Tinulak ko siya nang mahina dahil mukhang ayaw niya pang humiwalay sa akin o 'di kaya ay magbigay nang malaking distansya sa pagitan namin. "Nariyan na ang pagkain," utas ko. Nakatitig pa rin siya sa akin. Pinapanood ako. "Lynusdrei," tawag ko na sa kanya. Napangisi siya. "Mas maganda talaga kapag walang sir," bulong niya. Napakagat ako sa aking labi. "Eh. Hindi naman pwede iyon ano. Nasa trabaho tayo," sagot ko. "You just called me by my name though," he said and raised one of his eyebrows. Napanguso ako. "Ikaw kasi eh," bato ko sa kanya. "Oh ano? Bakit ako?" natatawa niya pang tanong. "Bakit ba kasi ganyan ka kung makatingin sa akin?" mahina kong sambit. "Paano ba?" "Nalulunod ako sa titig mo sa akin," amin ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napanguso ulit. Ayan na naman an

