Hindi mapuknat ang tingin ng lahat kay Cleo nang lumabas sa fitting room habang suot ang traje de bodang ini-disenyo ni Margarette Sulivan. Kahit si Maxene ay aminado sa kankyang sarili na bumagay kay Cleo ang damit pangkasal at sigurado siyang mas lalong lilitaw ang ganda nitong angkin sa araw mismo ng pakikipag-isang dibdib nito. Si Bryan naman ay tila ba nakakita ng isang diwata sa katauhan ng dalaga. Mababakas sa kaniyang mukha ang lubos na paghanga para sa babaeng nakatakda niyang iharap sa altar. Tanging kay Bryan lamang naman nakatuon ang tingin ni Cleo nang sandaling iyon upang huwag siyang mailang lalo pa nga at naroon ang presensiya ni Calyx. “Perfect!” bulalas ni Margarette. “See, as what I told Calyx before, I will make you more beautiful on your wedding gown.” Sukat sa na

