Chapter 48

1532 Words

Hindi inaasahan ni Cleo na makakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan niyang si Hyacinth nang araw na iyon. Kasalukuyan siya noong nasa kaniyang opisina. Sandali niyang itinigil ang pagpirma sa mga document na ipinatong sa mesa niya ng kaniyang secretary at sinagot ang tawag nito. “Ayaw kong paniwalaan ang lahat pero gusto kong manggaling mula sa iyo na totoong si Bryan na ang magiging groom mo,” bungad agad nitong wika nang sagutin niya ang tawag na iyon. “Tama ka. Tama ang lahat ng mga nalaman mo,” kampanteng tugon naman ni Cleo. “Palagi kaming nagkakausap sa phone ni Sussy at naiikuwento niya sa akin lahat ng mga nangyari. Palagi ako tumatawag sa kaniya at nangungumusta. Pasensiya ka na kung hindi ako makapunta riyan sa Manila para madamayan ka.” “Ayos lamang iyon, Yazzy. Huwag mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD