“Ella, Babe,” pukaw ni Bryan kay Cleo. Kanina pa kasi ito tinatanong ni Ms. Vivienne Santibañez hinggil sa set up ng nalalapit nilang kasal. Ito ang wedding planner at tumatayong wedding coordinator nila noon ni Calyx ngunit ngayon ay siya na ring mag-aasikaso ng magiging pag-iisng dibdib nilang dalawa. Kinailangan nilang i-meet ang dalaga upang pag-usapan ang kaunting pagbabago tungkol doon. “Y-Yes?” tugon niya. Kung hindi pa tinapik ng bahagya ni Bryan ang kamay niya na kasalukuyang nasa ibabaw ng mesa ay hindi pa niya mapapansin na kinakausap siya nito. Inaamin naman niya na nawala talaga siya sa pokus. Sariwa pa rin sa alaala niya ang naganap sa pagitan nila ni Calyx sa opisina niya. Pilit hinahanap ng utak niya ang dahilan kung bakit nagawa siya nitong gawaran ng halik sa mga labi.

