Chapter 47

1349 Words

Kinasiyasat talaga ni Sussy ang suot na Diamond ring na ibinigay ni Bryan kay Cleo noong mag-propose ito sa Laguna. Kanina pa niya hindi binibitiwan ang kamay nito at makailang beses pa na sinipat ang iba’t ibang anggulo ng mamahaling bato na tampok ng engagement ring na iyon. Dumaan si Cleo sa bookstore pagka-out niya sa trabaho sa BGC nang araw na iyon. “Alam mo hindi ako sang-ayon sa second chance at sa mga nagbabalikang magkarelasyon lalo na kung nagkahiwalay dahil sa kataksilan ng isa at pagiging marupok nito. Pero ngayon, mukhang mababago yata ang prinsipyo ko.” Binitiwan nito ang kamay niyang kanina pa nito hawak-hawak. Naunawaan ni Cleo ang ibig sabihin na iyon ng kaibigan. Noon pa man ay panay na ang paalala nito sa kaniya na hindi na siya dapat pang makipagbalikan kay Bryan sap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD