Chapter 4

2534 Words
Hindi inaasahan ni Cleo na seryoso ang lalaki. Sa halip na madat’nan niya sa parking lot si Mang Celdo ay si Calyx ang nadat'nan niya roon. Nalaman niyang pinauwi na nito ang kaniyang personal driver dahil nga sa nais nitong sa condo unit nito siya magpalipas ng gabi. "Hindi ako sasama sa’yo!" "Maraming paraan para maisama kita!" wika nito at binuksan ang pinto ng kotse para makasakay siya. "Alam mo, nasasanay ka na. Hindi por que ikaw ang Chairman ng BGC ay mapapasunod mo na ako sa mga gusto mo. Hindi ako sumasama sa kung sino-sinong lalaki sa condo unit nito para magpalipas ng gabi," pagsusungit niya rito. Napabuntonghininga ang lalaki. "Malaya ang buhay ko noong hindi pa naiitakda ang ating kasal. Hindi ko rin gusto na matali sa isang kasalan lalo na kung hindi ko kilala ang isang babae. Paano ko pakikisamahan sa iisang bubong ang isang babaeng mag-iingat ng aking pangalan kung hindi ko alam ang tunay na siya? Nag-e-effort ako na makasama ka para makilala ka. Hindi ikaw ang ideal woman ko pero masunurin akong anak." Parang sinampal si Cleo sa mga binitiwang salita ni Calyx. "Huwag mong hayaan na lapitan pa kita dahil kahit sa anong kaparaanan maiuuwi kita!" Seryoso na ang mukha ng lalaki. Hindi malaman ni Cleo kung threat ba iyon, basta ang alam niya natagpuan na lang niya ang sarili na humahakbang palapit sa kotse ng lalaki para sumama rito. Ilang minuto lang ang naging biyahe nila bago makarating sa condo unit ng lalaki. Bakas sa lugar na iyon na may sinasabi sa lipunan ang estado ng buhay ng nagmamay-ari noon. May imahe ng karangyaan. Black and white ang karaniwang kulay na nakikita niya roon mula sa mga kasangkapan hanggang sa kulay ng mga sulok noon. Katabi ng sala nito ang wine bar at sa dulong bahagi ay naroon ang dining room. Sa kaliwang bahagi naman, naroon ang silid ng lalaki. "Maupo ka muna sandali at magluluto ako," wika ng lalaki. "No thanks, I'm on a diet." Tinungo ni Calyx ang bahaging kinaroroonan ng refrigerator at kinuha roon ang nasa small bowl na vegetable salad. Inilapag sa mesita na nasa harapan ng sofa kung saan nakaupo ang dalaga.Bahagyang nasilip ni Cleo na puno ang ref ng lalaki ng iba't ibang prutas at pagkain. "Sinisiguro ni Mama na palaging puno ang ref ko. May access siya sa condo unit ko kaya nagagawa niyang lagyan ng mga pagkain ang refrigerator kahit wala ako," pagbibida ni Calyx. "Maghintay ka lang dito magbibihis lang ako." "Calyx Lee, ano talaga ang gagawin ko sa lugar na ito? Hindi alam ng mama ko na narito ako." "Tawagan mo, sabihin mo kasama kita, mauunawaan niya iyon." "Sasabihin ko na dito ako magpapalipas ng magdamag sa condo unit mo?" Hindi na siya nasagot pa ni Calyx. Tuluyan na itong nakapasok sa silid nito. Tumingin ang dalaga sa wrist watch niya, mag-aalas otso na ng gabi. Sa edad niyang iyon ay may usapan sila ng kaniyang mama na hanggang alas diyes lang siya maaring gabihin at sa oras na lumampas na ng oras na iyon ay kailangan na niyang ipagbigay alam rito kung nasaan siya upang hindi ito mag-alala. Sabagay, may dalawang oras pa naman. Kung may pag-uusapan talaga sila ng lalaki at mahalaga iyon ay marami na silang magiging topic sa loob ng dalawang oras. Pagbibigyan niya ito ngayon dahil sa susunod na araw ay hihilingin na niyang tigilan na nito ang panggugulo dahil hindi rin naman talaga siya papayag na makasal rito. Pinangahasan na lang niyang kainin ang vegetable salad na ibinigay ni Calyx, tutal kahit sabihin niyang diet siya ay nagugutom na rin siya nang sandaling iyon. Halos kalahating oras na ang lalaki sa silid nito ay hindi pa siya nilalabas nito. Halos nauubos na rin niya ang vegetable salad ay wala pa rin ito. Ipinasya niyang tumawag na lang muna sa mama niya upang