Katatapos lamang noon ng ribbon cutting para sa opening ng Brilliant Amusement Park. Sinadya ni Calyx na magmadali nang magtungo sa management building doon. Napadpad siya sa executives room kung saan tahimik at tanging siya lamang ang tao. Naupo siya sa isang swivel chair na naroon at pilit ipinahinga ang isip at katawan. Sinadya niyang takasan ang ilang reporter na nagtatangka pang magtanong sa kaniya ng kung anu-ano. Personal man o tungkol sa negosyo o trabaho niya sa BGC ang itatanong nito ay wala na siyang balak na sumagot sa kanit na anong tanong nang araw na iyon. Masyado nang walang tigil ang utak niya mula pa kanina. Pinagsalikop niya ang dalawang palad at itinuon iyon sa kaniyang noo. Sandali siyang pumikit. Akala niya sa pagpikit niyang iyon ay hihinto saglit ang magulo niyang

