Chapter 50

1204 Words

Napatigil sa paghakbang si Cleo nang pagpasok niya sa opisina niya ay madat’nan doon si Calyx. Bahagya itong nakaupo sa ibabaw ng mesa niya at nakahalukipkip. Deritsong-deritso ang pagkakatingin nito sa kaniya. Halatang naghihintay talaga ito. Wala man lamang nabanggit ang secretary niya nang makita niya ito kanina bago pumasok na naroon ang lalaki. Napansin niyang wala itong suot na americana coat. Nakalilis ang long sleeve hanggang siko at maluwag ang pagkatali ng kurbata. Hinayaan pa nitong nakabukas ang dalawang butones ng suot nitong polo na nagpalabas ng kaunti sa balat nito sa dibdib. Mukha itong tense. Malayong-malayo sa pagiging pormal nito sa tuwing makikita niya sa oras ng trabaho. Tumayo ito at nakita niyang may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito. Isang maliit na telang iti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD