatingin sa binigay sa akin. Kinalkal ko pa iyon. May saging din pala. Mayroon ding maliit na chocolate pie. "Ang gara ng nagbigay sa'yo ha," pang-aasar ni Tria. Natawa na lamang ako dahil doon. Tumunog ulit ang doorbell. Hindi na ako sumama sa pagbukas ng gate. Malamang ay ang mga hinihintay na nila iyon. Sinilip ko lang sila saglit. Sina Dia at Josh ay sa garden pumwesto. Sina Lia at Kent

