Wala ng nagawa si Calyx nang hilingin ng mama at papa niya na magtungo siya sa mansyon nila para makausap. Nais man niyang sa ibang araw na lang kausapin ang mga ito dahil sa napakarami niyang trabaho ay hindi niya magawa dahil sigurado siyang hindi siya titigilan ng kanyang mama. Kasalukuyang nasa hardin noon ang kanyang mga magulang at kapwa nagtsa-tsaa. Halatang hinihintay talaga siya ng mga ito. Lumapit siya sa ama at tinapik ito sa balikat, hinagkan naman niya ang noo ng kanyang ina. "May ipapaliwanag ka sa amin, Calyx," wika agad ng kanyang mama na hindi na hinintay na makaupo man lang siya sa bakanteng garden chair na nasa harapan ng kinauupuan ng mga ito. "Maliwanag na sa amin na ikakasal kayo ni Cleo, pero anong dahilan at kailangan pang mauna ang..." hindi masabi ni Mr. Lee a