paalalahanan na hindi na siya sasabay dito ng dinner. Ngunit pagtingin niya sa phone niya ay lowbatt ito at hindi na mabuhay. Nagkataon na hindi pa niya dala ang charger niya. Nagbakasakali siya na makakahiram ng charger kay Calyx. Naglakas loob na siya na tunguhin ang silid nito. Baka nakatulog na ito nang makapagpaalam na rin siya. Hindi siya nakikipaglaro rito para paghintayin lang sa wala. Nakailang katok siya ngunit walang sumasagot. Lakas-loob niyang pinihit ang seradura ng pinto ng silid nito. Pagbukas niya ay wala roon ang lalaki. "Ako ba ay pinaglalaruan ng lalaking ito?" usal niya sa sarili. Noon biglang lumabas ng bathroom ang lalaki. Dim light ang tanging nagbibigay liwanag sa loob ng silid ngunit kitang-kita niya ang kahubdan nito. Wala itong saplot o tapis man lang. Agad siyang napatalikod. Nagulat naman si Calyx nang makita na naroroon sa silid niya ang dalaga. Nasanay na siya kasi na walang ibang kasama at walang anuman kung lumabas siya ng bathroom na walang saplot. Agad siyang kumuha ng tuwalya at itinapis. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ng lalaki sa kaniya. I'm sorry, may pabor kasi akong hihingin sa'yo. Hindi mo ako nilalabas. Halos kalahating oras na kaya nangahas na akong pumasok sa silid mo. Akala ko nakatulog ka na, hindi mo sinabi sa akin na magsa-shower ka. Ang sabi mo lang magbibihis ka," halos mabulol na paliwanag ni Cleo sa lalaki. Hindi pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan . Pakiramdam niya ay babagsak siya sa konting kilos niya. Naramdaman ni Cleo ang paglapit ng lalaki sa kaniya at paghinto nito sa likuran niya pagdaka'y humakbang patungo sa harap niya. Nakita niyang nakatapis na ito ng tuwalya pero amoy na amoy naman niya ang masculine scent nito sanhi ng pagiging bagong ligo nito. Napalumod-laway siya kahit biglang tila nanuyo ang lalamunan niya. "At ano naman ang pabor na maaaring hingin ng isang babae sa loob ng silid ng isang lalaki?" nanunudyo ang tanong na iyon ni Calyx. "Charger! Hihiram ako ng charger. Lowbatt ang phone ko at kailangan kong tawagan ang Mama dahil baka hintayin pa niya ako at hindi siya kumain ng dinner," mabilis niyang tugon. Narinig niyang natawa ang lalaki sa sinabi niyang iyon. Bakit nga ba siya nangahas na pumasok sa silid nito nang dahil lang sa charger? Binigyan tuloy niya ng pagkakataon si Calyx na pag-isipan siya ng masama kahit wala naman siyang ibang motibo. "Wala ng ibang dahilan?" Tila hindi naniniwala ang lalaki sa sinabi niya. Napatingin siya nang deritso sa mukha nito. "Hindi mo ba ako mahintay na lumabas ng silid ko para sa charger?" muling tanong ni Calyx na tila hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Hoy, Mister Lee, wala akong ibang motibo ng pagpasok dito sa silid mo. Hindi kita pinagpapantasyahan!" "Hindi mo man lang ba ako hahayaang makapagbihis man lang? Ayaw mo ba man lang maghintay sa labas ng silid ko? Hindi ako santo, Cleo, sa oras na muli kong tanggalin ang tuwalya sa katawan ko sisiguraduhin kong bukas ka na makakalabas ng silid na ito." Biglang tila nagbalik sa katinuan si Cleo dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Hindi na siya umimik pa. Agad siyang humakbang palabas sa silid na iyon. Pagdating sa labas ay parang nahimasmasan ang dalaga. Bakit ba ganoon ang nangyayari sa kaniya sa tuwing mapapalapit sa lalaki? May kakaibang kaba siyang nararamdaman. Minabuti niyang umalis na lang at iwan ang lalaki. Hindi siya magpapalipas ng magdamag kasama ang psycho na lalaking iyon. Tinungo niya ang pintuan ng condo unit na iyon ng lalaki ngunit nang subukan niyang buksan ang pinto ay nalaman niyang naka-lock iyon. Napailing siya. Ilang beses niya iyong sinubukang buksan ngunit naka-lock iyon sa loob, as