Gulat ang mga magulang ni Calyx nang makita ang ayos ng anak habang nakahiga sa lapag sa sala. Nakayakap pa ang isang babae rito at kapwa tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan. Tila naalimpungatan naman si Cleo nang tila may naaninag na ibang tao na hindi niya kilala. Pagmulat niya ng mata ay ang ayos nila ni Calyx ang unang tumambad sa kanyang mga mata. Nakayakap pa siya sa lalaki sa loob ng iisang kumot, walang saplot. Maging si Calyx ay nagulat rin nang makita roon ang mga magulang. "Calyx, ayusin n'yo ang sarili n'yo babalik kami ng mama mo," wika ni Mr. Lee matapos iyon ay inakay na palabas ng pad niya ang mama niya. "Calyx Lee, hindi ito totoo," gustong maiyak na wika ni Cleo nang makalis na ang mga magulang ng lalaki. Hiyang-hiya siya sa mga magulang ng lalaki lalo pa ng

