Opening ng bagong amusement park na pag-aari ng BGC sa Laguna. Kailangan daluhan iyon ng mga nasa executive position ng kompanya. Nawawalan man ng gana si Cleo ay kailangan niyang magpatuloy. Hindi siya nararapat na magpagupo sa kalungkutan at sakit na nararamdaman niya sa kasalukuyan. Makailang beses pang sinalat ni Bryan ang kaniyang leeg at noo nang umagang iyon nang muli silang magkita sa Brillante Tower. “Bakit?” “Sinisiguro ko lamang na wala kang lagnat. Baka kasi nasaman ka ng pagkabasa mo ng ulan kahapon.” Ang una agad tinungo ng lalaki nang sandaling iyon ay ang opisina ni Cleo. Mula pa kagabi matapos na pakalmahin niya ang dalaga sa naging pag-iyak nito sa unit nito ay hindi na niya ito ginambala pa upang kahit paano ay makapagpahinga naman ito. Hindi na nga niya nagawang umu