in naka double lock at batid niyang may number combination ang lock noon. Hindi rin siya puwedeng lumabas. Napaigtad siya sa kinatatayuan nang magsalita ang lalaki. "Hindi mo mabubuksan iyan!" tinig iyon ni Calyx. Paglingon niya rito ay nakita niyang nakabihis na ito. Naka-pajama na ito ng brown at sandong puti. At tama siya, may abs nga ang lalaki dahil bahagya iyong bumakat sa suot nito. Bigla niyang sinaway ang sarili. Bakit ba abs na naman nito ang napansin niya? "Please uuwi ako, ayokong mag stay rito." "Masanay ka na." "No! Kung nagawa ni Mama na talikuran ang kasal niya sa papa mo, magagawa ko rin iyon," wika niya sa lalaki. "Ang nangyari sa papa ko at sa mama mo ay hindi na mauulit! Bakit ba ayaw mo sa akin?" "Dahil we are not lovers! Hindi kita kilala." "Kaya nga magkasama tayo ngayon para makilala natin ang isa't isa." "Wala tayong mga memorable moments," dagdag pa ni Cleo. "Hindi pa ba sayo memorable ang mga nangyayari sa atin? 'Yung kanina?" Ngumiti na naman ang lalaki na may halong panunudyo at pangungulit. "Calyx Lee, huwag mo akong paglaruan. Kung gusto mong magpakasal sa isang Brillante may iba pa akong mga pinsan. Huwag sa akin!" "Pero tayo ang ipinagkasundo. Uulitin ko sa iyo, masunurin akong anak. Try mo lang, ngayong gabi lang. Gusto ko lang mapatunayan na hindi ako nagkamali sa papayag ko na pakasalan ka," seryosong wika ng lalaki. "Huwag kang mag alala bago pa man kita pinuntahan sa bookstore kinausap ko na ang mama mo tungkol dito." "Napapayag mo siya?" "Kung pumayag ang mama mo at ipinagkatiwala ka niya sa akin, bakit hindi mo subukang magtiwala rin sa akin ngayong gabi?" Batid ni Cleo na hahaba lang ang pagtatalo nila. Minabuti niyang pagbigyan na ang lalaki sa kondisyong kailangan niyang makausap ang kaniyang mama. Si Calyx mismo ang nag-dial ng phone number ng mama niya upang makausap ito gamit ang cellphone nito mismo. Nang makausap niya ang mama niya ay napatunayan niyang totoo nga ang sinasabi ng lalaki. Nakausap nga nito ang kaniyang ina at ipinagpaalam siya rito. Muling naupo sa sofa si Cleo. Hinubad niya ang kaniyang sapatos na may takong, palatandaan na handa na siyang mag-stay roon. Nang makita ni Calyx ang ginawa niya ay binigyan niya ng slipper ang dalaga. Naisip ni Cleo na siguradong hindi lang siya ang babaeng iniuuwi ng lalaki sa condo unit nito dahil may gamit pambabae na naroon. Marami silang napagkuwentuhan. Matiyaga itong nagkuwento ng tungkol sa negosyo at sa pamilya Brillante na hindi niya nakasama habang lumalaki. Napansin lang niya na hindi nagkukuwento ang lalaki ng tungkol sa personal nitong buhay lalo na kung sangkot ang lovelife nito. Gusto niya sanang alamin kung ilan na ang naging girlfriend nito ngunit wala siyang lakas ng loob. Baka naman isipin nito na nagkakainteres na siya rito. Hindi rin naman ito nagtatanong ng tungkol sa lovelife niya, bagay na ipinagpapasalamat niya dahil wala naman siyang maisasagot. College pa siya nang unang magkaroon ng nobyo at anim na buwan lang ang itinagal noon dahil nahuli niya itong may ibang kasintahan. Mula noon hindi na siya nagkaroon ng karelasyon kahit pa nga marami naman ang nagpapahayag sa kanya ng interes. Sa pag-uusap nilang iyon, totoo nga ang sinabi ng kaniyang mama na mukha ngang mabait at hindi mayabang ang lalaki. Pero hindi pa rin iyon basehan para pumayag siya sa gusto ng lolo niya. Hindi siya pabor sa arranged marriage. Kinikilala pa rin niya ang karapatan ng bawat puso sa malayang pagpili ng mamahalin at magiging kabiyak ng dibdib. Isa pa hindi nalarawan sa utak niya na ang lalaking makakasama niya habang buhay ay mas bata pa sa kanya ng apat na taon. Nakita ni Cleo na tinungo ni Calyx ang wine bar at kumuha ito ng isang bote ng red wine. Naglagay