Makailang ulit na ipinilig ni Cleo ang kanyang ulo nang sandaling iyon. Hindi pa rin mapawi sa kanyang isip ang nakakahiyang tagpo sa pagitan nila ni Calyx sa kotse ng lalaki. Kasalukuyan siya noong nasa isang bar at mag-isang umiinom ng alak. Iyon talaga ang unang lugar na naisip niya matapos siyang bumaba sa kotse ni Calyx. Detalyado pa rin sa utak niya ang kaganapang iyon sa pagitan nila ng lalaki. Walang sinuman sa kanilang dalawa ang nais na gumalaw at kumawala sa posisyong naganap kanina. At batid niyang hindi lang isang minuto ang lumipas na ganoon ang ayos nila. Nanatili lang nakatunghay sa mukha niya ang lalaki at kahit hanapin niya ang kung anuman ang posibleng damdamin na nararamdaman nito para sa kanya ay wala siyang mabakas sa mukha nito. Ang kanyang mga kamay at braso nam

