Nang araw na iyon ay ipinasya ni Cleo na kausapin si Maxene. Kailangan niyang maging tapat sa dalaga at higit sa lahat ay pawiin ang kung anuman ang sakit na nararamdaman nito sa kasalukuyan. Kailangan nilang mag-usap ng babae sa babae. Hindi nila kailangan parehong magdusa sa sitwasyong tulad ngayon. Hindi kailangang maging sanhi ng samaan ng loob ang isang lalaki. Iyong mga narinig niya sa ladies room ng Moonlight Pub ay tila paulit-ulit pang umaalingawngaw sa utak niya. Halos hindi na nga siya pinatulog ng mga linyang narinig niyang binitiwan ni Maxene. Laking pasasalamat na lamang niya ay sinipot siya nito sa lugar na sinabi niya nang tawagan ito ng secretary niya. Sinadya niyang huwag mismong sa Brillante Tower maganap ang pag-uusap na iyon sapagkat ayaw niyang malaman pa ni Calyx