ito sa kopita ng alak at iniabot sa kaniya. "Iinom ka?" tanong ng lalaki Bahagya pang nag-isip si Cleo kung aabutin ang kopita ng red wine na iniaabot ng lalaki. "Ok lang naman kung hindi," wika ni Calyx nang mapansin na tila alanganin siya. Inabot niya ang kopita at sinimsim ang laman nitong alak. "Magiging nice ako sa iyo ngayong gabi lang pero huwag mo pa ring kalilimutan na tutol ako sa kasal natin." Natawa nang mahina si Calyx. "Malilimutan ko ba iyan, eh, paulit-ulit mo iyang sinasabi sa tuwing kasama ako." "Mabuti na iyong maliwanag. Pakakasal lang ako sa iyo kung matututunan kitang mahalin." Napatingin sa kaniya ang lalaki. Huli na para ma-realize ni Cleo ang sinabi niyang iyon. "Ang ibig kong sabihin, pakakasal lang ako sa isang lalaki kung mahal ko siya. Wala naman kasing babae na pakakasal sa lalaking hindi niya mahal." Matapos sabihin iyon ay tinungga niya ang alak na laman ng kopita niya, straight! Nabigla si Calyx sa ginawang iyon ng dalaga. Sanay ba itong uminom? Napakadali para rito na tumungga ng alak. Nang muli itong humingi ay alangang sinalinan ulit iyon ni Calyx. "Kahit hindi ako magpapakasal sa iyo puwede mo akong maging kaibigan," isang matamis na ngiti ang ipinagkaloob niya sa lalaki. "Kung gusto mo, mula ngayon puwede mo na akong ituring na kaibigan. O, ano? Para kahit hindi tayo makasal puwede mo akong makasamang mag-enjoy. Gusto mo i-celebrate na natin ngayon ang start ng ating friendship? Saka kalimutan natin yung mga nangyari sa atin at yung pagsusungit ko sa'yo." Nagiging madaldal na si Cleo. "Cleo, medyo lasing ka na. It's time para magpahinga ka na. Thanks sa time. Matulog ka na sa silid ko, dito ako sa sofa." Ipinasya ni Calyx na itigil na ang pag-inom nila. Batid niyang medyo tipsy na ang dalaga at higit pa roon ay wala siyang balak na lasingin ito. "No! Mamaya tayo matulog, samantalahin mo na may bonding moment tayo na ganito." Si Cleo na mismo ang kumuha ng bote ng alak na hawak ni Calyx at siya na ang nagkusa na magsalin ng alak sa sarili niyang kopita na hawak. Naging madalas na ang pagngiti ng dalaga, bagay na kinaaliwan ni Calyx. Lumalabas ang pagiging feminine nito nang sandaling iyon, hindi tulad nang mga nakaraang araw na animo ay amasona sa tuwing kakausapin siya. Ngayon ay batid niya kung paano ang epekto ng alak sa babae. "Hoy, Calyx Lee, nakatitig ka ba sa akin? Nagagandahan ka sa akin? Siguro kaya pumayag ka na maitakda ang kasal natin kasi attracted ka sa akin," wika ni Cleo sa napaka-sweet na tinig. "Hindi rin naman magsisisi ang babaeng makakasal sa'yo kasi ang guwapo mo, mayaman, ang ganda ng mga mata mo, ng ilong mo, ng mga labi mo, tapos may abs ka pa," namumungay ang mga mata na wika ng dalaga. Halata na tinamaan na ito ng alak na nainom. Naninibago si Calyx sa inaasal ng dalaga. Ganito ba talaga ito kapag nalalasing? Nagiging vulgar. "At take note, masarap kang humalik!" wala na sa katinuang amin ni Cleo. Sukat doon ay biglang nasamid si Calyx. Pati ba iyon ay lakas loob na nasasabi ng dalaga? Malayong-malayo ang inaasal nito ngayon sa inaasal nito nung hindi pa ito nakakainom. Akmang tutunggain pa ng dalaga ang hawak na kopita na may lamang alak nang pigilan iyon ni Calyx. "Enough, Cleo, marami ka ng nasasabi at siguradong bukas ay pagsisisihan mo na ang lahat," saway ni Calyx. "Ano ba? Ibigay mo sa akin iyan," tinangkang muling bawiin ng dalaga ang kopita sa kamay ni Calyx ngunit iniiwas iyon nito at dahil mabuway na siya sanhi ng kalasingan ay hindi sinasadyang nawalan siya ng balanse at payakap na sumubsob sa lalaki. Nasalo naman agad ni Calyx ang dalaga. Kakaibang init ang nanulay sa kanilang mga katawan sanhi ng pagkakadikit na iyon....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD