Huminto ang taxi sa tapat ng isang napakatayog na building. Bumaba si Cleo. Pribado ang building na iyon bilang opisina ng iba't-ibang negosyo ng Brillante family. Batid niyang nasa ibang palapag rin ng building na iyon ang mga inuukopang silid ng myembro ng kanyang pamilya, maging ang mga executives ng kompanya. Hindi iyon lingid sa kanya, dahil na rin sa kwento ng kanyang mama. Taas noo siyang naglakad patungo sa entrance kung saan ilan ang naroong mga security guards. Akma siyang haharangin ng isang guard ngunit sinaway iyon ng isa pa. "Si Señorita Cleopatra Marzela iyan," wika nito sa kasama na akmang haharang sa kanya. "Good afternoon, señorita," bati pa nito. Ito ang officer in-charge ng mga guards ng building na iyon. "Good afternoon," gating bati niya. Nginitian niya ng napakat

