Chapter 57

1775 Words

Nang gabing iyon ay sinubukan ni Maxene na aliwin ang kaniyang sarili. Mababaliw siya kung hahayaan niyang mag-isa lamang niyang palipasin ang buong magdamag sa condo unit niya sa ganoong estado niya ng pag-iisip. Halos trenta minutos na rin siyang naroon sa Moonlight Pub at umiinom mag-isa. Napansin niya may mangilan-ngilang mga naroon ang napapatingin sa kaniya na tila ba nakikilala siya. Hindi na lamang niya pinapansin ang mga ito. Wala siyang pakialam kung may mga guest roon na nagtataka kung bakit ang isang dating Miss World ay naroon at mag-isang umiinom. Hindi niya ugali na alak ang ipangsagot sa isang problema ngunit ngayon ay tila ito lamang ang puwede niyang balingan. Ngayon na inaalipin ng panibugho at lumbay ang kaniyang puso. Tutunggain na lamang niya ang baso ng alak na h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD