Hindi inaasahan ni Calyx na si Cleo ang panauhin niya nang gabing iyon. Nagtataka siya kung bakit ito nagsadya sa condo unit niya. "Mag-usap tayo!" deritsang wika ni Cleo sa lalaki matapos siyang papasukin nito. "Sinunod ko ang gusto mo. Hindi ako nagpakita sa'yo nang nakaraang mga araw. Hindi kita inistorbo," malumanay na wika ni Calyx. "Pero nambababae ka!" mariing wika ni Cleo. Hindi pa niya nalilimutan ang tagpong nakita kanina sa restaurant. Napatitig nang deritso si Calyx sa dalaga. Seryoso ang hitsura ni Cleo na animo ay nobya niyang punong-puno ng selos at naninita. "Nakita kita sa restaurant kanina, may kasamang babae." Napangiti si Calyx, napapantastikuhan siya sa inaasal at reaksyon ni Cleo. Nasiguro niyang ang babaeng nakita nito kanina na kasama niya sa restaurant ay si

